Regrets (One Shot Story)

15 0 0
                                    

I'm John. Nakapagtapos na ako ng pag aaral pero, nasa bahay lang ako lagi. Ako kasi ang bunso saming magkakapatid. Ako laging pinagbibigyan. Mahal na mahal ako nila mama at nila ate at kuya. Hiwalay na ang mga magulang ko pero masaya na sila sa mga bagong pamilya nila. Parang si mama, may bago nang asawa at mahal na mahal nila ang isa't isa. 

Dahil lumaki akong alagang alaga, lumaki ako ng may maputing kutis na pwede mo na ipangtapat sa kutis ng babae. Sabi nila gwapo daw ako. sus, hindi naman ako naniniwala kasi madalas mga babae lang na saglitan kong nakakasama ang nagsasabi nun. Pero dahil dun, naging kampante ako. madami akong naging girlfriend na iniyakan ako. Maraming naghahabol pero binabalewala ko. Kapag nakipag break na yung girlfriend ko ngayon, maghahanap agad ako ng maliligawan bukas. hindi ba ganun naman gawain ng mga habulin ng chix ngayon? Mga pre alam ko ganyan kayo. hindi lang ako.

Dahil maputi at may pagka chinito ako, mahilig ako sa mga mapuputi at singkit din na babae. Syempre para bagay kami. Ako matangkad, kaya mas maganda tignan kapag may pagka pinagkaitan ng height yung babaeng magiging girlfriend ko.

Kaka break lang namin ng girlfriend ko kahapon eh, maghahanap ako ng bagong maliligawan ngayon. 

Habang naglalakad sa isang sikat na paaralan may nakita akong pamilyar na babae. Isang morena, matangkad, may katamtaman na haba at kulot na buhok, at syempre, maganda. Syempre hindi ako makakalimot ng magagandang babae. Nilapitan ko sya at nang masuri ko ang mukha nya.. Naalala ko isa sya sa mga kababata ko!

Dahil papogi akong nag greet sa kanya, inaasahan kong ngingiti sya at i gri greet din ako. Pero naknang apat na tupa pare! Tinaasan nya lang ako ng kilay at tumalikod. may kinalikot sa kamay at may tinawagan. Ilang minuto ako na nasa likod nya at may kinakausap padin sya sa cellphone nya.

Nang matapos ang tawag nya humarap sya sakin at nagulat kung bakit nandito parin ako sa harap nya.

"Ano ba problema mo kuya? Wala bang space dun at sa likod ko ikaw naka pwesto?" sabi nya na nakakunot na ang mga kilay. Natawa nalang ako dahil hindi nya ako nakilala. Nagulat din ako kasi hindi sya katulad ng ibang babae na kikiligin kapag kinakausap ko. 

"Hi Cyrene! Hindi mo ako nakikilala? Parang wala pang 6 years na hindi tayo nagkita nakalimot ka na" Sabi ko sa kanya. Namilog ang mga mata nya at ilang segundong nakatitig sa kawalan. Maya maya pa ngumiti sya at nagsalita.

"Hindi kita namukhaan. John pangalan mo diba? Kamusta mga nilalaro mong pokemon?" Sabi nya saka tumawa ng malakas. nagulat ako lalo kasi hindi sya tulad ng ibang babae. anlakas nya tumawa grabe. nahiya tuloy ako sa mga taong nakapaligid samin.

"Oo ako to. kamusta ka na?" Tinignan ko sya ng mabuti. nagdalaga na si Cyrene. dati uhugin lang sya hahah ngayon sobrang ganda na nya.

"Ako? eto ok--" Naputol ang pagsasalita nya ng may tumawag ng pangalan nya.

May lumapit na 5 lalaki na mas matangkad sakin. grabe 5'11 na height ko mas matangkad pa sila sakin. mga 6'4 ata yung pinakamalaki.

"Oy Cy! ano ginagawa mo dyan? kanina ka pa namin minimisscall tara na!" Sabi nung pinakamaliit sa mga 5.

Napansin ng pinakamatangkad na kausap nya ako at tinaasan nya ako ng kilay.

"Sino sya Cy? Boypren mo?" Sabi nung pinakamatangkad.

"gagu hindi Hahaha. ngayon ko lang ulit sya nakita. mga kuya, siya yung kababata ko." Sabi ni Cy.

Mga kuya nya? Parang pag kakaalam ko nasa ibang bansa yung mga kuya nya at hindi ba football players mga yun at hindi basketball players?

"Ah. yow pare! Kunin na namin sya ah? Nagugutom na kasi kami e. Oy san tayo ngayon? Maxx nalang?" Sabi nung pangalawa sa pinakamataas.

"Sige John alis na kami. hanggang sa muli!" Sabi nya sakin at naglakad na sila palayo. Bigtime pala tong kababata ko e. angel ng mga players. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon