Si Telma ang Babaeng Puta Part 2

4.4K 29 6
                                    

Nagising ako dahil malakas ang ulan, sumisipa na naman ang bata sa aking tiyan. Nakakalungkot pala kapag ganitong umuulan, hahanap ka ng mga taong maari mong makayakap sa mga ganitong klase ng panahon.

Hindi ko naman kailangan nung mga yakap ng mga taong nakatalik ko dati at ginamit lang ang katawan ko, kontrata yun eh, binayaran ako. Sa presyong 1500 nakapag paraos na ang mga mokong, at sa tuwing bayad nila sa akin, may isang babae na naloloko ng kanilang mga asawa, at yun ang mga asawa ng mga malilibog na customer ko noon.

Ganun ata talaga ang lalake, ang titindi nila, hindi ako magtatakang walang ama ang dinadala kong bata ngayon. Ni hindi ko kilala kung sino talaga ang ama nito, depende nalang dumating yung araw na nakahalata yung lalake na may nakawala sa loob sa oras na nanggigil na ito, ewan ko ba hanggang ngayon,, anim na buwan na ang nakakaraan patuloy kong iniisip kung sino talaga ang ama nitong dinadala ko.

Wala akong magagawa, kailangan buhayin ko ito, malay ko ba kung sino ito paglaki niya.. Kaso kinakabahan ako, kapag nalaman niya kaya na isa akong Puta noon eh matatanggap niya ko? Ipagmamalaki niya kaya ako sa mga kaibigan niya sa darating na panahon?

Kinuha ko ang walis at nilinis ang bahay, kahit pala walang ginagawa masyado eh dumudumi ito, paano pa kaya yung mga taong makakalat sa bahay at hindi naglilinis, bahala na talaga.. bahala na..

Nakuha ko ang mensahe ni Tito na magdadala daw siya ng agahan mamaya, magsasaing na lang pala ako, pero kailangan ko pang pumili ulit bukas para sa libreng bigas sa barangay.

Kakayanin ko to...

Itutuloy..


Si Telma ang babaeng PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon