Ang sakit. Ang sakit sakit. T.T
Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng lalaki siya pa yung napili ko.
Akala ko iba siya. Pero ganun naman talaga tayong mga babae diba. Pag nahanap na natin yung lalaking sobrang mahal natin, lagi nating iniisip na iba siya iba.
Pero eventually, malalaman natin, isa parin siya sa mga madami.
Pero mahal ko padin talaga siya. I don't know how we ended up like this. Pero isa lang alam ko...
Mahal ko parin siya...
"Bruhaaaaa! Ano na? Ready ka na ba?"
"Kailangan ba talaga kasama ako jan? Di naman ako member. Nakakahiya kaya." Ano ba ito si Jess. Awan ba kung bakit naging bestfriend ko ito. Eh wala ng ginawa ito kundi ipahamak ako. Tapos ngayon, pinapasama ako sa camping ng org niya. Di naman ako member.
"Hay naku bruha. Kesa nagmumuk-muk ka dito sa bahay niyo bakit di mo subukang makasagap ng hangin sa isla? Sige, pag di ka sumama... Ano... Sige..." nagiisip pa. Sige nga. Ano maba-blackmail mo sakin? 😏
"Ano? Pag di ako sumama? Ano gagawin mo?" nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ano! Pag di ka sumama... Eh basta! Sumama ka nalang. Chaka mo!" At ayun. Napatawa nalang ako at hinila na niya ako bitbit ang mga gamit ko.
Ako nga pala si Elisha. College student. Yung kausap ko kanina, si Jess yun. Ang loka-loka kong bestfriend. Pero love na love ko yun kahit na napaka-bruha nun. True friend kasi siya. 😊
So andito na nga kami sa resort. Haba din ng biyahe naman ha. I think, about 3 hours. Camping/Outing ng org nila Jess. Ewan ba bakit sinama ako nito, pero kakilala ko naman yung mga member. Friend ko din naman kaso nakakahiya padin. Andito kami ngayon sa may dagat, dito sa parang club house.
"Hey guys! We'll start our program in 5 minutes. Prepare yourselves." Si Jhon yun. I think siya yung president nitong org. Friend ko siya. Close friend actually. Nanligaw kasi sakin yun. Pero iba sinagot ko. Si ano...
"Hoy bruha. Matutunaw na si Jhon sa titig mo. Nagsisisi ka na ba na binusted mo siya? Ha? Naku. Alam mo ba na pupunta din dito yung org ng ibang school. Hay! Excited na ako! Super search for boys tayo later ha. I need a new fafa!!" Tumingin siya sakin habang ako naman eh nakatitig sa dagat.
"Oo! May kausap ako. Oo, sumasagot yung kausap ko. Pinapansin nga ako eh. Ang saya!" Sarcastic na sabi niya kaya naman napatingin na ako.
"Ay, ano nga sinasabi mo Jess?" Ang sama ng titig ng bruha.
"Wala! Di ikaw kausap ko!" Walkout. Ayan. Inatake na naman siya ng pagkaloka-loka niya. Pero lagi naman yan loka-loka eh. Haha
"That's all for our program tonight. Bukas, get ready for fun games. Mageenjoy tayo lahat. So, you can proceed on your designated rooms. Goodnight!"
"Jess, mauna ka na. Lakad lakad lang muna ako dito." Ganda kasi nung beach. Makapagmuni-muni muna.
"K. Fine!" Hala. Galit ba yung bruhang yun? Haha.
Naglalakad ako. Ang sarap ng hangin. Ang tamis. Haha. Joke.
Pero ang fresh ng hangin dito. Ang ganda!
Pero mas maganda sana kung may kasama ako...
Lakad... Lakad... Lakad...
"Ang loner mo talaga kahit kelan."
Halaaaaa! Ano yun? Teka.
Tingin sa kaliwa (<.<) Wala naman.
Tingin sa kanan (>.>) Wala din.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit? (Short Story)
Teen FictionKung makikipagbreak siya, dapat sinabi niyang yung reason para naman hindi ako nalulungkot ng walang dahilan! Pero buti nalang sinama ako ni bestfriend sa outing ng org nila. Mabuti nga ba? Lalo na kung sa kanila pala yung resort na pupuntahan namin...