naalala mo pa ba?

29 0 0
                                    

Naalala mo pa ba?

Naalala mo pa ba nung first year at sobrang close natin? Yung tipong lagi tayong tabi at pinipiga mo yung pisngi ko. Madalas pa nga nilalaro mo yung buhok ko at tuwang tuwa ka kasi sobrang lambot at bagsak nang buhok ko.

Naalala mo pa ba nung naging crush na kita dahil sa sobrang close natin? Yung feeling na ang saya saya ko tuwing umaga at nakikita kitang pumapasok sa classroom. Yung mga araw na sinisipag akong pumasok para makita ka lang.

Naalala mo pa ba nung nakatext na kita? Tanda ko pang napuyat tayo nun, alam mo bang first time ko magpuyat nun? Hirap na hirap akong matulog kasi nagiimagine ako nang future natin.

Naalala mo pa ba nung araw na nanligaw na ko sayo? Yung sobrang inlove na ko sayo at di ko na mapigilan yung feelings ko kaya niligawan na kita.

Naalala mo pa ba nung binusted mo ko? Yung akala ko katapusan na nang mundo ko. Lalo na nung narinig kong sinabi mo sa kaklase natin na kahit kailan hindi na magiging tayo.

Naalala mo ba nung sinabi mo sakin na may crush ka sa school? Yun yung araw na umaasa padin ako na magiging tayo balang araw.

Naalala mo ba yung 4 months na hindi kita pinansin kasi sobrang nasaktan ako. Araw araw kong pinipilit na kalimutan ka kaso wala talaga eh. Ikaw padin talaga yung gusto ko.

Naalala mo ba nung Christmas party nung first year tayo. Yung hindi ko alam kung ano trip nang tadhana at ikaw yung nabunot ko sa exchange gift. Excited akong umuwi agad at magpabili kay mommy nang mamahaling regalo kasi para sakin espesyal yung tao na pagbibigyan ko

Naalala mo pa ba nung pagkatapos kong ibigay yung regalo ko sayo nakita ko nanaman yung pagiging cute mo. Tuwang tuwa ka dun sa regalo kong hello kitty na sling bag. Mas lalo akong tinamaan sayo nun kasi sobrang cute mo talaga pag nakangiti. Lalo na at natuwa ka sa bigay kong regalo

Naalala mo pa ba nung ilang araw pagkatapos nang party nag away nanaman tayo. Hindi ko talaga alam kung ano trip nang tadhana kasi sobrang tagal nanaman nating hindi nag usap. Nanligaw na ko nang ibang babae kaso hindi ka padin niya kayang tumbasan at pagkatapos nang 1 year and two months na relasyon namin hindi ka padin nya napalitan.

Naalala mo na ba nung third year na tayo? Magkagalit padin tayo kaya pinilit ko pading kalimutan ka. Nanligaw ulit ako nang isa pang babae, umaasa na makalimutan ka kasi wala ka namang paki sakin.

Naalala mo pa ba nung araw na nagkabati tayo sa wakas? Yun yung sobrang tagal kong pinapangarap na ikaw yung makapartner ko sa bawat sayaw na ipeperform ko pero kung kelan ginusto ko nang mag move on at tanggapin na ayaw mo na talaga sakin saka pa tayo naging magpartner. Naalala ko pa na may props na payong yung sayaw natin at kailangan kong hawakan yung kamay mo.

Aaminin ko kinikilig ako nun kahit masungit yung tingin mo sakin. Sa sobrang kilig nga ay di ko na napigilan yung sarili ko at tuluyan na akong nautot. Sobrang silent nang utot ko at nung naamoy mo sumigaw ka bigla nang "ang baho!! Sinong umutot!" Napatingin nalang ako sayo nang parang nagmamakaawa na wag ipagkalandakan na umutot ako kaya bigla kang nangiti at tumawa nang malakas, biruin mo nang dahil lang sa mahiwagang utot ko ay nagkabati nanaman tayo.

Naalala mo pa ba nung tuloy tuloy na yung pagiging close natin at gumawa tayo nang chatbox gamit ang papel. Magkatapat kasi tayo nang table tapos may siwang sa ilalim yung harang nang tables kaya dun natin nilalagay yung chatbox natin. Sa totoo lang gusto na kita ulit ligawan nun kaso may girlfriend na ako. Sobrang saya nung chat natin nung kahit sa papel lang tayo nagsusulat.

Naalala mo pa ba nung sobrang tagal nang panahon ang lumipas at 4th year na tayo? Kami padin nung girlfriend ko at sayo sya selos na selos. Aaminin ko, crush padin kita nun at gustong gusto ko nang bitawan yung girlfriend ko para maligawan na kita. Kaso naalala ko bigla yung linya mong "kahit anong mangyari hindi magiging tayo" kaya pinanghinaan ako nang loob.

Naalala mo pa ba nung mga panahong gulong gulo na ko sa gagawin ko? Yung gusto kong maging tayo pero hindi ko matuloy kasi natatakot akong baka mabusted nanaman ako. Close padin tayo nun at may project tayo sa t.l.e , sabi ko tulungan na kita sa project mo kaso nasira ko lang yun. Sobrang pinaghirapan mo yun kaya naiyak ka nalang sa sobrang panghihinayang

Naalala mo pa ba nung habang umiiyak ka sa table mo nilapitan kita kahit selos na selos sayo yung girlfriend ko. Yung dahan dahan kong pinunasan yung luha mo sabay sabi nang sorry. Ramdam ko sa sarili kong ikaw lang talaga yung mahal ko habang pinupunasan ko yung luha mo. Nung hapon nung araw na yun tinext kita agad nang sorry at nagkaayos na tayo.

Naalala mo pa ba nung tinanong kita kung pwede ba kitang maging bestfriend? Hindi ka nagdalawang isip na umoo kahit alam mong selos sayo yung girlfriend ko

Di nagtagal at mas naging close tayo. Dun na ko naglakas nang loob na sabihing crush kita at in short after 917301735291029 years ay sinabi mo din na may crush ka sakin.

Naalala mo pa ba nung sobrang daming naging problema nung pagiging inlove natin sa isat isa. Halos galit sayo lahat nang kaklase nating babae. At ilang beses mo nang ginustong bumitaw pero nanatili padin tayong matatag.

Naalala mo ba nung fieldtrip na nung fourth year tayo at di padin kami naghihiwalay nung girlfriend ko pero sobrang cold ko na sakanya.

Naalala mo pa nung tuwing bababa na kami nang bus ikawagad yung una kong hinahanap

Naalala mo pa ba na nung nakapila tayo sa slide pasimple kong hinahawakan kamay mo? Sobrang kinikilig ako sa maliit na bagay na yun. Yun na nga ata yung tinatawag nilang love

Naalala mo pa nung niyaya na kitang magdate sa robinson malolos. Nanuod tayo nang sine, sabi mo gusto mo nang horror pero ayaw ko manuod nang horror kasi natatakot ako. Apaka swerte ko nun kasi walang available na horror at comedy ang pinanuod natin.

Naalala mo pa ba na sa first date natin naganap ang first kiss? Sobrang nakakakilig talaga yun at parehas tayong lutang pagkatapos natin magkiss. Dahil nga dun ay wala na tayong naintindihan sa pinanuod natin

Naalala mo pa ba na sa first date natin naganap ang first kiss? Sobrang nakakakilig talaga yun at parehas tayong lutang pagkatapos natin magkiss. Dahil nga dun ay wala na tayong naintindihan sa pinanuod natin

Naalala mo pa ba nung grumaduate na tayo at naging mag m.u na tayo? Yung sobrang saya natin kasi free na tayo sa lahat at wala nang magagalit satin kung magdidikit man tayo

Naalala mo pa ba na lagi tayong umiiyak sa isat isa pag may away. Di ko pa nga makalimutan na umiyak at humagulgol ako sa harapan mo ee. Sobrang nakakahiya talaga yun!!!

Sobrang dami nating masasayang memories, yung iba nga di ko pa nainclude dito.

Alam mo bang sobrang swerte ko kasi minahal mo ko. At hindi ka pagkakamali sa mundo.

Madami na tayong pinagdaanan. Kaya nating lagpasan tong problemang hinaharap natin ngayon. Ano ka ba?! Malalakas kaya tayo ILoveYouFOREVER po yoshikongmaliit ^______^

Mahal na mahal kita JHONA MARIE CRUZ SORIANO

-NATHANIEL ABLAZA

P.S.
FOREVER tayo walang bibitaw. Swerte ako sayo. Deserve natin ang isat isa. May future at pangarap pa tayong haharapin kaya please po alang bibitaw ILoveYou :*

Please po wag mo ko iwan kasi akin ka lang at sayo lang ako.

Ya!!

Naalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon