Si Sky ay isang incoming 4th year High School student sa isang pribadong paaralan. May kaya ang kanyang pamilya, may maayos, maganda ngunit hindi malaking tirahan. Ang kanyang tatay ay may napakagandang trabaho at ang kanya namang nanay ay nasa bahay, nag-aasikaso sa buong pamilya. May Ate siya na College at may kapatid siyang lalake na Elementary pa lang. Ang agwat niya sa kanyang Ate ay halos dalawang taon at sa bunso naman ay halos pitong taon. Sa Pillipinas siya ipinanganak at dito rin siya nagKinder. Ngunit mula Grade 1 hanggang Grade 5 sa US siya nag-aral. Nang bumalik sila ng kanyang pamilya sa Pilipinas, patapos na ang pasukan nun, kaya umulit na lang siya ng Grade 5. Mula pagkabata, nag-aaral ng mabuti si Sky.
Ang 2nd yeal life ni Sky ang pinaka da best para sa kanya. Naging bida siya sa maraming paligsahan sa eskwelahan, isa siya sa may pinakamatataas na grado sa kanilang klase. Naging aktibo siya sa mga oraganizations na sinasalihan niya, marami siyang kaibigan *nasa kanya pa rin ang matalik niyang kaibigan na si Cindy*, pinagkakatiwalaan siya ng kanyang mga guro, maayos ang buhay kaibigan niya, buhay pamilya, buhay pag-ibig *lol*, sa Church duties niya at kung saan pa man.
Ngunit pagkarating ng 3rd year High School parang biglang bumaliktad ang mundo niya. . .
BINABASA MO ANG
"Sakto Lang"
Short StoryHi, I'm Sky. :) I'm just a little girl lost in the moment I'm so scared but I don't show it I can't figure it out, it's bringing me down I know I've got to let it go, but just can't let it go and can't enjoy the show. :( Di ko na talaga mapagtanto...