Tumatakbo lang ako, ramdam ko ang daloy ng luha ko sa pisngi ko at di ko alam kung saan ako pupunta ngayon basta bahala na. Kakalabas ko pa lang ng building ni Mr. Ty ng may makabangga ako.
"Sorry--kilala kita ah galing ka kina Mr. Ty ?" tanong niya.
Lalaki siya, sabi niya kilala niya ako pero di ko siya kilala. Mukhang mayaman siya dahil halata naman sa suot niya. Di ko siya sinagot yumuko ako at nag-iwas agad ng tingin tapos tumakbo paalis.
Unang araw ng test at di ko alam kung makakapagtest ako ngayon dahil wala rin akong pambayad para sa exams ko ngayon at para sa balanse ko pa noon. Parang patay akong naglalakad at wala ako sa sarili. Di ko nga alam kung bakit pa ba ako pumasok baka nga susunod di lang ako di makapagtest at baka di narin ako makapag-aral.
Kagabi hanggang ngayon halos di ako nakatulog kaiisip sa problema ko. Saan ba ako maaring makapulot ng pera? Huminto ako ng matapat ako sa dean's office. Kung magmakaawa kaya ako ngayon? Papayagan niya kaya ako kahit sobrang dami na ng promissory notes na meron ako sa may cashier? Nakatulala lang ako, pakiramdam ko nga nanlalabo na ang paningin ko. Marahil sa gutom to dahil simula pa kagabi wala pa akong kinakain.
"Coyp!" napalingon ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko nanlaki ang mata ko nung mamukhaan ko siya. Siya yung lalaking nakabangga ko kagabi.
May kasama siyang isa pang lalaki at papalapit silang dalawa sa akin ay agad sana akong aalis kaso huli na.
"Hi Coyp" sabi nung lalaking nakabangga ko kagabi.
Di ako alam ang sasabihin ko dahil una naman ay di ko sila kilala kaya nakapagtatakang alam nila ang pangalan ko.
"Pwede ka bang makausap namin ng kaibigan ko?" tanong niya.
"Bakit? Sino ba kayo?" tanong ko.
"Di ka naman pala kilala pare e" sabi ng kasama niyang medyo natatawa.
"Ako si Stefan, classmate mo ako sa Psychology class at siya yung friend kong si Echo" sabi niya pero di ko parin siya maalala.
"Di kita maalala" sagot ko tapos umakto na akong papaalis pero nagulat ako nung humarang yung nag ngangalang Stefan sa daan ko.
"Wait Coyp! I know you have a problem at pwede ka naming tulungan" agad niyang sabi.
"Alam kong galing ka kay Mr. Ty at may problema ka sa pagbabayad ng tuition sa school right?" nakangiting sabi niya kaya bigla naman akong natigilan.
"Yeah and we know kung bakit kayo nagpupunta doon. We just can't believe kung bakit kayo lumalapit sa matabang matanda na iyon e marami namang mayayaman dito sa school. Just like us. So if you really need money we could help you pero syempre yung kundisyon ay kagaya din ng kay Mr. Ty" sabi nung may pangalang Echo sabay kindat at kumunot naman bigla yung noo ko.
"Pre wag mong biglain si Coyp" sabi ni Stefan.
"Sorry I didn't want to direct you, sadyang nanghihinayang lang ako if a pretty girl like you e mapupunta lang sa matandang yun" sabi nung isang nagngangalang Echo.
Para akong naninigas sa kinatatayuan ko. Nanliliit ako kahit hindi ko naman tinuloy yon pakiramdam ko ang dumi na ng tingin nila sa akin ngayon.
"Oo nga so if you want tutulungan ka namin sa tuition mo, pero you know na" sabi niya habang nakangiti sa akin.
Nakaramdam ako ng inis. Sa mga sinabi niya binastos niya ang pagkatao ko. May mga kagaya pala nila na ganito ang mga ugali? Alam ko barya lang sa kanila yung problema ko sa pera at nakakatawang isipin na buong pagkatao ko na ang kapalit noon.
"So Coyp, ano mamaya?" bulong nung Echo sa tenga ko sabay hawak sa balikat ko.
Napahinto ako at napaisip. Dito na ba yung sukdulan ng pagpapahalaga ko sa dignidad ko? Ayoko sana pero natutukso narin ako kasi talagang wala na akong naiisip na solusyon dito sa pag-aaral ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/46487921-288-k784110.jpg)
BINABASA MO ANG
Psycho Love
Teen FictionHe's a PSYCHO. He is a cursing machine. He is a trouble maker. He is a demon that even the hell can't accept him. And he can make you feel LOVE and HATE him at the same way. Until he met a walking barbie doll from a rag that can make him feel LOVE a...