HALAMANG TUMUBO SA DI INAAKALANG PANAHON
PILIT LUMALABAN AT PATULOY SA PAGYABONG
GAYA NG PAG-IBIG KO SAYO
UMUSBONG SA AKING PUSO NG DI SINASADYA
PATULOY NA NAMUMUKADKAD, KAHIT DI MAIPADAMA
NAALALA MO PA KAYA, ANG ATING UNANG PAGKIKITA
ISANG BABAE ANG NAHULOG SAYO NG DI SINASADYA
~~~~~~~~~~
" TULONG!!! Tulungan nyo ako!!! "
napatingin ako sa isang mataas na puno, isang babae ang umiiyak,nakakapit sa isang sanga at malapit ng mahulog
"kuya tulungan mo po ako, di ko na kaya"
pero bago pa man ako makaakyat para tulungan siya, ay naput0l na ang sanga na kinakapitan niya
wala akong nagawa kundi ang saluhin siya
~~~~~~~~~~
MULA SA MATAAS NA PUNO, NAHULOG AKO SAYO
KASABAY NG PAGKAHULOG SAYO NG AKING PUSO
SIMULA NG ARAW NA YON DI KA NA NAWALA SA AKING ISIPAN
UMAASANG MABIGYAN MULI NG PAGKAKATAON NA IKAW MAN LANG AY MASILAYAN
AT ANG PUSO KO'Y LUMUNDAG SA TUWA
NANG SA PANGALAWANG PAGKAKATAON TAYO'Y MULI MAGKITA
NGUNIT SADYA YATANG MAPAGBIRO ANG TADHANA
SAPAGKAT ISA NANAMAN ITO SA DI KANAIS NAIS NA TAGPO
~~~~~~~~~~
nandito kami ngayon ni dad sa mall, birthday ko ngayon kaya niyaya ko siyang lumabas para nadin makita si ate
"dyma, punta muna ako cr hintayin mo nalang dito ate mo"
"yes dad"
napansin ko yung isang babae naglalakad sa harap ko, nagbabasa ng libro.
Di niya siguro napansin na my sign na WET FLOOR SLIPPERY sa dadaanan niya
"MISS......!!!!!!"
bago ko pa siya masabihan, nadulas na siya kaya bigla akong napatakbo para saluhin siya
"miss, ok ka lang?"
pero tango lang ang naisagot niya
~~~~~~~~~~
DI KO MALAMAN KUNG DAPAT BA AKONG MATUWA O MALUNGKOT NG ORAS NA YON
MATUWA DAHIL SA WAKAS MULI NANAMAN TAYONG NAGKITA
O MALUNGKOT DAHIL PARANG PURO LANG AKO DISGRASYA PAG TAYO AY NAGTATAGPO
PERO NAKAKATUWA DIN ISIPIN NA IKAW ANG LAGING ANDYAN KAPAG NALALAGAY AKO SA ALANGANIN
HANGGANG ANG MGA ARAW AY LUMIPAS AKING NAPAG-ALAMAN NA ISANG PAARALAN LANG ANG ATING PINAPASUKAN
KAYA SIMULA NOON LAGI NA KITANG SINUSUBAYBAYAN
NAIS MAN KITANG LAPITAN, NGUNIT AKO AY NAG-AALINLANGAN
SA DAMI NG MGA TAONG NAKAPALIGID SAYO, AT GAYA KO NAGHAHANGAD NA MAPANSIN MO
MAS GINUSTO KO NA LAMANG NA PAGMASDAN KA SA MALAYO
AT PATULOY NA MAHALIN KA NG PATAGO
UMAASANG MAGKAROON ULIT NG DI MAGANDANG TAGPO
NAGBABAKASAKALING IKAW MULI ANG SASAKLOLO
NGUNIT SANA SA SUSUNOD NA TAYO PAGTAGPUIN
SANA NAMAN SA PAGKAKATAONG IYON AKO NAMAN ANG SAYO AY SASALO O AKO NAMAN ANG SASAKLOLO
napangiti ako,
"kung alam mo lang"
nasabi ko sa sarili ko
" DYMA!!!!! "
isang malakas na sigaw ang narinig ko kasabay ng pagtulak sa akin ng kung sino
at sa gitna ng kalsada nakita ko siya, siya ang babaeng kaytagal ko ng minamahal.
nakahiga, duguan at walang malay
"kamusta na po siya?"
tanong ko sa doctor, umaasang ligtas na siya
"im sorry but she's in coma"
para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko
bakit kailangan sa kanya mangyari to?
araw-araw ko siyang pinupuntahan sa ospital
pagkagaling sa school diretsyo na ako sa kanya, binabantayan, kinakausap, kinukuwentuhan.
Umaasang isang araw sasagutin niya mga tan0ng ko, at tatawa sa mga biro ko.
At di nga ako nabigo, pagpasok ko sa kuwarto mo, ngiti mo unang nakita ko.
"dyma" mahina mong sabi
kaya agad kitang nilapitan, at di ko na nga napigilan niyakap kita ng mahigpit at hinagkan
"mabuti naman at gising ka na"
"an0ng gusto mo? May masakit ba sayo?"
"gusto kong lumabas" sabi niya
kaya naman dinala ko siya sa hardin ng ospital
"alam mo ang saya saya ko" sabi niya
naupo ako sa harap niya
"dati akala ko di na kita ulit makikita o makakalapit pa sayo, pero ngayon andito kana sa harap ko"
"ako rin" tapos hinawakan ko mga kamay niya
"ang saya ko rin kasi natupad narin yung pangarap ko na ako naman ang magliligtas sayo. Mahal kita dyma"
sabay yakap sakin ng mahigpit
"mahal din kita hana"
kasabay nito ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin. .
Di ko na namalayan ang pag-agos ng mga luha saking mga mata,kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan
"i love you hana, goodbye"
BINABASA MO ANG
DYMA'S MAIDEN (loving in silence)
Teen Fictionthe saddest part of loving, yon yung mahal mo siya, mahal ka niya, pero di niyo nagawang maipadama sa bawat isa.