Kaizer's Pov
Hayy ansarap talaga dito sa garden buti na lang at wala masyadong pumupunta dito kaya madalas dito ako bakit? Kasi dito magisa ka lang walang tao ang makakita sayo ať manghuhusga sayo o kaya kung minsan dito ko ginagawa Ung mga assignments projects at iba pa na kailangan gawin at dito rin nakakapagisip ako ng mga bagay bagay at nakakapagpahinga
WAIT si daniel un ah at Ung mga kasama niya f*ck bat andito yang mga yan ano ang gagawin nila dito ano binabalak nila basta isa lang ang alam ko kailangan ko ng umalis dito as soon as possible dahil siguradong sigurado ako na hindi ako ligtas dito lagot na iisa lang ang malalabasan ko at andun pa ung gang niya di ko na alam gagawin ko pano na yan lagot at nagtawanan pa ang mga gago
Kaya mas sigurado na ako na may balak na masama tong mga to Pero pano na yan Paano ako makakatakas ditoMga kupal kasi tong mga to eh mga feeling gangster pano na yan tuloy parin síla sa pagtawa p*ta kinakabahan na talaga ako nakakaba grabe di ko na alam ang gagawin ko pakiramdam ko Kahit anung gawin ko di ako makakalabas dito ng ligtas ano bang ginawa ko sakanila ako na nga ang madalas na gumagawa ng mga projects,assignments,at presentations nila eh tapos ganyan pa sila kung makaasar sakin
At minsan pa nakakaperfect pa síla sa exam dahil pinapakopya ko síla mga di kasi nagaaral eh -_- mga walang utang na loob tong mga toh eh.nakakabadtrip na buhay to oh bat ba kasi ganun ha kung sino pa Ung walang ginagawa at nanahimik lang síla pa ung laging naapi at nagugulpi "malamang wala ka ngang ginagawa eh di aabusuhin ka nila tanga lang" (bulong ng utak ko) di ko magets eh bakit ba kasi síla ganyan ung totoo yayaman ba síla dyan magiging Pogi ba sila kagaya ko hahaha eh kung magaral na lang kaya síla diba para naman Kahit papaano magkadireksyon naman ang mga buhay nila para pagdating ng panahon di magsisi sa katangahan nila sa huli.
Sa katagalan ng pagiisip ko nakaisip na ako ng isang paraan para tumigil na sila At un ay ang suhulan sila hahahaha bibigay din tong mga toh Hahaha.
"o-oh a-andito kayo ah may ipagagawa ba kayong assignments, projects, o Kahit ano hehehehe sabihin niyo lang ah hindi naman ako busy masyado ngayon eh ibigay niyo na lang sakin ah hehe" sabi ko hehe tama yan suhulan mo lang mga yan.
"Aba pare oh sinusuhulan tayo" (guy 1)
"Oo nga eh minamaliit pala tayo nito pare eh hoy Ikaw nerd anung akala mo di naman kayang gawin yan ha anong akala mo bobo kami" (guy 2)
"bakit hindi ba -_- mga pakipot pala tong mga to eh " bulong ko sa sarili ko"
"hoy Ikaw anung binubulong mo dyan ha" (Daniel)
"ano pre banatan na ba natin" (guy3)
"Oo nga tara na" (guy 4)
"Oo nga naman Daniel tara na" (guy 5)
"oh sige banatan niyo na yan" (daniel).pagusapan naman natin toh Wag naman kaso huli na ang pagmamakaawa ko sinipa na ako ni Daniel sa tagiliran ko at sinuntok naman ako sa Mukha ng isa niyang kaibigan pagkatapos sinuntok naman ako sa Tiyan nung isa At sa At sabay sabay nila akong sinuntok hanggang sa tuluyan na akong natumba at habang sila naman Ay nagtatawanan at patuloy akong sinisipa hanngang sa namanhid na ang katawan ko at patuloy na pala umaagos ang dugo sa bibig ko.
Punung puno na ng pasa ang katawan ko at patuloy na akong nawalan ng malay hanggang sa umalis na sila at dinurahan ako ni Daniel sa Mukha na unti unti na nakapagpababa sa aking pagkatao at tuluyan ng pumikit ang aking mata.
Asan ako tanong ko sa sarili ako at nakita ko si mama
"Anak kamusta ka na Ayos ka lang ba" tanong ni mama sandra
"Oo naman ma haha ano ka ba ma ok na ok lang po ako si papa ma" "andun pa siya sa opisina Anak"
"Ah ganun po ba ma anung oras balik niya"
"Maya maya andito na yun Alam mo ba nak isang araw ka ng tulog at laking pasasalamat namin dahil gising ka na sabi kasi ng doctor dahil daw sa bugbog na inabot ng katawan mo aabutin pa daw ng mga Limang araw bago ka gumising bakit ba kasi anak hindi mo sinabi saamin na ganyan na pala ang nangyayari sa eskwelahan niyo ha at ung mga nambugbog pala sayo Ayon na expelled na sa eskwelahan niyo"
"Ma kaya po di ko nasabi kasi Ayaw ko na magaalala pa kayo masyado na kayo madaming iniisip Ayaw ko ng dumagdag pa"
"Hayy Kahit na kailangan sabihin mo samin kasi magulang mo kami"
"Sorry ma "
"O sige"
"ma Pwede pakuha ng libro ko sa bag ung science pati ung math"
"Hoy kaizer Montenegro magpahinga ka na lang muna diyan"
" ma Pero baka mahuli ako sa lessons niyan"
"Edi habulin mo na lang pag tuluyan ka ng gumaling as of now magpahinga ka na lang muna
"Hayy o sige po ma"
At bumubukas ang pinto at pagkakita ko si papa
"Oh kaizer Ayos ka na ba anak"
"Opo pa "
"Kaizer bat naman di mo sinabi saamin ng mama mo tignan mo nangyari sayo pano kung di lang ganyan ang inabot mo Aba eh di sayang naman yang talino mo diba sabi mo sakin magmamana ng mga restaurants natin Aba anak sayang yang talino mo kung mamatay ka ng maaga"
"Corny mo pa ang oa pa" sabi ko sakanya at natawa naman si mama hahaha
" kung kami nga hindi ka namin pinapalo at Saka isang anak ka lang kaya importante ka sakin ng sobra"
" o sige na pagpahingain mo na muna si kaizer" sabi ni mama at ayun na nga nagpahinga muna ako At nagiisip kung ano ba ang gagawin ko para di na maulit tong bagay na toh kasi sa totoo Lang sawang sawa na ako kasi Kahit gaano Ka pala katalino kung wala Ka namang kaibigan na makakapitan wala rin sabi nga nila no man is an island malamang tao tayo eh -_- haha dejoke lang pero seryoso sa buhay ng tao hindi nababase sa kayamanan,ginto,pera,salapi, at medalya kasi Kahit pala meron ka lahat nun kung wala naman ung pagmamahal na kailangan natin wala rin palang kwenta ang lahat ng mga yon pero kailangan bago maghangad ng pagmamahal sa iba you must know How to love Your self first para mahalin ka ng iba pano ka mamahalin ng iba kung mismong Ikaw sa sarili mo hindi mo mapunan iyon pero Wag mong ibabase ang kasayahan mo sa ibang tao kasi sa buhay Kahit anong gawin natin laging mapanghusga at laging may mata na nakapaligid sayo.
BINABASA MO ANG
nerd turns to be a heartbreaker
Ficção AdolescenteIsang loser at baduy magiging isang heartbreaker. Bakit? yan an kailangan natin malaman so lets start