Introduction

21 1 0
                                    

Introduction

Well, first time kong gumawa ng storya online. Ang hirap palang gumawa ng storya. Tapos ang dami pa palang kailangang ilagay: Categories, Copyright, Rating...parang napaisip ako kung itaTry ko pang gumawa ng Storya. xD Pero alam n'yo kung ano mas mahirap? ...

Yung gumawa ng storya na kahit sa pamagat pa lang, hindi mo pa alam kung anong ilalagay mo. Sa mga gumagawa at nakagawa na ng storya, hanga ako sa inyo. Kasi nakakaisip kayo ng mga bonggang storya at sa pamagat pa lang, nakaka-antig na. *Nakaka-antig* XD 

Well, sa paggawa ng storya, maraming dahilan. ang mga naiisip kong mga dahilan, siguro...dahil gusto mong magShare, dahil inspired ka, o di kaya ay dahil gusto mong maka-inspire ng iba. Ako, siguro...dun ako kasama sa mga gusto lang magShare. Kasi, di naman ako inspired, ewan ko na lang kung may ma-inspire man ako sa kwento kong 'to. x)

Mga una ko kasing naisip na pamagat: Hindi Ko Alam, OK Lang, Ayus Lang... tapos naging- "Sakto Lang"

Yung mga salita kasing OK Lang o Ayus lang, napakadaling sabihin. Pero MINSAN, di naman talaga ganun ang nararamdaman natin. Gaano nga ba Kadalas ang MInsan? xD 

Medyo imba kasi yung words na sakto lang eh. Di mo malaman kung ayus lang ba talaga? Hindi ba sobra? Hindi ba kulang? O sakto lang ba talaga? Buhay ko... sakto lang. Siguro. 

"Sakto Lang"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon