Si Angelo:

248 11 1
                                    

 [Diba sabi mo more pa? oh ito bago kong story hehehe sana magustuhan mo hehehe enjoy ^___^V]

"anak punta ka muna ng kwarto mo ha,maglilinis lang ang nanay ng bahay"sabi ni nanay sa akin.

umakyat na ako ng hagdan papuntang kwarto.

may hika ako kaya ayaw niyang naalikabukan ako pag nagwawalis siya.

bagong lipat lang kami dito sa iloilo galing manila.

last week pa kami dumating dito.

namatay kasi lola ko na mama ni nanay at sa kanya pinamana ang bahay.

mabuti na lang at may bahay na kami kasi lagi kaming pinapalayas ni inay sa tinutuluyan namin boarding house pag nahuhuli kami ng bayad kada bwan.

humiga na ako ng kama.

haaay ang ganda dito tahimik.

pero natatakot pa din ako tuwing gabi.

para kasing may tumatawag sa akin sa panaginip at tuwing gigising ako ay merong kumakaluskus sa taas ng bubong.

siguro puno lang yon.

bumangon ako sa kama at pumunta sa veranda ng kwarto ko.

tanaw dito ang paligid pati na ang katapat na bahay kasing luma na din ng bahay namin pero yung kanila parang walang nakatira?

napa tigil ako sa pag masid ng paligid dahil may narinig ako.

"Psssst!"

sino kaya yong sumisitsit?

at saka di ko makita asan galing ang tunog.

"Psssst! psssst!"

hanggang sa napa tingin ako sa katapat naming bahay.

may nakita akong bata na kasing edad ko yata mga nasa anim na gulang.lalaki din katulad ko.

sinisenyasan nya akong lumapit.

tinuro ko naman ang sarili ko at nagtatanong kong ako ba talaga ang tinatawag niya.

tapos tumango-tango siya.

nagdadalawang isip akong bumaba kasi baka pagalitan ako ni inay baka di pa siya tapos mag walis.

pero bumaba pa din ako.

dahan-dahan akong umiskapo ng bahay.

naisip ko kasing wala pa akong kalarong bata simula ng malipat kami dito.

lumabas akong bahay na hindi nakikita ni inay. pero nakita ko si inay na nagsasampay ng mga damit sa likod bahay namin.

lumabas na ako ng gate.

at lumpit sa katapat na bahay.

huminto muna ako sa gate nila at tinignan ng malapitan ang malaking antik na bahay.

nagulat ako ng may matandang ale na nagtitinda ng gulay ang humampas sa balikat ko.

"Hoy bata! ano ginagawa mo diyan? huwag na huwag kang lalapit diyan o pumasok sa bahay na yan!" nagtaka naman ako sa sinabi niya.

bakita pala?

anong meron?

"ah? bakit po ale?" sabi ko sa kanya

"kasi lahat ng taong nakakapasok diyan hindi na nakakalabas,ewan ko ba kahit nga yong pare ng ating kapilya dito eh takot sa bahay na ito,balitang balita kasi mga aswang daw ang mga nakatira diyan" nakakatakot na litanya ni ale.

GoosebumpzzzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon