Nang Lumuhod si Father
Chapter 5
"Merry Christmas baby ko."
Bulong lang iyon sa aking tainga ngunit sapat na iyon para magising ako. Dama ko ang mainit niyang hininga. Ang kaniyang yakap ay nakadagdag ng init para maibsan ang nararamdaman kong ginaw hatid ng malamig na simoy ng hangin. Alam kong panginip lang ang lahat kaya ayaw kong magising. Gusto kong ituloy ang pagtulog. Ayaw kong maputol ng ganoon kabilis ang lahat.
"Miss na miss na miss na kita baby ko. Sige lang, matulog ka lang." kasabay no'n ng mainit na halik sa aking labi.
Totoo na yata ito. Hindi na ako nananaginip lang. Kaya kahit nagdadalawang isip akong buksan ang aking mga mata ay ginawa ko. At parang tumigil ang pagtibok ng aking puso at sandaling nahinto ang aking paghinga dahil sa sobrang gulat ko na unti-unting napalitan ng saya.
Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi lang ako nananaginip. Nasa tabi ko siya ngayon at kayakap. Hindi ko alam kung paano ko i-express yung sobrang saya na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.
"Sandali. Hindi ako makahinga. Para mo na akong sinasakal niyan!" reklamo niya. Ngunit siya man din ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
Hindi ko napigilan ang pagluha. Basta na lang iyon dumaloy sa aking pisngi.
"Hayan na naman ang iyakin kong baby. Huwag ka ng umiyak."pinunasan niya ang luha ko.
Muli kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Nagpaubaya ako. Hanggang naramdaman kong umibabaw siya sa akin. Lumakbay ang mga kamay ko sa kaniyang likod. Naramdaman ko ang paghubad niya sa aking boxer short at brief gamit ang kaniyang mga paa. Para bang ang sandaling matanggal ang kaniyang labi sa aking labi ay isa nang mahabang abala. Hudyat na din iyon para tulungan siyang tanggalin ang kaniyang belt at pantalon. Ilang sandali pa at nagsalpukan na ang mainit naming mga katawan. Ninamnam ang kiliting sarap sa bawat himaymay ng pagniniig. Tanging malalim na paghinga at pigil na pag-ungol ang tanging bumabalot sa maliit kong kuwarto bilang pagpapatunay sa pinagsasaluhan naming sarap na hindi nalalasap ng ilang buwan. At nang sumambulat ang inipon ng panahong katas ng pag-iibigan ay alam kong ito na ang pinakamasaya kong natanggap na regalo sa pasko. Ang muling makasama ang pinakamamahal ko.
Pagkatapos ng mainit na pagniniig ay parang ayaw ko ng matulog ng gabing iyon. Natatakot ako na baka paggising ko kinaumagahan ay wala naman siya sa tabi ko.
"Kailangan nating matulog muna. Alam mo bang inabot ako ng halos labinlimang oras sa biyahe at mabuti nakakuha ako ng tiket pauwi dito dahil sobrang daming pasahero?"
"Paano kung paggising ko wala ka na naman at sulat na lang ang iiwan mo?"
"Hindi mangyayari iyon. Bukas pa ng gabi ang alis ko. Kaya maghapon pa tayong magkasama. Matulog ka na dahil bukas pupunta tayo doon sa paborito nating lugar. Maghahanda tayo ng pagsasaluhan natin."
"Plamis?" pabulol kong tanong.
"Plamis baby."
"Yakapin mo ako para alam kong nandiyan ka lang."
"E, anong tawag mo dito" taka niyang tanong dahil nakadantay na ang isa niyang kamay sa aking katawan.
"Gusto ko yung isang kamay mo ipasok mo sa may leeg ko tapos yung isang kamay mo naman ay sa baywang ko." Paglalambing ko.
"Demanding?" nangingiti niyang tinuran ngunit sinunod din naman niya ang gusto ko.
Ilang sagalit pa'y narinig ko ang mahina niyang paghilik. Alam kong pagod na pagod siya sa biyahe niya. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Lumaki ang katawan at kuminis ang kutis. Para na siyang artista. Bago ako pumikit ay hinalikan ko siya sa labi at may ngiti ako sa labing nakaidlip.
BINABASA MO ANG
Nang Lumuhod si Father
RomancePagkatapos ng nobela nating "Everything I have" na tumalakay kung gaano kahirap ang ipaglaban ang iyong pagmamahal laban sa sakit o kamatayan, ang nobelang "Chaka (Inibig mo'y Pangit) na naghatid sa atin ng kuwento tungkol sa pag-iibigan laban sa ib...