(The Attraction)
Macky
Thursday Morning at walang ibang bukang bibig si kristine kundi ang mga pangyayari tungkol sa lakad na mala Date nito at ni Greg kahapon, halos ilang ulit nang na ikwento ng kaibigan niya ang lahat ng detalye mula sa pagiging malambing, thoughtful, funny pati din ang pagiging gentleman at ang magandang trato ni Greg. Mukhang high na high pa ang kanyang kaibigan sa nararamdamang kilig kaya pinakikisamahan niya ito at pinipilit ang sariling mag mukhang interesado, gusto talaga niyang ituon ang atensyon sa sinasabi ng kaibigan pero hindi parin niya mawaglit sa isip ang mga nangyari kahapon, Hindi kasi niya maintindihan at nalilito siya sa pinakitang trato sa kanya ni Rocco. Parati niyang iniisip na siguro mabait lang talaga ito o kaya ay nagmukha lang talaga siyang kawawa sa harap nito kaya siguro ganun ang pagtrato nito sa kanya, pero iba kasi ang naramdaman niya sa mga tingging tinapon nito sa kanya, noong una nga ay inakala niyang suplado ito, wala kasi itong katabi sa upuan nakakunot ang mga noo at nakadagdag din sa pagiging mukhang suplado nito ang maitim at makapal nitong kilay na bumagay sa malalaki at bilog nitong abuhang mga mata, Meron itong makinis ngunit di kaputiang balat na mukhang babad sa araw kaya siguro dark ang skin complexion nito, in short rugged looking ito but in a very attractive way, medyo athletic built at may di gaanong katangkaran, Siguro kapag pinagtabi sila ay abot hanggang tenga lamang siya mga 5, 8 o 5,9 siguro ito, napahinto lamang siya pag iisip ng biglang may kumurot sa magkabilang pisngi niya.
"Aray! Ano ba tin? Bat moko kinurot sa pisngi?" sumbat ko kay kristine habang minamasahe ang magkabilang pisngi na namumula sa kurot ni kristine.
"Eh kung nakikinig ka kasi sa mga sinasabi ko! Kanina pa akong nagsasalita at nagsha-share ng information about sa status namin ni Greg tapos hindi ka pala nakikinig? Ano bang nangyari sayo ha? Iniwan lang kita kahapon ngayon nagkaganyan kana, teka may nagyari ba dun sa MathSci tutorial mo?" Nang dahil sa sinabi ni kristine ay bigla akong nakaramdam ng guilt, nag eefort ang kaibigan niyang mag share ng isang parte ng buhay nito sa kanya pero iba nag pinagtutuunan niya ng pansin.
"Ahh, sorry tin, hindi lang talaga maganda ang tulog ko kagabi, ang dami ko kasing nilabhang damit at may tinapos pa akong mga assignments, pagod lang ako 😀 at tungkol dun sa kahapon ay, okay naman, tuwing sabado lang ng hapon ang tutorial class ko, hindi pa ako handang sabihin kay kristine ang nangyari at ang tungkol kay Rocco dahil ayokong magtunog assiuming , hindi rin siguro magugustuhan ni kristine kung magpapadala ako sa pakiramdam ko, pababyaan ko nalang muna ito at bahalanna kung saan man ito humantong.
"Halata nga beshy, ang lalim na nang ibags mo, kailangan mo ng magpahinga, tara malapit na mag start ang first period natin, pagkatapos nito sa kiosk tayo, magpapahinga ka, ayokong nagkaksakit ka, sakitin kapa naman, magpapabili ako ng paborito mong hilaw na mangga kay Greg mamaya dahil sasamahan niya tayong dalawa mag lunch. Okay ba yun Beshy?
Since nakapagdesisyon na agad si kristine para sa kanya ay wala na siyang ibang choice kundi ang pumayag, "Yes Mother"."Good dahil sa ayaw mo man at sa gusto kailangan mong magpahinga, Hali na at mahuhuli na tayo, sampung minuto nalang at mag sta-start na ang klase natin sa English10. Naglalakad na kami papuntang 2nd floor ng mahagip ng aking paningin si Rocco sa hallway na katapat nang nilalakaran namin, mukhang papasok nadin ito ng klase, naka full uniform ito na bihirang gawin ng mga lalaking studyante kaya agwa pansin at medyo basa pa ang buhok. Akala ko ay hindi niya ako mapapansin o makikita dahil may kalayuan pa ang pagitan namin, Balak ko pa sanang yumuko at ibaling sa nilalakaran ang mata pero huli na ang lahat dahil nagtama na ang aming mga paningin, Bumilis ang pintig ng puso ko at tila sasabog iyon sa aking dibdib, mukhang ako lang ang affected sa amin, mahirap basahin ang emosyon sa mga mukha niya maliban sa isang bagay pero hindi ako sigurado, excitement?, pananabik?, kasiyahan? Umangat kasi ang gilid ng mga labi nito, mabilis din itong nagbago ng at tila naging seryoso, sa aktong iyon ay iniwas ko na ang tingin at binilisan na ang bawat hakbang, nang nagtaka si kristine sa biglang pagbilis ko sa paglalakad ay sinabi ko nalamang naiihi ako, hindi na ito nagtanong pa at sinabayan nalang ang tiyempo ko.
--------------
Makalipas ang ilang oras, matapos ang tagpo kaninang umaga sa Hallway, ay hirap na hirap ako sa pag iintindi at pagco-concentrate sa mga sinasabi ng aming professor, hindi ko kasi maiiwasang mapaiisip tungkol kay Rocco, parang may bagay na humihila sa akin para isipin siya, sa tuwing pumapasok siya sa isipan ko ay meron akong hindi maipaliwanag na nararamdaman, may halong takot, kaba, at di pangkaraniwang init na dumadaloy at bumabalot sa buo kong katawan sa tuwing naaalala ko ang mga tingin inukol niya sa akin. 11:30 na sa tanghali at tapos nadin ang dalawa kong subject para sa umaga kaya meron na akong sapat na free hours para magpahinga, naisipan kong maupo muna sa bench habang hihintay ko si Kristine mula sa pagsundo nito kay Greg sa huling klase nito, dahil sasabay daw ito sa amin mag lunch, mukhang matatagalan pa ang mga ito dahil may kalayuan ang building ng klase ni Greg, Bigla akong nakaramdam ng antok kaya naisipan kong isandig sa bench ang masakit kong likod at magpapahinga ng kaunti para ma relax relax naman ang mga tense kong muscles sa likod, sa sobra kong pagod sa kakaisip sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko ay hindi ko namalayang tuluyang nakatulog na pala ako. Makalipas ang ilang sandali ay nagising na lamang ako ng makaramdam ng bahagyang pagtapik sa aking balikat at pisngi.
"Hey sleepy head, Gising, people are staring at you, Hey Wake up" bulong ng estrangherong may malalim na boses ng gisingin ako sa aking di sinasadyang pagkakaidlip sa public bench-----------------------
TO BE CONTINUED>>
BINABASA MO ANG
Hit Me With Your Best Shot (BoyxBoy Tagalog)
Teen FictionWhen love hit's you wala kang magagawa sa lakas ng force and you will definitely fall for it. but What happens when a man unexpectedly falls in love with another man? will he take the risk? and fight for it? let's all find out sa journey ng Buhay ni...