A/N: sorry LONG time no update XD PASENSIA NAMAN! NAG-AARAL E XD
Sorry talaga guys. SARREH.
Eto na guys! enjoy!!!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bianca's POV
Umuwi ako ng mag-isa dahil sinamahan ni Andrei si Angela sa mall.
Nagtataka nga lang ako kung bakit pumayag si Angela na makikain ako sa kanila eh alam ko naman kung gaano katindi ang galit niya sa akin.
Naglakad nalang ako papunta sa bahay. Walking distance lang naman eh.
"OH! TAGAY PAAA~"
HALA! sila Mang Gorio na naman yon! nako! mga basagulero pa naman yun! ang mas malala, pag nadaanan mo silang nag-iinuman, hindi ka nila paaalisin hangga't di ka tumatagay! Hindi nga lang sila papayag ng isang tagay. Itutuloy mo na yun hanggang sa malasing ka na.
Jusko! sana naman paalisin na sila ng barangay tanod! baka ano pa mangyari sakin kapag nalasing ako eh!! Tumigil ka na nga. Pumunta ka nalang doon. Hayaan mo sila hindi yung para kang nababaliw na atras abante ng atras abante diyan.
Lumakad na ako palapit a kanila. Grabe. nakakakaba naman ito.
"Oy. Wag mo kaming malagpas-lagpasan. Tumagay ka muna bata!" Sabi nila habang pahewang gewang na at may hawak pang baso ng alak na iniaalok sa akin. Ay jusko. Paano ito?
"Mang Gorio, alam niyo naman pong bata pa ako. Hindi pa po ako pwedeng uminom ng alak. Atsaka, hindi rin ho ako marunong uminom." Nagtawanan lang sina Mang Gorio at ang kanyang kainuman.
"Walaaaa~ Tumagay ka nalang! Walang tanod na huhuli sa amin dito. Diba? HAHAHAHAHAHAHAHA." Grabe namang makatawa itong mga ito. Parang kinikiliti e.
Tumawag na muna ako ng tanod. Sana naman e makapunta sila kaagad dito. Bago may mangyari pang masama sa akin.
Sinubukan ko ulit ma tumakas sa kanila. Kaso nga lang e hinila pa nila ang bag ko. Napaatras tuloy ako.
"Teka teka teka! Hindi ka makakatakas saamin bata! Tumagay ka muna kung hindi may mangyayaring masama sa iyo." at maganda saamin!" Sabi nila sa akin at pagkatapos ay nagtawanan ulit. Haist. Paano ito? Wala parin ang mga tanod. Shemay!
"Bitawan niyo nga po ang bag ko! Huwag ho kayong mag-alala at padating na ang mga tanod." Sagot ko naman sa kanila. Sana nga e makarating na sila agad.
Sumulyap-sulyap ako sa gilid ng kalsada at baka malapit nang pumunta ang tanod dito. Sa wakas naman e nandoon na sila at tumatakbo na papunta sa kinatatayuan ko.
"Hoy Mang Gorio! Ilang sabi na ba namin sa inyo na huwag na kayong mangulit ng mga nadaan dito? Sumama na ho kayo sa amin papunta sa barangay hall! Ilang ulit na e." Hinila na naman ng mga tanod sila Mang Gorio. Ay nako. Perwisyo kasi sila dito sa daan. Naglalasing na nga at maingay tuwing gabi, hindi pa makadaan ng ayos ang mga naninirahan dito.
"Ayos ka lang ba bata? Salamat nga pala sa pagreport nitong mga ito sa amin ha?"
"Ayos lang naman ho ako. Wala hong anuman. Mabuti nga ho at nakapunta kayo kaagad."
"Oo nga e. Sige bata. Ipupunta na namin ang mga iro sa barangay hall. Umuwi ka na at gabi na rin."
Tumango naman ako at tumungo na papunta sa bahay.
"Anak! Bakit ang tagal tagal mong bumalik galing sa eskwelahan mo? Pinigilan ka nanaman ba nila Gorio ha? Sabihin mo at sususntukin ko na sila anak! Ay jusko. Mabuti naman at nakauwi ka parin. Sinaktan ka ba nila ha?" Nanggagalaiting sabi ni mama. Oo ni mama. Amazona kasi si mama e.
"Ayos lang po ako ma. Nareport ko narin naman sila sa mga tanod. Sige po ma. Papasok na ho ako sa kwarto. Goodnight ho." Nagmano na ako kay mama at pumunta na sa kwarto ko.
"Kumain ka na ba anak? May tortang talong dito!" Sigaw pa ni mama sa akin.
"Opo ma! Salamat nalang ho! Kayo na ho ang kumain!"
"Kaya ako tumataba lalo nito e. Ipapakain ko nalang sa papa mo bukas. Ayos pa naman ito e. Diet ako nak." Biglang pagbukas niya ng pinto ng aking kwarto. Kahit kailan talaga itong si mama. Haha.
"Osige po mama. Tulog na po kayo. Lalaki pa ho eyebags niyo kapag hindi pa kayo natulog. Hindi na kayo maganda niyan. Haha."
"Oo na anak. Ikaw rin ha? Wag mong hayaang mapagod ang sarili mo." Niyakap na ako ni mama at lumabas na sa aking kwarto. Kaya mahal ko iyang si mama e.
Saktong pagkalabas ni mama sa kwarto ko, biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag- si Andrei. Ano nanaman kaya ang gusto nito?
"Oh? Bakit?"
"Biancaaaaaa! Anong nangyari? Sabi ko kasi sayo ihahatid na kita e! Dapat pala hindi na ako sumama kay Angela. Ayos ka na ba? May nangyari bang masama sayo? Kung meron sabihin mo lang! Sasapakin ko sila isa-isa!"
"Baliw! Ayos lang naman ako e. Naabutan naman ako ng mga tanod. Na-report narin naman sila Mang Gorio kaya wala ka nang dapat alalahanin."
"Phew! Salamat naman! Kawawa ang magiging giep-- ay este bespren ko pala. Hehe. Osige. Bye na. Naistorbo yata kita. Baka matutulog ka na e.""Sus. Hindi rin. Kakarating ko pa nga lang sa bahay. Siya, sige na. Magpapahinga na ako. Magpahinga ka na rin. Bye." sabay pagpindot ng end call.
Ang baliw naman noon. Masyadong makapag-react. Daig pa nanay ko e. Grabe. Nakakapagod. Makaligo nga muna. Basang-basa na ang damit ko dahil sa pawis. Siguro dahil sa sobrang kaba at panic ko kanina. Haha.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang electric fan. Biglang pumasok ang ilang hibla ng buhok ko sa loob ng electric fan. Tapos yun, nasira ang electric fan. Ay jusko. Kay malas nga naman ng buhay ko ngayon. Makapag-basa na nga lang habang nagpapatuyo ng buhok.
~~~
3 oras na ang nakalipas. Hindi parin ako makatulog. Mga kalahating oras na rin siguro akong nakatitig sa dingding. What he accidentally said. It really disturbs me. I don't know why.
GIEP. Anong giep ang pinagsasasabi niya? Parang naka-drugs to.
Hay jusko. Makatulog na nga.
BINABASA MO ANG
Ms. Flirt vs. Ms. Nerd *ON-HOLD*
FanfictionWag na basahin XD alam ko di niyo to babasahin XD bahala na kayo kung pipindutin niyo pa yung color orange na button jan! XD