FIRST BOYFRIEND ♥

362 2 0
                                    

FIRST BOYFRIEND [Short Story]

“My First Boyfriend should be special.”   ‘yan ang pangako ‘ko sa sarili ‘ko.

Ako si Janea Andrea Altamonte, isang super demanding, gimikera, maselan sa pagkain at maselan din sa pagpili ng boyfriend.

Ganyan ako idescribe ng mga taong nakakakilala sa akin pero kahit ganun, friendly naman ako.

GUSTO MO MAGING FRIENDS TAYO? TELL ME. (Message mo ako!) #Srsly

Hindi naman ako mapili sa kaibigan eh, sa pagkain at boyfriend lang talaga.

Marami akong gustong gawin at marami rin gustong marating. Madalas man akong nasa gimik at gala din akong tao ay bored ako sa buhay ‘ko. Hiwalay ang nanay at tatay ‘ko.

Ang nanay ‘ko ay isang OFW at ang tatay ‘ko naman ay may ibang pamilya na. Hindi ‘ko alam kung nasaan lupalop siya ng mundo. Ang mga kapatid ‘ko naman ay kasama ng nanay ‘ko sa ibang bansa at may kanya-kanya ng pamilya roon.

At ako? Eto nag aaral gamit ang scholarship sa pagiging OFW ng nanay ‘ko at nag-iisa sa buhay.

Napapadalas tuloy akong gumala at gumimik. Pinapupunta ‘ko rin ang mga kaibigan ‘ko sa bahay namin. Nagsasaya at nagkwekwentuhan at puno ng tawanan.

Habang nagtatawanan sila ay natatahimik na lang ako bigla.

Ewan ko ba kung bakit, mahirap ipaliwanag.

Sinasama nila minsan ang mga syota nila. Tinutukso nga nila ako, hindi pa daw kasi nila ako nakikitang may  kasamang lalaki bukod sa mga kaibigan ‘ko. Hindi pa raw ako nagkakasyota.

YUN ANG AKALA NILA.

16 taong gulang ako ng magkaroon ako ng boyfriend.

Bago magcollege ay nagbreak kami ng boyfriend ‘ko. Hahaha wala lang, masyado siguro kasing complicated.

Pero ang boyfriend kong yun ang pinakakaiba sa lahat ng lalaking nakilala ‘ko. Lahat na yata ng ayoko sa lalaki ay nasa sa kanya.

Umiinom, naninigarilyo, mayabang, mahilig sa dota at kung anu-ano pang computer games kaya’t wala na siyang oras sa akin. (Aruuuuuuuuy! Haha. Maiyak pa ako.)

Hindi ‘ko alam kung bakit siya ang naging First Boyfriend ‘ko.

Nakalimutan ‘ko yata yung promise ‘ko  sa sarili ‘ko nung nakilala ‘ko siya.

Siguro dahil lagi niya akong napapatawa, sweet din siya at siguro kasi malaki ang takot sa akin ng lalaking ‘to. Kalalaking tao takot sa akin. Hahaha.

Mayroon pa nga kaming kasunduan eh, ang aming kasunduan ay “Bahala siyang uminom ng uminom, manigarilyo siya kung kailan niya gusto basta ‘wag lang sa harap ‘ko. ‘Wag siyang magpapakita sa akin.”

(Oh diba bait kong Girlfriend :D)

Sinusunod naman niya ako, wala naman kaming naging problema doon.

Pero tulad din ng mga ibang magkasintahan ay naghiwalay din kami sa hindi ‘ko malamang dahilan. Hindi ‘ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin ng ganon na lang samantalang wala naman akong ginagawang masama at mali. ( Mga LALAKI nga naman talaga. Hindi mo maintindihan! Diba girls? Peace tayo mga Pare! (^---^) V Friends tayo? :D  )

Tapos na rin ang first semester sa wakas.

Salamat at wala naman akong tres o INC kahit muntik muntikanan na akong magkaroon.  Problema kasi kapag may singko o kahit INC lang, mawawala kasi ang scholarship ‘ko sa pagiging OFW ng nanay ‘ko.

FIRST BOYFRIEND ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon