Pinaglalaruan ako ang hawak kong G-Tech ng biglang may kumatok sa pinto ng aking opisina.
"Come in," sabi ko.
Pumasok si Niamh. Pinaupo ko muna siya at ngiti lamang ang tanging isinagot niya sa akin. Ngumiti rin ako at ibinagsak ang tingin sa binigay niyang papel.
"Ano 'yan?" mahinahon kong tanong. "Sorry, medyo... alam mo na, nag-a-adjust pa rin sa body clock."
"Miss Fate, pa-sign na lang po..." sabi niya. "Nag-a-adjust pa rin?"
"Medyo na lang..." ngumiti ako at inayos ang G-Tech na hawak ko kanina pa. "Para sa'n nga ulit 'to?"
"Hindi mo muna babasahin?" Tanong niya. "Memo po iyan ni Miss Love."
"I trust you," tumawa ako. "Of course ay dadaan muna 'yan sa kamay mo bago ang pirma ko. So, what's this for?"
"Merging, Miss Fate." Aniya. "Basahin mo na lang din para 'di ka maguluhan. Medyo complicated kasi."
Umismid ako. "Don't be too formal, you're just in my office. Miss Fate ka pa riyan!"
She's my classmate since high school. Kinuha ko siyang assistant para komportable akong magtrabaho rito. Mabuti na lang at pumayag siya. Papunta na sana iyan ng Canada, pero nandito, kasama ko.
"Mamaya ay pagalitan na naman ako ni Joaquin," aniya at napailing. "Ay, Sir Joaquin pala..." dagdag niya na may diin sa pagkakasabi.
Tumawa ako. "Bakit mo sini-Sir 'yon? Hindi ba't—"
"Shush! Kahit boss kita, kaya kitang sapakin," aniya.
Humagikhik ako. Inirapan lamang niya ako at humalukipkip. Tumuwid ako ng upo at nginisian siya, patuloy na nang-aasar.
"Joaquin lang. Huwag mong i-Sir 'yon," sabi ko habang pinapasadahan ng basa ang iniabot niyang memo. "Anong relevance ko rito?"
"Kailangan daw ng sign mo, sabi ni Miss Love," ulit niya. "Bagong store, for legal papers na aayusin next month. At ayun, merging din nga."
"New store again?" kumunot ang noo ko. "Hindi ba't kabubukas lang ng bagong store sa BGC last month? Bago na naman?"
"What's up, my cousin, Fanchette!" biglang sumulpot si Joaquin sa pinto. "So ito pala ang opisina mo!"
Iyan na nga at hindi ko pa lang nababasa ng buo ang memo, narito na agad ang pinsan ko para sumira ng araw ko!
Tumikhim si Niamh nang daanan lang siya ni Joaquin. Ngumisi ako at binati ang aking pinsan. Kauuwi lamang ni Joaquin galing Paris noong isang linggo. Masyado yatang nasiyahan sa Europa kaya ngayon lamang umuwi ng Pilipinas.
"Shut up, hindi maganda ang entrance mo." Umirap ako pero yumakap pa rin sa kanya. "Masyado ka naman yatang nag-enjoy sa Paris?"
Sumulyap siya kay Niamh at nagtaas ng kilay. Umirap lang sa kanya ang kaibigan ko. Tinago ko ang namuong ngiti sa gilid ng labi ko.
"Well... masyado ko naman din miss ang Pilipinas!" Sabi ni Joaquin. "Ayaw ko ng screen lang ang kaharap tuwing may usapan tungkol sa kompanya! Gusto ko rin makaharap ang mga empleyado."
Tumaas ang kilay ko. Panigurado akong hindi lang tungkol sa trabaho ang sinasabi nitong pinsan ko.
Most of my cousins also went to Europe to learn about our family business. Ako lang ang hindi dahil wala talaga akong alam sa family business namin, especially when it comes to cooking sweets. The only thing I can do is to help here in the office. In terms of handling it, wala akong maitutulong doon. Nagpunta rin ako roon, pero hindi para pag-aralan ang negosyo. Para pag-aralan ang propesyon ko.
BINABASA MO ANG
Burden of Proof
Romance"Love is for weak people. And I'm not that weak to believe in the idea of love." 2016 © lesdemoiselle