1

9 0 0
                                    

Wooh!! Ang saya!! Ang saya maging binata!! Ako nga pala si Jacob. Mayroon akong mga kaibigan na si Kyle, Darryl, at Isaac. Krrriing!! Krrring!! "Hoy bilisan niyo malalate na tayo!!" wika ni Jacob. "Bilisan niyo nga nauuna na kami eh" wika ni Darryl. Nakapunta na kami ng school at mabuti na lang ay hindi kami nalate. Nagorient ang aming teacher na si Mam Donnalyn Concepcion, siya ay napakagandang teacher na may gulang na 23. Nagpakilala kaming mga kaklase at sinabi ang aming gulang. Syempre may mga pauso si Mam na laro at naglaro nalang kaming lahat. Nagsimula na ang aming recess at nag-usap kami tungkol sa CoC. "Uy pare, may bago akong alam na bagong tablet shop. Yun oh, yung bomb shelter. Pare ang lapit lang nun sa school. O ano mga pare punta tayo dun CoC tayo? Balita ko mabilis daw dun yung WiFi" wika ni Darryl. "Sige ba! Ano ba yung tablet shop?" wika ni Jacob.“Ang tablet shop ay parang computer shop pero puro tablet ang rerentahan mo." wika ni Darryl. "O ikaw Kyle? Sasama ka ba o hindi?" wika ni Darryl. "Oo basta manlilibre ka Darryl." wika ni Kyle. "Ano ka sinuswerte? Walang librehan dito oy!" wika ni Darryl. "Sige na nga" wika ni Kyle. "Oh sige ikaw Isaac, sasama ka ba?". "Sige gawin ko muna assignment ko dun ah. Sakto magreresearch ako." wika ni Isaac. "Oh sige basta sumunod ka nalang sa amin habang nagsiCoC" wika ni Darryl. Natapos na ang recess at kami ay pinauwi agad dahil shortened classes kami. Pumunta agad kami ng bomb shelter at dun naglaro ng CoC. "Umatak ka na Darryl! Mananalo na tayo. Umatak ka na!!" wika ni Jacob. "Oo sandali hindi pa nagdodonate yung adik na to eh!!" wika ni Darryl. "Nasaan ba kasi si Kyle?" wika ni Jacob. "Nagtatago kasi..." wika ni Darryl. "Kyle ikaw na umatake para lamang na tayo" wika ni Jacob."Sige Jacob aatake na ako" wika ni Kyle. Tumuloy ang laro nila sa CoC ngunit sila'y natalo dahil nalamangan sila ng kalaban. "Ikaw kasi Darryl eh hindi ka marunong maglaro." wika ni Kyle. "Wag na kayong magsisihan!! Natalo na nga tayo eh!! Nagsisisihan pa kayo!!" wika ni Jacob. "Tama nga si Jacob" wika ni Darryl. Ginawa ko ang aking homework at natapos ang unang araw namin ng ganito.
Sumunod na araw may nakilala making ibang teachers at syempre nagpakilala kaming lahat sa mga teacher sa araw na iyon. Nakakilala ako ng isang babae. Pangalan niya ay Chloe. Isang babaeng maputi, at maganda ang kanyang mata. Napagtripan ako ng mga kaklase ko dahil sa kanya. "Uyyyy, crush mo si Chloe no?" wika ni Darryl. "Kung ako sa yo pare, ligawan mo na yan." wika ni Kyle. "Oo nga tama si Darryl at Kyle" wika ni Isaac. "Andami niyong alam maligo lang hindi. Porket kakakilala lang namin, crush ko na agad?" wika ni Jacob. "Pwede, bakit hindi?" wika nilang tatlo. Natapos ang klase namin ng ganun lang ngunit may iba akong nararamdaman kay Chloe. Tingin ko gusto ko na siya pero gusto kaya niya ako?
Sumunod na araw, nagturo ang teacher namin sa Math na si Mam Donnalyn ng Algebra. Mabuti nalang na marunong ako at si Isaac dito. "Okay class please factor the polynomial 24x+3" wika ni Mam. "Mam 3(8x+1) po Mam" wika ni Jacob at Isaac. "Very Good Jacob and Isaac! Ang galing niyo talaga sa math!" wika ni Mam. "Mam maliit na bagay :3" wika ni Jacob.Nagkaroon kami ng quiz sa math.Dahil matalino kami ni Isaac, nilapitan kami ng kaklase namin para mangopya. Naging perfect mga marka namin dahil sa amin ni Isaac. Sumunod ang lesson namin sa Science. Siya ay isang maganda rin na teacher siya ay si Mam Christina Perez magkasingtanda sila ni Mam Donnalyn at pareho silang school ang pinagaralan. Parang silang bestfriend dahil sobra silang magkalapit. Nagturo si Mam ng Force. “Ok class, our lesson for today is Force. What is Force?" wika ni Mam. “Mam, Force is the push or pull of an object" wika nila Kyle at Darryl."Wow!! Ang galing niyo ni Kyle. Pareho din ang nangyari. Nagbigay ng quiz si Mam at naging perfect kami dahil sa kanila. Natapos na ang klase namin at inaamin ko, ang saya ng araw namin sa school. Habang nasa school ako, kinausap ako ni Chloe. Tinanong niya kung pwede kami maging kaibigan, at syempre pumayag ako, dahil syempre, gusto ko na siya. Inimbita niya ako sa birthday party niya. Tinanong ko sa kaniya kung pwede ko isama tropa ko, at masaya akong pumayag naman siya. Kinausap ako ng tropa, “Pare crush mo ba si Chloe?" wika nila. “Oo pare, gusto no na siya." wika ni Jacob. “Yieeeeee!! Crush mo pala si Chloe ah!" wika ni Darryl. “Chloe!!" sigaw ni Kyle sabay takip ni Jacob ang bunganga ni Kyle. “Ano yun?" wika ni Chloe. “Ahhh, wala Chloe napasigaw lang sila." wika ni Jacob. “Ganun ba? Sige alis na ako” wika ni Chloe sabay umalis na siya. “Oo nga pala mga pare sama tayo sa kaarawan ni Chloe ah." wika ni Jacob. “Sige ba!"wika nila.
Pumunta na kami sa kaarawan ni Chloe. Naging makulay ang kaarawan niya dahil sa dami ng decorations at kung ano-ano pa. Nakita ko siya sa isang magandang gown at lalong gumanda siya. Nung kaarawan niya, nagkaroon ng mga laro sa amin. Syempre pinilitan nila kami na maglaro, pumayag nalang ako. Natapos na ang kaarawan niya at ako ay nabusog na dahil madami akong kinain tulad ng baked mac, cheeseburger, at iba pa. At diyan natapos ang kaarawan ni Chloe
Umulit na naman araw ko. Nagaaral sa parehong paaralan tulad ng dati. Ngunit may nagbago sa araw ko ngayon. Nakipagsapakan ako kay Joshua, ang pinakasiga sa aming school. Nakipagsapakan ako dahil nainis ako na lagi nalang niya akong pinagtitripan. Hinamon niya ako na mamayang hapon ang aming away. Tuloy nga ang aming suntukan ngunit ako'y natalo. Sabog ang aking mukha. Puro pasa ang mukha ko. Nalaman ito ng nanay ko at siya'y nagalit sa akin. Sabi daw niya na bawal na ako magcellphone o magtv hanggang matapos ang isang linggo. Tinanngap ko naman ito dahil alam kong kasalanan ko naman ito, at diyan natapos ang araw ko.
Sumunod na araw inimbita ako nila Kyle, Isaac, at Darryl sa isang cellgroup. Wala naman talaga akong pakialam dito. Ngunit pinilit nila akong sumama. Pumayag ako dito at dun ko nakilala ang Diyos at nung nakilala ko ang Diyos nagbago ang buhay ko. Naging akong mabait, Lalo akong naging matalino, at madaming blessings ang napunta sa buhay ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#BuhayBinataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon