Malungkot na minamasdan ni Hanni Leighton ang larawan sa front cover ng VTM. Ang magazine na pinagkakaguluhan ng lahat ng kababaihan. Ang Villarama twins ang cover ng latest issue ng magazine na yun. Kahit magkamukhang-magkamukha ang kambal ay sa isang particular na tao lamang siya nakatitig. Kay Nathan Villarama, ang lalaking minahal niya. He was her first boyfriend. The very same man who had broke her heart.
Halos buong araw nang nagtatalo ang kanyang puso at isipan kung a-attend ba siya sa reunion ng batch nila, ofcourse excited siyang Makita ang mga dati niyang kaklase at kaibigan. Ngunit handa na nga ba siyang Makita ulit ang lalakeng unang nagpatibok ng kanyang puso? At paano naman niya ito pakikitunguhan?
He looks really happy in the picture. Hindi niya makakalimutan ang mga ngiting iyon na noo'y nakalaan lamang para sa kanya. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Muli pa ay kanyang binalikan ang alaala ng nakaraan...
June, 2005.
Unang tapak pa lamang ni Hanni Leighton Ocampo sa Pilipinas ay may pakiramdam na siyang dito niya matatagpuan ang hinahanap niya, ang taong kukumpleto sa buhay niya. First day of school palang ay humanga na kaagad siya sa angking kakisigan ng binata. Idagdag pang ito palagi ang nagtatanggol sa kanya kapag may umaaway sa kanya.
Bata pa lamang si Hanni ay chubby na siya, tampulan siya ng tukso noon. And Nathan is her knight in shining armour. Highschool na siya nang umuwi sila ng Pilipinas ng kuya niya, dahil narin sa problema ng kanyang mga magulang, at kagustuhan ng kanilang lola na narito. Mabilis din naman siyang naka-adjust sa bagong environment. Nakilala niya si Martinna(Mark Joseph Silla), ang baklang negosyante na naging matalik niyang kaibigan, at si Natasha na lola's girl, at sadyang nakagaanan niya ng loob. Napag-alaman niya noon pa man na may kakambal si Nathan, si Adrian at mainit ang dugo niya dito, isa kasi ito sa mga nam-bu-bully sa kanya. First year pa lamang siya noon samantalang third year na ito. Nagmukha na siyang stalker nito sa kakasunod dito. Sa pamamagitan noon ay nakilala niya pa ng lubusan si Nathan, at kaya niya ring ma distinguish si Nathan sa kakambal nito. Maybe it's her instinct. Or it was just her heart, which skips a beat whenever she hears his name whenever he's in sight.
She also joined cheerleading team para lamang mas mapalapit kay Nathan. Starplayer kasi ito sa basketball team ng University nila. Ngunit ito lang naman ang chini-cheer niya. There's a strange feeling of belongingness that wraps her. There's a need for her to be always near him. She's happy whenever he's around.
Kasalukuyan nga'y may laro ito at wala siyang sawa sa kakatalon everytime na makakapuntos ito.
"Go Nat-Nat! yess! Galing!! Yeboi!" sigaw ni Leighton nang maka three points si Nathan. Pinagtitinginan na siya na mga taong nanonood doon ngunit binalewala niya lang ang mga ito. She was wrapped with oblivion. Maya-maya ay may sumiko kay Nathan mula sa kabilang team, na outbalance ito at natumba, patakbo niya itong dinaluhan, handang makipag-away.
"Are you hurt?" alalang-alalang tanong niya, pinalilibutan ito ng mga team mates nito. He didn't answer her. Tumayo siya at hinablot sa kwelyo ang lalakeng bumangga sa kanyang prince charming.
"Tarantado ka ah! Foul yun ah! Ang daya mong kalbo ka!
Palibhasa wala kayong binatbat sa Nathan ko! Mga lampa!" galit na sigaw niya dito. Ngunit hindi lamang ito naapektuhan, ngumisi pa ito, sadyang matangkad ito at halos nakatingala na siya dito. Ngunit hindi siya nagpasindak. Iniamba niya dito ang kamao niya, ngunit bago pa niya masuntok ito ay may dalawang security personnel ang humawak sa magkabilang braso niya, pilit siyang inilalayo ng mga ito doon, bawal daw siya doon.
Nagpumiglas naman siya habang hila parin nito.
"Ahh!! Kalbo! Kalbo! Kalbo! Bleehh!" sigaw niya sa lalakeng kinaiinisan habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang security personnel.