Hindi Ito yung iniisip mo na may something, na isip ko to dahil sa kaibigan ko na sobra sa bait... at dahil sobra na nga hindi niya alam ehh sinasamantala na nang iba.Ganito kasi yan si M yung kaibigan ko girl siya ...at si E naman yung classmate namin na lalaki.
Mag kapitbahay lang silang dalawa kaya naman lagi silang nagkikita, isang araw nag chat si E kay M
"M tapos ka na ba sa scrapbook at assignment mo?" Tanong ni E kay M, nag reply naman agad si M
"Oo kahapon pa bakit? Ikaw tapos ka na ba?" -M
"Hindi eh, wala pa nga ako na gagawa" -E
"Ahh ganun ba?"-M
"M Gawan mo ako" -E
Ito namang kaibigan ko pumayag, kaso pinagalitan ng tatay niya kasi meron naman na daw siyang ginawa pero para saan pa yung isa at ang dinahilan niya..."para po yun sa English, eh kailangang din daw namin nun sa math"
Diba ang gandang palusot, kung ako yung tatay niya hinampas ko na siya, mag papalusot nalang sablay pa pero naniwala pa rin yung tatay niya at binigyan siya ng pera pambili ng mga kailangan sa pag gawa ng scrapbook...pag katapos niyang gawin yung scrapbook at assignment ni E, kinabukasan pag pasok nila binigay na ni M yung scrapbook at assignment, perp wala akong narinig na kahit bulong nalang na thank you galing kay E kaya naman nainis ako...pero sabi ni M ok lang daw yun hayaan nalang daw kaya hindi ko na masyadong pinansin
Lumipas ng lumipas ang mga araw at si M na yung laging gumagawa ng Assignment, Project ni E at kahit Test ay kumokopya nalang si E kay M pero wala ka talagang maririnig na kahit isang thank you galing kay E, at hindi na ako na ngenge-alam sa kanila kasi malaki na naman sila
Hanggang sa isang araw napansin ko na sobrang lungkot ni M kaya naman nilapitan ko siya at umiyak nalang siya bigla nung tinanong ko kung anong problema, kinuwento niya sa akin na nagtapat daw siya ng nararamdaman niya kay E at sabi naman daw ni E
"hahaha ano? Crush mo ako haha nag papatawa ka ba? Ano ka ba friend with benefits lang tayo kasi ikaw yung taga gawa ko ng projects at assignments ko hahaha nakakatawa ka talaga" sabi ni E
Nung nalaman ko naman yun hinanap ko agad si E at nung nakita ko siya lumapit ako sa kaniya at sinampal ko siya ng sobrang lakas...at alam ko na bumakat talaga yun sa mukha niya Buti nalang at konti lang kami sa room kasi nasa baba pa yung iba
"Para saan yun?" Tanong niya sa akin
"Para yan sa pangga-gamit mo sa kaibigan ko siya yung gumagawa ng mga project at assignment mo tapos kahit isang thank you wala akong narinig sayo" sigaw ko sa kanya
"Ehh bakit gusto din naman niya yun ehh, mukha ngang kinikilig pa siya kapag kausap ko siy-" sabi niya pero sinampal ko ulit siya kaya naputol yung sinasabi niya
"Gago ka pala talaga no-"
"A TAMA NA" sigaw ni M kaya naman naputol yung sasabihin ko
"TANDAAN MO TO HAH WAG NA WAG KA NA ULIT LALAPIT KAY M ANG KAPAL NG MUKHA MO AT WALA AKONG PAKE KAHIT MAGSUMBONG KA PA SA KAHIT SINONG TEACHER DIYAN DAHIL ALAM KONG TAMA ANG GINAWA KO"
Yan yung pinaka-huling mga salita na sinabi ko sa kanya at hanggang ngayon hindi na kami nag imikan at yung kaibigan ko naman ay binawalan ko na siya na gumawa ng project at assignment ng ibang tao dahil kapag nalaman ko pa na inulit niya yung ginawa niya dati ay hindi ko na kahit kailang papansinin.
Note:.Maganda ang maging MABAIT, pero masama ang maging TANGA.
BINABASA MO ANG
MeMa
RandomUnang-una sa lahat hindi ito story, kaya nga MeMa yung title ehh ibig sabihin Me Masulat lang. at pangalawa hindi ko kayo pinipilit na basahin ito kasi ginawa ko to para lang sa libangan kasi tao lang din ako na sobrang daming tanong sa isip na hind...