"Naku, kung di lang!"

36 2 1
                                    

Ang ganda ng araw ko ngayon, I can feel it. Papasok na ako ng room tapos nakita ko na nag-iisa si Theo, nagdo-drawing havang yung mga admirers niya, let's say, fans niya ay nakatingin lang. Palagi naman nya yang ginagawa eh.

Agad naman akong nakisiksik kahit na marami akong dalawa, hawak hawak ko pa ang frappe na binili ko nung papunta pa lang ako sa school.

Dahil pinilit kong isiniksik yung sarili ko sa dami ng fans ni Theo ay di ko namalayang natapilok pala ako at parang slow-mo na tumapon yun sa drinadrawing ni Theo.

Agad namang nagsialisan yung mga fans niya. Oh no.

"Hala. S-Sorry!" sabi ko. Hinalughog ko agad ang bag ko at kumuha ng tissue. Pinunasan ko yung drawing niya and at the same time napatingin.

May isang babae na nakadraw tapos portrait siya pero dahil nga ang tanga ko, natapunan ko yon at medyo nagblur. Kape pa naman. "Ang ganda naman niya. Sino yan?" di ko mapigilang tanong.

Pinandilatan niya naman ako ng mata. "Sorry talaga, Theooooo!" saad ko. Napapikit na lang ito sa inis at bumuntong-hininga.

"Naku, kung di lang talaga..."

Ayan nanaman siya sa famous line niyang yan. Kapag nagkakamali ako or may nagagawang kalokohan sakanya, ganyan lagi ang linya niya.

"Yey! Thank you talaga!" Dahil sa sobrang tuwa ko ay di ko na napigilang yumakap sakanya. Nanlaki naman ang mata nito.

Nagpeace sign ako at ngumiti, "Sorry, carried away hehehe." I apologized. Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin kaya lahat kami ay nagsibalik na sa mga upuan namin.

"Para kang minion." pang-aasar ko kay Theo. Sumimangot naman ito, "Lagi mo talaga akong trip no?" tanong niya. Tumango naman ako at napasabunot na lang siya sa inis.

"May atraso ka pa sa'kin ha." Pagbabanta nito. Ay oo nga pala nakalimutan ko yung sa drawing niya.

"Sorry naman! Eh hindi ko naman kasi alam na matatapon yun."

"Tanga mo kasi" sabi nito at inirapan

I didn't see that coming! First time umirap ni Theo! Napabunghalit naman ako sa tawa.

"D-Did you just....." naputol ang pagsasalita ko dahil sa pagtawa ko. "glare at me?" tanong ko.

"Saan mo natutunan yun?"

"Uh. Sa'yo?" inosenteng tanong nito.

Napatawa nanaman ako. "Talaga? Ganun ka ba talaga ako ka-bad influence?" I asked.

Nagpout ito, "Ahm. Hindi naman." sabi nito.

Narinig ko naman na tumunog na yung tiyan ko. Oops. "Tara na, punta na tayong canteen. Gutom ka na eh." sabi nito.

Kaya ayun na nga, pumunta na kami sa canteen. Nagsitinginan naman yung mga tao. Natural, sikat tong kasama ko eh.

Ngayon if you're wondering kung bakit kami laging magkasama ni Theo kasi simula pa lang Grade 5? or 6 ay magkaibigan na kami, let's say bestfriends. Kaya ayun, lagi kaming magkasama.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito. Napatingin naman ako sa menu, "Carbonara and iced tea" sagot ko. Hindi naman ito sumagot pero pumila na siya kaya naman ay naghanap na ako ng upuan.

After minutes of waiting ay nakita kong papunta na dito si Theo kaya naman ay pinasok ko muna sa bag lahat ng mga gamit ko.

Nilapag niya ang tray and to find out na wala ang pagkain ko doon. "Asan na yung carbonara and iced tea?" Tanong ko. Ang nakita ko lang doon ay dalawang meal ng chicken, rice, garlic bread and coke.

"Naku, kung di lang!" (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon