Chapter 4 Pekeng Jowa 2.0

185 1 1
                                    

Chapter 4: Pekeng Jowa




*Gab's POV*


"So ano na plano mo?" tanong ni Adrian.


Tinakpan ko ang mukha ko, "Ewan ko na. Ikaw diyan ang best friend, ikaw magbigay ng advice!"


"Matinde ka ah." patawa niyang sinabi, "Alam mo na ang opinyon ko dito, sabihin mo ang totoo. Eh g*ga ka, ayaw mo so ano na balak mo?"


Tinignan ko siya sa mata. "Wala. Kang. Kwenta." seryoso ang mukha ko pero tumawa lang siya. Ngumiti ako at hinampas ang braso niya, "Bilhan mo nga ako ng pagkain at nang magkakwenta ka."


Tumalon siya pababa ng ledge, tumatawa, "Ano po ang order niyo, Madam?"


"Choco Mucho lang. Yung chocolate ah."


"Yes, boss," nag-salute siya, "Kawawa ka naman eh, no?"


"Salamat!" sigaw ko habang paalis na siya.


Pinag-iisipan ko kung aling Choco Mucho ang mas masarap, 'yung chocolate or dark chocolate, nang may nakita ako sa peripheral vision ko na papunta sakin. Ugh. Not again.


"Gab!" maligayang bati sakin ni Jeffrey habang palakad sa kina-uupuan ko.


"Ano na naman 'yun, Jeffrey?" mataray kong sagot, "Bumalik ka na nga lang sa klase mo, baka mapagalitan ka pa ng teacher mo." Hmp. Like I care.


"Aw, concerned siya oh. Don't worry, nagpaalam ako, sinabi ko magc-cr ako." tumalon siya at umupo sa tabi ko. Agad naman akong bumaba.


"Ano ba??"


Bumaba rin siya, "Wag ka nang masungit, please. Sorry na kung napagtawanan kita kanina, 'di ko kayang galit ka sakin eh." Nagbigay pa siya ng puppy dog eyes.


"T*ngina, 'wag ka ngang pacute, Jeffrey! At, for your information, araw-araw akong galit sa'yo!" iritable kong sinumbat sa kanya. Magwawalk-out na sana ako nang hinablot niya ang kamay ko. As a reflex, I spun, took his hand and bent it. Nakalimutan ko bang sabihin na nagSelf-defense training ako noong summer? "Don't even try."


"A-aray..." mahina niyang sinabi pero 'di ko pa rin binitawan ang kamay niya. Punong-puno na 'ko sa lalaking 'to and I would've broken his hand kung hindi lang ako nakarinig ng flash.


Lumingon ako at nakakita ng group of girls sa may entrance ng canteen na naghihiggikan. Isa sa kanila ay may hawak sa cellphone, ang lens nakadirekta sa kung nasaan kami ni Jeffrey ngayon.


"Ayiiiieee, holding hands sila oh!"

"Kinikilig ako!"

"Ehem, bawal PDA!"

"Porke may gusto sa'yo, sasaktan mo?"

"Wag mo naman siya saktan, Ate!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon