How to move on.
1) Accept the truth and be thankful
2) practice releasing regrets
3) Work on forgiving yourself
4) Remember the bad as well as the good
5) remember the benefits of moving on
napa-face palm na lamang ako sa mga nabasa ko, ang daling isipin pero mahirap gawin ang mga bagay naiyon lalo't nangingibabaw saaking ang regrets at sinisisi ko din ang sarili ko kung bakit siya nawala, pero sa ngayon ay kailangan ko na talagang mag move on.
-
matapos ang isang buwan ay hindi nanga nagparamdam ng tuluyan sakin si Keith, kahit papano ay namimiss ko ang presence nya
"Oyyyy girl, congratulations! 59 out of 60 ka nanaman" ani ng seatmate kong si Shin. Sumulyap naman ako sakanya at ngumiti
"ano bang sikreto mo? diba't hindi ka naman ganyan dati?"
"Ahhh, ano kase napagisipan ko na gusto ko nang mag focus sa studies ko" nauutal ko pang sabi, dahil alam kong hindi talaga yun ang dahilan.
matapos ang paguusap namin ni Shin ay dumiretso nako sa library, dun kasi napag desisyonan ng org ko na mag meeting para sa upcoming foundation.
Nang malapit nako sa 3rd floor ay nakita ko ang bulto ng isang pamilyar na lalaki, alam kong si Keith iyon pero imbes na umiwas ay tinignan ko pa siya lalo, nahuli nya naman akong nakatingin sakanya.
hindi ko na inasahan ang sunod nyang gagawin, hinalikan nya ang isa sa babaeng kasama nya , matapos ang mga halik na iyon ay nilingon niya ako at tumawa ng nakakaloko.
Pinipiga nanaman ang puso ko. Ilang beses ko na bang pinagdasal na sana'y iba nalang?
-
"Kath, you are 5 minutes late for God's sake!" bunggad saakin ng President ng Supreme Pupil Government
"So..sorry" ani ko
"you okay?" pabulong na sinabi ni Cream saakin
"Uh-huh" matipid ko namang sagot
"I know you're not, how about going out later, with the squad?"
"I'm busy later, gagawa pako ng sched para sa upcoming foundation. Remember? ako yung naka assign sa booths, activities and shit?"
"Darn it, pwede bang ipagpabukas mo nayan? masyado kanang mailap samin ng girls"
Hay nakakahalata naba talaga sila? Isang buwan nadin simula ng iwasan ko sila, hiyang hiya ako sa inakto ko ng ni-comfront ko si Keith, pero ni- isang salita ay wala akong narining sa barkada ko
"Hi..hindi ah, busy lang talaga ako need to be ready kase next year nasa senior high na tayo, masasanay rin kayo" ngiti na lamang ang nasagot nya saakin.
Hindi nanamin namalayan na patapos na pala ang meeting
"Dismiss"
After an hour we bid our goodbyes at sinabi ko kay Cream na sa susunod nalamang, naintindihan nya naman iyon at tumango kahit na may kalungkutan sa mata nya, siguro'y miss na miss nya na ang barkada.
chineck ko ang phone ko, 4:30 pm palang naman at maaga pa para umuwi. Nang maalala ko'y 13 nga pala ngayon, 5months na sana kame ni Keith. Huminga na lamang ako ng malalim ng maisip ko.
napagdesisyunan ko nalamang na pumunta sa locker ko para kumuha ng schedule at mag iwan ng mga gamit, ngunit malayo malayo paman ay may usap usapan nanaman, habang papalapit ng papalapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong nangyayare sa sistema ko, siguro'y naalala ko lang noong naging talk of the town ako.
"Grabe nakakatakot talaga, ano kayang pwedeng mangyari?"
"Kanino kaya galing yun?"
yan ang mga linyang naririnig ko sa bawat grupo na nadadaanan ko, ano ngabang meron? napasinghap nalamang ako at dumideresto sa locker. Nang marating ko nga ang locker umagaw agad saaking atensyon ang isang papel
YOU'RE DEAD
a- ano ito!?
RED CARD!?
BINABASA MO ANG
Stolen my heart
Teen FictionTake the step. Step forward. Take the risk. Risk the fall. Fall in love. Give it all. I did everything. I wanted to prove you that forever do exist, but you chose to stole my heart and break it into pieces. You used to be my life and up until no...