Best Friend Please (HIM)

102 6 8
                                    

"BYE"
-Yan ang huli kong sinabi sa huling chat natin.


Sineen mo na ako nun. In-unfriend mo at blinock. Di mo na ako pinansin pa sa eskwelahan at di mo na kinakausap pa.


Hahaha. Aasa pa ba akong papansinin mo ako matapos kitang iwanan. Matapos kong pakuin lahat ng pangako ko. Matapos kong tapusin ang pagkakaibigan natin. Matapos kitang ipagpalit sa iba.


Oo inaamin ko, nagkamali ako. Naging padalos-dalos ako. Di man lang ako nag-isip. Di man lang kita inisip. Di ko man lang inalala ang mga consequences na pwedeng mangyari.

Oo na mali na ako. Tanggap ko na. Ang tanga ko kasi. Ang bobo ko. Ang gago ko para saktan ka. Iwan ka. Ipagtabuyan ka at ipagpalit sa iba.

Akala ko kasi tama ako. Akala ko mas sasaya ako. Akala ko makukuha ko siya agad agad --- ang babaeng nahanap kong kapalit mo. Akala ko may babalikan pa ako kahit na iwan kita.

Pero, AKALA ko lang pala yun.

Patawa diba? Dati lagi kong sinasabi "PATIENCE IS A VIRTUE" Ayaw mo kasing magpaligaw noon. Sabi mo hanggang crush at MU ka lang muna. Kaya sabi ko maghihintay ako.

Noong una, intension ko talagang hintayin ka e. Kahit abutin pa ako ng taon hihintayin kita. Pero mapaglaro talaga ang tadhana e. Tadhana na kasi ang kalaban ko noon. Pero shit naman! Sana mas ginalingan ko. Sana mas pinagbutihan ko. Edi sana napabagsak ko si TADHANA at sana masaya parin tayo ngayon.

Pero inaamin ko, naging masaya ako. Naging masaya ako pero panandalian lang. Kasi diba nga ang simula ang laging masaya.

Lagi kaming nag-aasaran. Lagi kaming nagkwekwentuhan. Lagi kaming nagkukulitan. Kinilala naming ang isa't- isa.

Pero... Lagi na lang may pero.

Pero hanggang chat nga lang kami. Di kami nag-uusap sa eskwelahan dahil sa magkaiba kami ng baiting. Di kami nagpapansinan dahil sa hiya. Di kami close sa personal. Para bang strangers lang kami. Tanging sa chat lang kami masaya.

Lumipas ang ilang araw. Ilang Linggo. Ilang buwan at unti-unti ko ng namimiss ang presensya mo. Hanggang tingin na lang ako sayo. Di kita machat kasi in-unfriend mo ako. Di kita malapitan kasi nahihiya ako.

Nahihiya ako sayo. Sa barkada mo. Nahihiya ako to the point na inisip ko ng magtransfer sa ibang school. Di ko alam kung bakit. Nasasaktan kasi ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba at ang saya niyo pa.

Puta! Bakit ganoon? Wala naman na akong karapatan diba? Kasi wala ng tayo. Wala na akong panghahawakan pa. Di na tayo magbest friends. Di na tayo mag-mu. Wala ng tayo!

September. Foundation day natin sa eskwelahan. Kinuha ka nila para mag intermission. Kakanta ka. Alam mo bang inabangan ko talaga yun ng sobra. Hahaha. Ang ganda kasi ng boses mo. Isa yun sa dahilan kung bakit ako nahulog sayo.

Pumwesto ako sa harapan para makita kita ng malapitan. Shit ang ganda mo talaga. Simpleng pink dress at konting make-up lang pero nangingibabaw ka na.

Nang magsimula ka ng kumanta. Todo suporta ang iyong mga kasama. Sigaw sila ng sigaw. Puta. Ako nga din e gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw na "BEST FRIEND KO YAN!" Pero di ko magawa.

Di ko magawa kasi nakaraan na iyon. Di ko magawa kasi katabi ko ang babaeng akala ko ang happiness ko, pero ang totoo nasa harapan pala ang happiness ko at kumakanta sa harap ng maraming tao.

Best Friend, Please! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon