An ink to life

56 3 0
                                    

Mam. Seleste: Ok class ngayon nasa chapter 5 na tayo ng book at pag-uusapan natin ngayon ang ibig sabihin ng life o buhay na tinatawag. Anybody?

.

.

.

Mam. Seleste: Yes AJ!

Ang buhay natin ay parang isang malinis na papel at tayo naman ay isang ballpen na susulatan ang papel na iyon, upang gawin ang storya ng buhay natin. May introduction, climax, at laging may ending. Lagi kung ninanais na sana maging maganda ang takbo ng buhay ko ung uri ng kwento na masaya at challenging kumbaga. Ang buhay kasi natin may kanya kanyang genre din yan eh parang sa mga storya may buhay na masaya at may buhay din namang malungkot. Nasa sa atin na iyon kung anong klaseng buhay ang gusto natin dahil tayo ang gumagawa ng storya ng buhay natin. 

Clap Clap Clap.

Mam.seleste: Wow ibang klase ka talaga Aj pag dating sa mga ganyan napakahusay mo talaga. Tama lang na ikaw ang ipanlalaban namin sa darating na writers week.

Aj: Hehe hilig ko po kasi talaga mag sulat mam kaya ganun po talaga.

Mam. Seleste: Ok goodjob! Ok class nga pala sa darating na writers week

Habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Mam. Seleste ang mga classmate ko nagbubulungan.

Mc: Hay nako hilig lang naman talaga nyan magsulat eh pero kadalasan sinusulat nya about sa buhay nya.

Patrick: Oo nga lagi nyang nirerelate ung buhay nya sa story binabasa ko rin mga sinusulat nyan eh.

Mc: Oo laging maganda ung story nya dun kumbaga dun habulin sya ng mga babae at di sya binabusted dun marami syang gadgets at sobrang yaman pa nga haha.

Patrick: Masyado namang ambisyoso haha.

Mc: Gang sa pagsusulat na lang sya haha by the way marami ngang bad comment sa mga gawa nya eh.

Patrick: Hahaha eh paano puro storya nya ang boring.

Mc: Actually ako nagcomment nun eh ahaha ung matindi kung nabasang comment dun "wag kana magsulat mag dota kana lang" hahaha

Patrick: Ay nabasa mo yun!? haha eh ako kaya nagcomment nun haha

Mc: haha tayo rin pala mga nagcomment dun eh boring naman talaga eh haha

Patrick: O nga boring! haha

Nung time na narinig ko yun halos panghinaan na ko ng luob sa darating na writers week kung useless din pala mga gawa ko. Mahilig kasi ako magsulat ng storya about sa mga nangyayari sa buhay ko. Minsan ung negative ginagawa ko na positive kasi sabi nga mas maganda sinusulat mo ung mga nararamdaman mo or mga gusto mo pang pagaan ng luob. 

Pagtapos ng klase dumiretso ako kay mam upang tanungin sya kung maganda naman mga storya na gawa ko. Tinanung ko sya at sabi nya naman sakin "Ok naman mga gawa mo galing mo nga eh kaya sinali kita sa writers week bilang participant at alam ko mananalo ka dun" kaya sobrang nabuhay ang luob ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Paglabas ko sa room ni mam dumating si Sir. Allen napahinto ako bigla tabi ng nakabukas na pinto nung narinig kung binangit ni sir ang pangalan ko. 

Sir Allen: Mam seleste bakit sya ang pinili mo bilang participant sa darating nating writers week.

Mam. Seleste: Dahil alam kung may potential ung batang yun.

Sir Allen: Sabihin na nga nating ganun mam pero contest ang pupuntahan nya hindi training seminar ipapahiya nya lang ang school kalat dito na mga storya nya puro ang papangit.

Mam. Seleste: Paumanhin lang wag mo kung pangunahan sa gagawin ko alam ko kung anong ginagawa ko kaya umalis kana dito bago pa't ikaw ang pahiyain ko.

Sir Allen: Sensya na po mam sige po.

Mam. Seleste: Kala mo kung sinong magaling.

Matapos kung marinig umalis na kagad ako. Tama nga na walang kwenta ang mga sinusulat ko at parang ayaw ko ng dumalo sa darating na paligsahan. 

Naglakad ako pauwi biglang umulan naman ng malakas. Hindi ako huminto para sumilong ngunit tumuloy tuloy pa akung naglalakad sa napakalakas na ulan. Eto ako basang basa sa ulan walang masisilungan walang malalapitan yan ang kanta ko sa sarili ko habang umiiyak. Sobra emotional ko na nga eh sinasabayan ko na ang ulan sa pag-iyak ko humahagulgul na ako eh bigla namang tumigil ung ulan. Hayyy saya diba, naglakad tuloy akong basang basa.

Tumigil ako saglit sa waiting shed upang sumakay na lang sana sa bus ng may nakita akong matanda na nakatambay dun. Sa tagal kung naghihintay wala parin dumarating hanggang sa nagsalita ung matanda. "Para sayo anong ibig sabihin ng buhay?" Nag alangan pa ko kung paano ko siya sasagutin pag sumagot kasi ako masyadong malalim pero sige na nga "Ang buhay natin ay parang isang blank paper at tayo naman ay isang ballpen na susulatan ang papel na iyon upang gawin ang storya ng buhay natin. May introduction, climax, at laging may ending. Lagi kung ninanais na sana maging maganda ang takbo ng buhay ko ung uri ng kwento na masaya at challenging kumbaga. Ang buhay kasi natin may kanya kanyang genre din yan eh parang sa mga storya may buhay na masaya at may buhay din namang malungkot. Nasa sa atin na iyon kung anong klaseng buhay ang gusto natin dahil tayo ang gumagawa ng storya ng buhay natin" matapos kung sagutin ang mga tanung nya napangiti ung matanda sa akin at binigyan nya ako ng isang notebook na may 30 sheets of paper lang at isang ballpen sabi nya "gumawa ka ng storya sa notebook nayan at ibigay mo sa akin" natuwa naman ako at mayroong tao gusto magpagawa ng storya sa akin parang proyekto nato kaya kakagatin ko. Napatanung ako "alam nyo po bang writer ako bakit nagpapagawa po kayo sa akin?" ang sagot naman nya "diba bata sabi mo sa akin kanina tayo ang manunulat ng storya ng buhay natin? Ngayon gusto ko isulat mo sa notebook na yan kung gaano kasaya ang buhay kahit ano pang mangyari" at ang sabi ko naman "Ah sige gagawin ko po ito pero teka may reward naman ba ako sa gagawin kung to hehe?" bigla syang napangiti at ang sabi nya lang sa akin "Kung gaano kaganda o kapangit ung storya isusulat mo un din ang ibibigay ko sayo sige alis na ako" 

Teka teka eh paano kung scam lang at di na sya bumalik hayyy ayos lang atleast makakagawa naman ako ng storya ok narin yun kasu 30 papel lng to ang nobela na ginagawa ko mahaba pa dito baka di kakasya tsk. 

Ayun may bus na.

Bumakas ung bus at natawa ung mga tao sakin dahil para akong basang sisiw.

Hayyy bakit di pa to natuyo kanina habang nag-uusap kami nung matanda tsk. 

Pag uwi ko sa bahay sinimulan ko na kagad isulat ung intro ng storya sinumalan ko ito sa pangtitrip sa mga classmate kung nagbubulungan kanina. Una ung isang classmate ko pag nasa klase sya lagi syang uutot ng napakalakas at ung isa naman maiihi sa salawal pagkatapos syang tanungin ng aming guro hmm paano kaya kung magkatotoo to bukas ay grabe tatawa talaga ako haha.

Kinabukasan...

GRABEEE ang lakas munaman umutot mc!! 

Dahil dyan naihi tuloy si patrick hahaha 

Hala nagkatotoo ata mga pinagsusulat ko ah hmm teka uupo nga muna ako titignan ko kung nagkakatotoo mga sinusulat ko o nagkataon lang.

-papasok si sir. Allen habang kumakanta ng pusong bato.

Di mo alam dahil sayo di ko makakain.........

Halaaaa wait anong meron sa binagay ng matanda sakin bakit ganto..

---sundan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An ink to lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon