Other side & 1st date

43 2 0
                                    

<Nhicole’s POV>

Napaka weak naman nang lalakeng yun, ang ayoko pa naman sa lahat eh iyong mga duwag.

Dahil sa nangyare ay tinamad na akong puntahan ang mga barkada ko dumiretso na akong umuwi.

Himala ang tahimik ata ng bahay namin?

May kaunting mga taong kumakain sa canteen namin wala si mama sa cashier ang nadatnan ko lang duon ay ang assistant nitong si ate Clara pero dumiretso lang ako sa loob ng bahay.

Tahimik ah!

Ewan ko pero feeling ko ang awkward na napakatahimik ng bahay wala ang nanay at tatay ko na sa halos araw araw na lang na ginawa ng diyos ay nagrarambulan.

“Nicko!”

Tawag ko sa 7years old kong kapatid na lalake. Nang marinig naman niya ako ay nagmamadali siyang bumaba ng hagdan takot na takot at halatang umiyak dahil sa pamamaga ng mata.

“Oh Nicko?”

Yumakap siya saken at parang madudurog ang puso ko sa nakikitang takot sa kapatid ko.

“Si mama.. hik… si papa…”

Umiiyak siya habang nagsasalita.

“Oh Nicko wag ka ng umiyak nandito na si ate.”

Mukang alam ko na ang nangyayare. Ok lang naman na nagaaway sila sa harap ko eh pero ang hindi ko lang maintindihan sa mga magulang ko kung bakit hindi man lang naiisip na naaapektuhan si Nicko ang nakababata kong kapatid.

Hindi ba nila alam na bata pa si Nicko na hindi pa nito naiintindihan kung bakit sila nagaaway. Si mama na walng ibang ginawa kundi bungangaan ang sabungero at babaero kong ama. Hindi ba nila naisip na may anak sila?

Napatiim ako. Naiinis ako sa mga magulang ko. Hindi naman kami ganito dati eh pero simula nang magsabong ang papa ko at natutong mambabae ay nagkandaloko loko na ang pamilya namin.

Napatingin ako sa kapatid kong patuloy pa din sa pagiyak at wala akong magawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit para iparamdam na hindi siya nagiisa at may nagmamahal pa sa kaniya.

Naisip ko sana may tao ding ganito saken, nagcocomfort saken sa tuwing hindi ko na kinakaya. Perop ngayon? Kaming dalawa lang ni Nicko ang magkakampi, kami lang.

Tumigil din si Nicko sa pagiyak dahil nakatulog na siya hiniling niyang tabihan ko siya at ginawa ko naman. Kung maaari ayaw kong iparamdam kay Nicko ang nararamdaman ko gusto kong isipin niyang may nagmamahal sa kaniya na nandito ako para sa kaniya.

Chapter 3

May pasok kami pero hindi ako pumasok nandito ako sa mga kabarkada ko na hindi ko tinuturing na kaibigan dahil para saken wala akong kaibigan kasama ko lang sila sa kalokohan pero hanggang duon lang yun wala na magkakakilala nga lang kami sa pangalan eh pero sa ibang personal na buhay wala maliban kay Shara.

“Nhick, oh yosi.”

Inabot saken ni Shara ang yosing hawak.

“Tigilan mo nga ako Shara!”

sabi ko sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako. Alam kong inaasar lang ako ni Shara alam naman niya kasing hindi ko tatanggapin ang sigarilyong hawak niya.

Oo nagca-cutting ako pero kahit kelan hindi pa ako nagyosi o uminom man lang kahit na kabarkada ko sila ay hindi ako katulad nila na gustong patayin ang sarili ng unti unti may pangarap pa ako at iyon ay ang makalayo kami ni Nicko sa mga magulang namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stupid Nerd BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon