Nasa isa kang malalim na balon,
Hindi mo makita ang katotohanan dahil sa pagmamahal mo sakanya
Para kang nasa isang bangungot, hindi mo sya mapakawalan dahil sa pagmamahal mo, hindi mo inaalintana ang ginagawa nya, dahil sa pagmamahal mo, para kang nasa pusod ng dagat, napakalalim, sa sobrang lalim, hindi mo na makita ang sarili mo. Ang pagmamahal mo sakanya, masyado mo itong tinago sa isang malalim na balon kaya't hindi mo sya maihaon mula sa puso mo, sa puso mo na may ibang karapadapat ang naruon, masyado mong minahal ang ideya na mahal mo sya, kaya kahit nasasaktan ka na, hindi mo ito dinadaing.
Lahat ng ginagawa mo, sa huli, ikaw din ang masasaktan.