MTMI5

8.3K 153 2
                                    

HER POV

katahimikan ang bumalot samin ni dominique sa loob nang sasakyan niya.

napabuntong hininga ako bago magsalita.

"a-ahh dom". panimula ko.

ngayon lang ako kinabahan nang ganito.

"kelan pa?" cold nang pagkasabi niya.

"3weeks ago lang". mahina kong sabi.

hindi parin mawala ang kabog nang dibdid ko.

"bakit hindi mo sinabi samin, sa akin ? alam ba to nang mga kaibigan mo?".

nagpakawala na naman ako nang isang malakas na buntong hininga.

umiling ako ! nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko ! shocks ilang araw na akong umiiyak dahil lang sa hindi ko matanggap ang pangunguna ni Mr.ford sa pag-aaral ko.

"fix marriage lang kasi to, at hindi ko rin alam kong paano ko sisimulan ang pagsabi sa kanila, anu sasabihin ko sa kanila, na ang Idol ko lang dati ay asawa ko na ngayon?". nagsimula nang mag-unahan ang mga luha ko.

totoo naman diba?

at after 6months ay maghihiwalay din kami.

gusto kong walang makaalam tungkol dito.

kahit mga kaibigan ko ay pinagkaitan ko nang katotohanan.

"mahal mo ba siya?".

agad akong napatingin sa tanong niya.

"WHAT?!! HINDI".

halos maisigaw ko na ang sagot ko.

paano ko mamahalin ang isang tao na naging dahilan para gumulo ang buhay ko.

"kung ganun, bakit ka pumayag ?".

"hindi ako pumayag dom, hindi mo kilala ang mga magulang ko ! sila ang may control sakin, hindi nila ako tinanong kong gusto ko ba talagang mag-asawa nang maaga, or kong gusto kong maging asawa ang isang taong magiging dahilan para gumulo ang buhay ko. . . dahil sa pera nagawa akong ipakasal ni mommy sa taong hindi ko pa nakikilala".

naaalala ko na naman ang sinabi sakin ni mommy kaya napapayag niya akong ikasal sa anak ni Mr.Ford!

tinakot niya ako, na kapag hindi ko siya sinunod ay sisiguraduhin niyang magiging miserable ang buhay ni nanay mikay at tatay gino.

alam ko ang kakayanan ni mommy, sa tono nang boses niya ay di siya magdadalawang isip gawin yun.

mahal na mahal ko sila nanay, mas gugustuhin ko pang maging miserable ang buhay ko kesa naman ang makita silang maghihirap.

napahagulgol nalang ako nang bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko nong nasa hongkong kami.

naramdaman ko ang unti unting pagyakap ni dom sakin.

kaya mas lalo akong napaiyak.

Ghad, ilang araw kong ginusto na may taong magcomfort sakin, thank you dom.

nang humiwalay siya sakin ay pinunasan niya ang mukha ko gamit ang daliri niya.

ngumiti siya sakin at.

"hindi ka pweding umuwi nang ganyan ang hitsura mo, magpalamig ka muna". sabi niya.

saka niya pinaandar ang sasakyan niya.

hindi na ako komontra dahil ayoko ring makita ako nila mama na namumugto ang mata. Ilang araw ko na din silang pinag-aalala.

*

MARRIED TO MY IDOL (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon