Chapter 11

65 1 1
                                    

Third Person's POV

*exo*

"Siguro naman makaka-pasok na tayo bukas? Napatumba na natin lahat ng kalaban ah." Sabi ni Suho sa mga kasama.

Hindi sila nakapasok nung 1st and 2nd day of school dahil may naghamon ng laban sa kanila. Ayaw naman nilang tanggihan dahil mas exciting daw ang pakikipag-suntukan kesa sa pag-pasok.

"Ayoko paring pumasok. Sana may maghamon ulit ng laban bukas. Parang nag-exercise lang tayo kanina eh!" Chen. 5 grupo ng Gangsters ang kumalaban sa kanila. At lahat ng yun ay napatumba nila.

....

CHANYEOL's POV

Tama naman si Chen parang nag-exercise lang kami kanina. Buti na lang talaga magaling na yung mga sugat ko. Kung hindi baka napuruhan na naman ako kanina.

Hindi naman kami pagod o nanghihina pero gusto talaga naming magpahinga o matulog. Bukod sa may pasok na bukas ay mapapagod na ulit kami sa pangbu-bully sa mga bagong estudyante. *smirk

"Tutulog na ako. Bahala na kayo dyan!" 7:00 pa ang gising namin bukas kaya kailangan ko ng matulog. Kahit naman tanghali na kaming pumunta sa school ayos lang, kaso unang araw ng pagpasok namin. Magpapakabait muna kami kahit sa pagpasok lang.

.......

Taeyeon's POV

*Taeyeon daanan mo ako sa bahay bukas. Sabay tayong pumasok ha? Tapos dadaanan narin natin sina Hani, Hyoyeon at Yoona.*Paano ko sila dadaanan? Edi napirat 'tong mga to? Haha close na talaga kami ngayon. Ka-text ko nga ngayon si Sandara. Kahit na mas matanda sya mas gusto daw nya ng Sandara na lang ang itawag sa kanya.
Kahit ako gusto ko Taeyeon na lang ang itawag sa akin. Ayoko ng ate lalo pa kung mas matangkad pa sa'kin yung tatawag. Pero si Seohyun gusto nya talaga tumawag ng Ate sa kahit na sino kaya hindi ko sya mapipigilan.
*eh di napirat ka kung dadaanan kita jan?* text ko kay Sandara. Haha ano kayang reaksyon nito ngayon?

Actually masaya ako na sila ang magiging ka-grupo ko. Base sa mga narinig at nakita ko sa kanila magkaka-iba iba kami ng estado sa buhay.

May ka-grupo kaming mag-kapatid.?yung isa parang cold tas yung isa naman kabaligtaran nya. At eto pa!! Sila pala yung tinutukoy ni Mama na anak nung kumpare nila. Akalain mo nga naman..... Eto, Mas matanda si Jessica pero sabay silang pumapasok ni Krystal. Sabi nya sa'kin hinintay nya talaga si Krystal. Tumigil sya ng pagpasok sa isang taon para maging mag-kaklase sila nung kapatid nya. Haha sabi nga nya sa'kin nagsi-sisi na sya na nagpa-bagsak pa sya. Haha ang kulit daw kasi ni Krystal.Mabait naman talaga sya. Nung una kasi akala ko talaga masungit. Pero ang ganda nila parehas.

*tse! Luka luka ka! Basta puntahan mo ako sa bahay ha? Malapit lang yun sa inyo. Gusto ko may kasabay ako.Ok?*-Sandara. Gusto ko rin naman ng may Kasabay kaya pupuntahan ko na lang din sila bukas.

Actually nakuha ko na lahat ng numbers ng mga ka-member ko. Kay Yuri lang ang wala. Wala daw syang cellphone pero okay lang ka-board mate naman nya si Seohyun kaya pwede na silang mag-sabay bukas.

Magg-gm ako sa kanila.

*ANGELS' GENERATION! Good night! Bukas na lang ha? Gusto ko sabay sabay tayong tumingin ng sections natin. Sana magkaka-section tayo. Magiging masaya yun for sure!* send to all!

Wala pang 5 minutes, nagreply na sila.

*ok good night din Tae (Tay ang pag-pronounce) -Yoona

Babaeng to! Anong basa dun sa Tae? Tae? Aba!

*Yoona! Taeyeon ang gusto kong itawag mo sa'kin hindi TAE! Ang baho kaya nun!*

*sige sige good night din -yan yung reply sa akin nung iba.

Kailangan ko na sigurong matulog. Maaga pa bukas. Sana po magka-sundo sundo kaming lahat.

....

Seohyun's POV

HanGgang ngayon hindi parin ako makapaniwala na natanggap ako kanina. Parang kahapon lang sinabi ko na ayaw kong mag-audition. Buti na lang talaga sinali ako nina Ate Hyoyeon.

"Ate Yuri nag-text sa'kin si Ate Taeyeon magkita kita daw po tayo bukas para tingnan kung anong sections natin." Ka-board mate ko si Ate Yuri. Hindi pala sya nakapasok nung 1st day of class kaya hindi nya alam yung tungkol sa audition. Sinabi nya sa'min yung dahilan kung paano sya naka-punta sa stage.

"Ah sige ba! Ano gang oras tayo gigising bukas?" Tanong ni Ate Yuri sa'kin.

"7:00 po ate. Tapos 8:00 po ang simula ng klase. Pero hindi ko pa naman po sure kung may klase na bukas. " sabi ko kay ate Yuri. Tumango na lang sya at ngumiti tapos nag-good night na sakin.

Base sa nakita ko kanina sa aming 12 may mas bata pa pala sa'kin. Si Krystal. Two months lang naman syang mas bata.

Gustong gusto ko talaga ang ginagalang ang ibang tao. Yung tipong kahit sinasaktan na nila ako, hindi ko sila pinapatulan dahil baka mas lalo pang lumala. Pero buti na lang at may 11 akong mababait na kaibigan. At sana magkakasama parin kami sa hirap at ginhawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon