^^

7 2 0
                                    

"Candy?"

Napatingin ako sa katabi ko –isang lalaking foreignish ang itsura, singkit, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, may mapulang labi, may makapal na kilay na bagay na bagay sa mukha niyang perpekto. Sa madaling sabi, YUMMINESS OVERLOAD!

Di naman ako na-inform na pwede palang may mangyaring maganda habang umuulan, nakaupo ka lang at nag-aabang ng masasakyan pauwi.

Pero teka.. candy? Pano niya nalaman ang ubod ng tamis kong pangalan?

I was about to ask him kung pano niya ko nakilala nang bigla niyang itapat sa mukha ko ang isang pagkain na may pulang wrapper.

"Ahh. Kendi." Akala ko pa naman.. pft! Hahaha. Assuming kasi masyado. Kinuha ko sa kamay niya yung kendi at nagpasalamat habang nagpipigil ng tawa.

"why?"

"ha?" napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin siya sakin habang nakakunot ang noo. Ang kyot lang! :3

"why are you laughing?" Lengye! May accent! Call-center agent? :D

"ugh, nothing. It's just that.. I thought you're calling my name."

"what? Your name is Candy?" this time, siya naman yung natawa. Aba, loko to ah! Nag-nod lang ako bilang sagot sa kanya.

"what a sweet name!"

"yea. Very." Sarcastic ang pagkakasabi ko with matching paikot pa ng mata kaya lalo niya kong pinagtawanan. Naku! Kung hindi ka lang gwapo! Tsaka yung tawa niya kasi nakakadala.. ng damdamin. ;D basta malandi, plemex! :DD

Dumaan ang forever. De, joke lang. Wala nga palang forever.

3 minutes lang yung lumipas pero feeling ko super tagal na.

A-W-K-W-A-R-D

Ano? Yun na lang yung usapan namin? Ba! Di ako papayag, noh? Opportunity knock only once so grab it. :D

Ano kayang magandang itanong?

Do you like me? Aargh! Bakit ko naman yun itatanong? Do you want to take me out? Ano ba, Candy?! Magpahard-to-get ka naman kahit joke lang. Can I have this dance? Ano, high school musical lang?! Waa! Anong sasabihin ko?!

"Candy?"

"AY PEKLAT!" nanlaki ang mata niya. xD "I'm sorry. Nagulat lang ako. Bakit? I mean, why?"

Umiling-iling siya tapos nag-smile ng pagkatamis -tamis . "just want to say your name."

SINONG KINIKILIG? AKO! AKO! Mamaya magpapasalamat talaga ako sa mga magulang ko na binigyan nila ako ng napakaswerteng pangalan.

Binigyan ko lang siya ng pa-cute na smile kasi hindi ko talaga alam kong anong isasagot ko dun. Hanap na lang ako ng bagong topic. :D

"anong lahi mo?"

"what?" ay, gaga! Anong tanong naman daw yun? Anong kausap ko, aso? Tch! Baka lang kasi pwedeng magpalahi. Hahaha

"I mean, what's your nationality? You know, you don't look like a Filipino."

"oh. Yea. I'm a half Australian, half Korean." Aww. What a good combination! :D

" I see. Then, why are you here, in the Philippines?"

"vacation."

"oh, okay." Pahinga muna. Duguan na ko e. "So, how long have you been here?"

"just a couple of months."

"really? So, I guess, kung magsasalita ako ng ganito, maiintindihan mo na ko?"

Natawa siya ng konti. "oo naman." Hahaha. O-ow nehmen.

Nagkwentuhan lang kami. Simpleng kwentuhan para sa kanya, landi para sakin. :D

Hanggang sa dumating na ang shuttle –sasakyan ko pauwi. Bakit ka agad dumating?! Bakit kung kailan ko kailangan ng traffic saka naman wala? >.<

"pano ba yan? Mauna na ko sayo." Meron pa daw kasi siyang hinihintay. Tatanungin ko sana kung sino kaya lang dumating na tong- Aargh! Naiinis talaga ko!

"yea, sure. Take care. And, uhm, it's nice meeting you."

"same here." Papasok na sana ako nang bigla akong may maalala. "Hey!" tumingin naman siya sakin. "ano nga palang pangalan mo?"

"Max. My name is Max."

Apat na araw ng nagtatagpo ang landas naming dalawa. Pag napunta ako dito, andito din siya. Call it, destiny! :D

Pero nakakabanas e! May nananadya! Noong mga panahong bagot na bagot ako sa paghihintay ng masasakyan, ang TAAAAGAAAAL dumating. Ngayong enjoy na enjoy ako, isang kisap-mata lang, andiyan na. Di ba?! Unpeyr!

Pero wala siya ngayon. Hmm? Bakit kaya?

Naupo ako sa dati kong inuupuan. Nakakalungkot naman! Eee! Dapat kasi talaga kinuha ko yung number niya e! Hala! Pano kung umuwi na pala siya sa bansa nila? OH NO! Hindi maaari!

"Candy?" nagsitindigan lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang familiar na boses na yun. Agad akong lumingon ako sa kanya, may dalawang puso sa mga mata ko. Pero agad din namang nawala nang makita ko ang babae sa tabi niya. Dahan-dahan kong binaba ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak.

Spell O-U-C-H.

"Candy, I want you to meet my girlfriend, Gwen."

"girlfriend. . ugh, right. Hi. Nice to meet you." Nagshake-hands kami. Grabe. ANG LAMBOT NG KAMAY NIYA at ANG GANDA-GANDA NIYA. Mukha din siyang foreigner. Ang puti pa. Sabagay, 7.50 na lang kasi ang Ariel. :D

May mga sinasabi si Max pero wala akong ibang maisagot kundi fake na smile.

Nasan ka na shuttle?! Ngayon kita kailangan?! Pisti! Waa! Bakit ang harsh ng life?!

Akala ko pa naman meant-to-be kami kasi parehong kinakain ang pangalan namin. Meant-to-be nga.. meant-to-be friends nga lang.

Hayy. May mas papait pa ba sa nararamdaman ko? Pahingi nga ng kendi.

3 weeks na ang nakakalipas mula nang huli kaming magkita. Bumalik na sila sa planeta nila at iniwan akong wasak.

Hawak-hawak ko ngayon ang kending binigay niya sakin nun. Hayy. Nakakalungkot na nakakainis! Binalik ko ito sa bulsa ko pero imbes na pumasok, nalaglag siya sa sahig.

Pupulutin ko na sana kung hindi lang ako inunahan ng isang kamay.

Napatingin ako sa katabi ko –isang lalaking foreignish ang itsura, grayish-blue ang mata, matangos ang ilong, merong kissable lips, brown na buhok at maporma. Sa madaling sabi, YUMMINESS OVERLOAD!

"here." Binigay niya sakin yung kendi. Kinuha ko naman.

"ugh, thanks." Nginitian ko siya. Nginitian niya din ako. Ang pogi! :3

"no problem." May accent din! Another call-center agent? xD "may I know your name?" Waa! British accent!

"I'm Candy."

"Candy? What a sweet name!" Oy, same reaction! Feeling ko mabo-broken hearted din ako dito. -_- Buti pa unahan ko na.

"where's your girlfriend?"

"huh?"

"you have a girlfriend, right? Where is she?"

Umiling-iling siya. "I don't have a girlfriend."

"really?"

"yea, I swear."

Nagkwentuhan lang kami. Hanggang sa dumating na yung sasakyan ko pauwi. Nagpaalam kami sa isa't isa at pagkatapos, pumasok na ko sa loob ng shuttle. Paalis na sana kami nang may maalala ako.

Binuksan ko ang pinto at tinawag siya.

"excuse me? I forgot to ask your name."

Natawa siya sakin pero sinagot niya din naman.

"Dave. Dave Halls."

Halls?

Anak ng kendi!

�'�[�K�

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Kendi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon