Best Friend Please (HER)

255 5 6
                                    

Mahigit isang taon na rin simula ng makilala ko siya. Ang taong naging kasama ko. Naging kuya ko. Naging chatmate buddy ko. Naging sandalan ko. Ang naging best friend ko at minsang minahal ko.

Mahigit isang taon na kaming masayang nagsasama pero nagising ako isang araw na malungkot na lang ako bigla. Na wala ka na sa tabi ko.

Anong nagawa ko? Nakulitan na ba siya sa akin? Nagsawa na ba siya sa akin? Sumuko na ba siya sa kadramahan ko? Nagkulang ba ako? O baka naman sadyang may nahanap na siyang iba na mas higit pa sa akin.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Yung nasanay na ako na laging ako lang ang nagpapatawa sayo. Yung ako lang yung kasama mo tuwing recess at lunch. Yung ako yung lalapitan mo kapag may problema ka. Yung ako yung kachat mo gabi gabi. Pero ngayon, dapat ko na rin sigurong sanayin ang sarili ko na wala ka.

Kung ngayon palamang nasasaktan na ako. Pano pa kaya kapag naging kayo niyang pinagpalit mo sa akin.

Oo, pinagpalit mo ako sa iba. Nung una akala ko friends lang kayo. Dahil sabi mo walang anumang meron sa inyo.Pero di naglaon lumamig ka na. iba na ang pakikitungo mo sa akin. Lumalayo ka na sa akin.

Nang tanungin kita kung bakit. Ang iyong sagot ay nagsasawa ka na sa kadramahan ko. Bullshit naman oh.

Ako? Nagsawa ba ako making sa mga kwento mo? Nagsawa ba akong umintindi sayo? Nagsawa ba ako sayo?! Diba HINDI! Dahil pinapahalagahan kita. Pero pinagsawaan mo ako. Shit lang. shit lang talaga.

Pero kahit ang sakit sa loob ko, nagsorry parin ako.

Daan daang sorry ang tinapon ko sa iyo at daan daang okay lang din ang sinabi mo. Natuwa ako. Dahil akala ko okay na talaga tayo. Pero akala ko lang pala. Dahil mas naging malala pa ang sitwasyon natin. Mas naging malala ka pa sa inaasahan ko.

Mas naging malamig ka sa akin. Dinadaan daanan mo na lang ako. Kinakalimutan mo na rin akong ichat. Ni hi o hello di mo na ginagawa sa akin.

Bakit?! Nagsorry naman na ako? Ano pa bang kulang? Nilunok ko na ang pride ko para sayo. Ano pa bang gusto mo?! Ang sabihin kong sawa na rin ako sayo? Damn! Di yun pwede. Dahil hinding hindi kita pababayaan. Hinding hindi kita pagsasawaan.

Lumipas ang mga araw, pero cold ka parin sa akin. Naapektuhan na ako. Pati mga grado ko bumababa na. Matatanggap ko naman kung bakit ka nagkakaganiyan eh, basta sabihin mo lang. Iintindihin ko malaamn ko lang ang dahilan.

Pero dahil sabik akong maayos ang gulong namamagitan sa ating dalawa, ako na ang gumawa ng paraan.

Pinakialamanan ko na ang messenger mo. Buti alam ko pa ang password at ang email mo. Diba dati, nagpalitam tayo ng email at password. Pero matagal na yun. Siguro nakalimutan mo na ay mali, baka siguro KINALIMUTAN mo na.

Nang mabuksan ko ang messenger mo. Gumuho ang mundo ko at may mga luha na ring tumutulo sa aking mga mata.

SANA di ko na lang binuksan. SANA wala na lang akong ginawa. SANA hinyaan ko na lang. SANA pinabayaan ko na lang. Para SANA hindi ko nalaman na pinagpalit mo na ako sa iba.

Pinagpalit mo na pala ako. Pinagpalit mo ako sa mas bata sa akin. Sa mas maliit kaysa sa akin. Sa mas maputi kaysa sa akin.

Pinagpalit mo na ako hindi bilang BEST FRIEND mo kundi bilang INSPIRASYON mo.

Ang sweet niyo nga eh. Nagchachat kayo lagi at di pa kayo nauubusan ng topic. Ganiyan na ganiyan ka rin DATI sa akin eh.

SWEET. MABAIT. MALAMBING. MAALALAHANIN. MA-EFFORT. At alam mo ba kinaiingitan nga ako dati eh. Dahil may best friend ako na katulad mo.

Akala ko nung una ganun ang trato mo sa akin dahil magbest friend tayo. Pero nagulat ako ng sinabi mong gusto mo na pala ako.

Wala akong nagawa nun. Wala akong masabi. Nashock ako. Kaya ang tanging nasabi ko na lang ay aral muna tayo. Pero sabi mo okay lang basta hahayaan lang kitang magustuhan ako. At humiling ka pa nga eh. Na sana di magbago ang pakikitungo ko sa iyo.

Natuwa ako kasi ang sweet mo. Super duper ang care mo sa akin, at nirespeto mo pa ang desisyon ko.

Habang lumilipas ang araw mas nagiging sweet ka sa akin NOON. At bawat effort mo nahuhulog ako.

Oo, nahulog na ako sayo NOON. Pero hindi lang NOON dahil hanggang NGAYON.

Dumating ang pasko at Christmas break. Walang araw na di tayo nagchachat. Kaya kahit di tayo nagkikita parang kasama pa rin kita.

Tapos isang gabi umamin ako sayo, diba? Tanda mo pa? Nahihiya pa akong umamin noon pero makulit ang puso ko. Sabi niya ITS NOW OR NEVER. Kaya umamin parin ako kahit na sobrang kabado ako noon.

Natapos ang Christmas break at pasukan na ulit. Nagkita tayo at masasabi kong lumevel up na nga tayo. From BEST FRIENDS to M.U stage.

M.U nga. Hindi mukhang unggoy kundi MUTUAL UNDERSTAMDING. Pareho na yung tinitibok ng puso natin. Ang saya diba? Hanep sa saya!

Walang araw din na hindi ako kinikilig dahil sayo. Lalo na nung nagpromise ka sa akin. NA AKO LANG WALANG IBA. Nagpromise ka na, WALAMG IWANAN. Nagpromise ka na, YOU'RE GONNA WAIT FOR ME. Motto mo pa nga noon PATIENCE IS A VERTUE.

At alam mo ba dahil sayo naniwala ako sa forever. Naniwlaa ako na hindi lahat ng lalaki paasa. Na hindi lahat ng lalaki pafall. Dahil hindi ka ganun. Iba ka sa lahat. Ikaw ang patunay na hindi ka ganun.

Pero mali ako. Mali ang conclusions ko. Mali ang hypothesis ko. MALING MALI ako.

Dahil PINAASA mo lang ako. PINAHULOG mo lang ako pero wala ka palang balak na saluhin ako. Dahil nang binigay ko na yung puso ko sayo, nang hiyaan ko na siyang tuluyang gustuhin ka, saka ka NAGBAGO. Saka ka NAGHANAP NG IBA.

Ano yun? Past time mo lang ako? Ang bilis mo naman magsawa. Sa sobrang bilis nakahanap ka na agad ng papalit sa akin.

Ewan ko ba, naguguluhan ako. Hindi naging tayo pero NASASAKTAN ako. Parang nadudurog yung puso ko. Parang sinasaksak siya.

Pero alam mo ba, di parin ako nawawalan ng pag-asa. Na SOMEDAY BABALIK ang dati kong BEST FRIEND. Na BABALIK ka sa AKIN. Ang DATING IKAW na nakilala ko.

Pero kahit nasasaktan ako ngayon, nagpapasalamat parin ako. Dahil kahit may BAGO ka ng INSPIRASYON, kahit na may BAGO ng TINITIBOK yang puso mo. Hindi mo ako pinatigil sa pagiging BEST FRIEND mo.

Masaya nga ako eh dahil may dahilan pa ako para makausap ka. Dahil magbest friend parin tayo. Kahit yan lang ang meron tayo masaya na ako. Dahil masasabi kong may RELATIONSHIP paring namamagitan sa atin. Tinatrato parin kitang best friend kahit strangers na lang ang tingin mo sa akin. Pero diba sa pagiging strangers rin tayo nagsimula?

From stranger to classmates.
From classmates to seatmate.
From seatmate to friends.
From friends to close friend.
From close friends to best friends.

At ngayon.

From BEST FRIENDS to STRANGERS, again!

Bumalik ka nga sa una pero ako naiwan sa dulo. Bumalik ka sa pinakauna na kung saan stranger ang turing mo sa akin pero ako naiwan ako kung saan kasama ko ang masasayang alaala na nagawa nating dalawa.

Mga masayang alaala na kahit anong gagawin ko ay hindi na maibabalik at kahit gaano ko kasam asam na madagdagan pa ay hinding hindi na mangyayari.

Kaya BEST FRIEND PLEASEEEEE!! BE BACK SOON. MISS NA KITA! MISS NA MISS NA KITA. I LOVE YOU BEST FRIEND!

SALAMAT AT MAHAL NA MAHAL KITA. Tandaan mo yan BEST FRIEND.

PLEASEEEEEEEEE. I'M BEGGING YOU, COME BACK TO ME CAUSE YOU'RE THE ONLY PERSON WHO CAN FIX MY BROKEN HEART.


Best Friend, Please! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon