It's been what? Two years? Yeah, two years and a half simula ng iwan mo ako. Pero nasasaktan parin ako.
Nasasaktan parin.
Ans sabi mo sakin noon di mo ako iiwanan. Pero bakit? Bakit mo ako ginanito? May pagkukulang ba ako? Kung meron man sana man lang sinabi mo sakin. Sana man lang pinaintindi mo sakin. Sana hindi ka sumuko kasi ako hinding hindi ako susuko. Sana man lang.
Sana.
Natatandaan ko pa dati nung nagsisimula pa lang tayo. Sa umaga sinusundo mo ako sa bahay at hinahatid sa school. Katabi lang naman ng school mo yung school ko.
Minsan nga sinusuhulan mo ang guard ng donut para lang papasukin ka. Tapos ihahatid mo ako sa classroom ko.
Bago pa man dumating ang teacher namin namumula na ako. Ikaw kasi, tinutukso tukso tuloy ako ng mga classmates ko. Sweet ka daw. Hayy, ang sarap lang sa pakiramdam na may nagmamahal sayo.
Ang swerte ko talaga sayo. Mabait, maalalahanin, matalino, sobrang sweet mo na akala ko eh bubuyog ka na gumagawa ng honey, sobrang caring mo din na halos kagagaling mo lang sa praktis niyo ng basketball eh pupuntahan mo na agad ako sa school para mapunasan mo yung pawis ko sa likod tapos sisiguraduhin mo pang hindi ako gutom bago umuwi. Basta ikaw ang ideal na lalake ng mga baae, bonus pa ngang gwapo ka at mayaman.
Umabot pa nga sa puntong tinanong ako ng mga kaibigan ko kung nasasakal na daw ba ako. Ngumiti nalang ako at umiling. Sabi ko 'kapag nasakal ka ibig sabihin hindi mo siya mahal. Hayaan mo lang siyang ipakita sayo ang mga bagay na gusto niyang iparamdam sayo kasi ibig sabihin lang nun ay mahal ka talaga niya'.
Ang swerte ko talaga sayo.
Ang swerte ko na sana sayo.
Pero anong nangyari? Bakit umabot sa puntong ito. Balit bigla ka na lang nagbago? Tatlong taon na tayo pero bakit bigla ka nalang naging cold? Ayaw mo na ba sakin? Napapagod ka na ba sakin?
Sabihin mo naman oh, kasi nasasaktan na ako. Ang dami na nating pagsubok na pinagdaan pero bigla bigla ka nlang susuko?
Hindi mo na ba ako mahal?
Pinupuntahan kita sa bahay niyo pero ang sabi nila tita sakin maski sa kanila naging cold ka. Ibang iba ka na daw. Ano bang nangyari? Ni kateam-mates mo wala ding alam kahit bestfriend mo nagtataka din.
Ano ba kasi?
Ilang linggo na din ang nagdaan pero ni ha o ho wala man lang akong narinig mula sayo. Kahit miscall o kahit man lang walang laman na text ok na sakin.
Kaso wala.
Kumakain ako sa cafeteria ng lumapit ang kaklase ko. Ang sabi niya nakita ka daw niya sa isang bar. Hindi sana ako maniniwala kasi di ka naman pumupunta sa mga ganon diba?
Sabi pa niya di rin daw siya makapaniwala pero nung sinundan ka niya nakita ka niyang may kasayaw na iba. Hindi sayaw na modern o tango o chacha. You were dancing with a pretty girl, dirty dancing actually.
Naiiyak ako sa naririnig ko. Bakit? Ano bang nangyayari sayo? Mahal mo pa ba ako?
May tayo pa ba?
In denial ako. Ayokong maniwala sa mga sinasabi nila. I trust you.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasa bar ako ngayon. Ang bar kung saan nakita ka ng classmate ko..
Nananalangin akong sana, sana hindi totoo. Sana hindi ikaw yun at kamukha mo lang.
Ilang oras din ako dito. Nabubuhayan ako ng loob kasi walang ni anino mo ang dumating. Posibleng hindi nga ikaw yun.
Tama hindi ikaw yung nakita niya.