Nakilala ko siya. Naging magkaibigan kami. Naging magKapatid kuno!
Alam niyo yung adopt adopt kunwari? Nanay mo. Tatay mo. Oh kaya Kapatid mo.
Ganun kami dati. Ate ko siya. Kuya niya ko.
Then one day, pinutol ko na yung kapatid-kapatidan namin.
Kasi, may feelings ako sakaniya.
At magagawa ko lang yun pag naputol na yung Kapatid-an Status namin.
After that, I confessed to her.
Pero may Boyfriend siya that time kaya hindi ko siya niligawan.
Sinabi ko lang sakaniya na gusto ko siya. Na mahal ko siya. At mahalaga siya sakin.
Hindi ko siya niligawan. Hindi ako nang gulo sa Lovelife niya.
Masaya nakong nasabi ko sakaniya yung feelings ko. Gaan sa pakiramdam.
After a few days, nabalitaan ko na BREAK NA SILA.
Mixed emotions ako nun. Masaya kasi wala na sila. Pero malungkot din kasi naiisip ko, baka nasasaktan siya dahil sa break up nila.
Hindi ko siya tinetext. Hindi ako sweet sakaniya. Kasi ayokong isipin niya na Flirt ako.
Pero after a few days, nagkatext text na kami. Sinabi ko sakaniya na ayokong isipin niya na Flirt ako kaya sweet at naging expressive ako sakaniya. May isang problema pa kasi. Gusto din siya ng thropa ko. Si Nhie Baldo. Kaya hindi ko siya pinopormahan.
Mahalaga at mahal ko si Nhie kasi nga thropa kami. At nagpapahalaga ako ng pagkakaibigan.
Una sa pangalawa, bago sa luma. Anakngteteng! Nagkwento agad ako. Haha. Ako nga pala si Angela Mae Lalunio Endaya. Kapapanganak lang! Joke lang. Isa nga po pala akong Lesbian. Kalahating babae. Kalahating lalaki. Hoho! At si Nhie naman, Lesbian din siyang gaya ko.
At yung minamahal namin pareho, si Armie Sagun Pascual. <3
--> Pakinggan niyo yung Video sa right side. Ang kantang yun ang kinanta niya nung unang beses kong narinig yung boses niya. At yung Picture. Siya yun! :)