Prologue

16.4K 444 68
                                    

Nasa isang maliit na kwarto ako dito sa dorm. May isang kama kung saan magkatabi kami ng ka dorm mates ko na si Betcha --Beatriz. May isang lamesa na pang dalawahang tao lang, isang maliit na banyo at kusina.

Nakaupo ako at nakapatong ang mga braso ko sa mesa habang hawak ko ang isang tasa ng kape. Gulong-gulo ang isip ko, ni hindi ko alam ang gagawain ko kung paano ko susolusyunan ang problema ko ngayon.

Halos isang linggo na akong hindi kumakain ng tama, itong kape na lang na ito yung natitirang meron doon sa kusina na ngayon ay wala na dahil tinimpla ko na. Wala na ring ibang laman ang wallet ko kung hindi yung 190.75 pesos na meron ako.

Bukas lunes na at midterm exam na namin at hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag bayad. Bawal naman na akong mag promissory note dahil ginawa ko na iyon noong prelim at hanggang ngayon hindi ko parin nababayaran.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

Hindi ako pwedeng huminto.

Ako lang kasi ang nag papaaral sa sarili ko, kaya ko naman pero ngayon na nawalan na ako ng trabaho at hindi ako makahananp ng bago hindi ko na nasuportahan ang sarili ko.

Bawal akong huminto.

Fourth year college na ako ngayon at nasa first semester pa lang, bawal akong huminto kasi konti na lang makakagraduate na ako at makakapag trabaho kaya malaking kawalan kung titigil pa ako.

Pinipilit kong pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko kaya kahit anong pigil ko patuloy na umaagos yung mga luha ko.

Bakit ba kasi ako naging mahirap?

Biglang pumasok sa isip ko si Betcha, balak ko sana siyang utangan kaso kagaya ko siya lang din yung nagpapaaral sa sarili niya, pareho kami ng sitwasyon kaya nga naging magkasundo kaming dalawa. Sa sobrang desperada ko nga tinawagan ko siya noong sabado, wala kasi siya dito at sa susunod pa na sabado ang uwi niya dahil namatay yung lolo niya.

"Betcha, may number ka ni Mr. Ty diba?" sabi ko nung pagkasagot niya ng tawag ko.

"Bakit? Wag mo sabihing binabalak mo yung naiisip ko Coyp?" tanong niya.

"Kasi Betcha--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"Wag mong gagawin yun Coyp! Matuto ka sa akin, alam mo naman diba? Ikinuwento ko sa iyo yun kaya please wag. Kung may maipapahiram lang talaga ako sayo e kaso talagang gipit din kami ngayon" sabi niya.

"Alam ko naman yun kaso sa lunes na yung exam" paliwanag ko.

"Ah basta magagawan mo pa yan ng paraan basta wag kay Mr. Ty ah ? Wag na wag. Alam mong pinagsisihan ko iyon Coyp diba?" paalala ni Betcha.

Pero hanggang ngayon hindi ko parin nagagawan ng paraan para masolusyunan ang problema ko at naiisip ko ng kumapit sa patalim ngayon gaya ng mga kagaya kong mahirap na estudyante rito.

Si Mr. Ty ay isang matandang mayaman. Kilala siya dito ng halos lahat ng estudyanteng babae na gipit sa pera dahil sa kanya ito mga lumalapit at isa na doon si Betcha noon. Ikinuwento niya kasi sa akin iyon noon na sumama daw siya kay Mr. Ty para makapag-aral, tumigil siya nung nakilala niya yung boyfriend niya na si Ivan at hindi iyon alam ni Ivan hanggang ngayon.

Kahit na alam kong mali, kahit na pinagsabihan na ako ni Betcha, sa sobrang pagkadesperada ko ngayon gusto ko na ding gawin iyon dahil wala na akong maisip pa na iba pang solusyon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsuot ng jacket. Kinuha ko yung wallet ko na nakapatong sa may maliit na kabinet at dali-dali akong lumabas nang makasalubong ko yung may-ari ng dorm namin.

"Oh Coyp kailan ka magbibigay ng bayad mo? Dalawang buwan ka ng hindi nagbibigay" sabi ni Aling Tessie.

"Pasensya na po ginigipit po talaga ako ngayon e" nahihiyang paliwanag ko.

"Ganun ba sige, pero agapan ha? Baka kasi anong sabihin ng iba na pinapalagpas kita. Teka kumain ka na ba?" tanong niya.

Ang bait niya talaga, kahit na puro pasensya na lang ang sinasabi ko hindi niya parin ako pinapalayas dito sa dorm. Alam kasi ni Aling Tessie yung nangyari sa akin na nawalan ako ng trabaho at ako lang nag sumusuporta sa sarili ko.

"Opo" sagot ko kahit hindi naman talaga.

"Sigurado ka? E namumutla ka e" nag aalalang sabi niya.

"Opo. Sige po una na po ako salamat ulit" sabi ko at nagpaalam na.

Kahit talagang nagugutom na ako ayokong makikain na naman sa kanila, kasi itong mga nakaraang araw sa kanila na ako nakikikain at ayoko namang abusuhin dahil hindi na nga ako nakakapag bayad ng renta.

Sinubukan ko na ring tumanggap ng mga labahin dito sa mga kapwa kong nagdodorm dito pero hindi parin sapat kasi nagiging pang gastos ko lang iyon ng pang araw-araw kahit todo ang pagtitipid ko.

Paglabas ko ng gate ng dorm sinimulan ko ng maglakad. Ayokong sumakay kasi konti na lang ang natitira kong pera at hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang mararating noon. Papunta ako ngayon sa office ni Mr. Ty, alam ko iyon kasi noong sumasama pa sa kanya si Betcha e nadala na din niya ako noon doon ng isang beses.

Makalipas ang halos ilang oras na paglalakad nasa harap na ako ng building na pagmamay-ari ni Mr. Ty nang bigla na namang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko pala talaga kaya!

Dali-dali akong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Kahit gaano na pala ako ka desperada hindi ko talaga kaya. Naisip ko kasi na ito na lang yung meron ata ako ngayon, dignidad sa sarili ko.

Psycho LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon