•Sa Ibang Mundo•

48 7 0
                                    

A/N : HAHAHA 2nd na one-shot ko na to. ^•^ /le party/ Maraming salamat sa pagbabasa ng mga one-shot ko. (Kung may nagbabasa man) XD Matagal ko na tong naggawa. Assignment namin to sa Filipino. XD Hope you  enjoy! Please follow and Vote~ No To Plagiarism!

--+--

May mga bagay talaga sa mundo na pwede , hindi naman tama. Pero may mga bagay din na tama, hindi naman pwede. May mga bagay na kahit napapasaya ka ay kailangan mong iwasan. may mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang mahihirapan at magdudusa. Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan sa huli , ikaw rin ang masasaktan.

                              ---Unknown

Una..

Sa isang gilid ako ng katedral nakaupo , nagmamasid sa mga tao. Mababakas mo sa kanilang mukha ang kasiyahan dahil kapiyestahan ng aming barangay . Bagamat masaya sila , dama ko pa rin ang kalungkutan. Isa akong may kapansan sa mata. Ang isa kong mata ay nabulag bunga ng aksidente na kinasangkutan ko noong bata pa ako.

Tampulan ako ng tukso dahil sa itsura ng mata ko. Tinatawag ako sa kung ano-anong bansag  gaya ng pirata, kirat at kung ano-anu pa. Bilang tao hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng sakit. Masakit sa kalooban na pagtawanan ka ng tao sa paligid mo.

Natigil ako sa pagmamasid ng mga tao ng may tumabi sa akin. Isang lalaki na may maamong mukha. At sa tingin ko ay kaedad ko lamang. Napansin niyang tinititigan ko siya , kaya lumingon siya sa akin.

Nginitian niya ako. Sa buong bahay ko ngayon lang may ngumiti sa akin ng totoo , gaya ng mga ngiti niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan , bumilis ang tibok ng puso ko.


Samantala , pagkatapos non naging magkaibigan kami . Lagi kaming nagkwekwentuhan ng mga bagay na tungkol sa amin. Nalaman ko na masaya ako kapag kasana ko siya. Na tanggap niya ako sa kung ano ako. Nadiskubre ko na hindi na pala malungkot ang mundo ko kapag masama ko siya.

Hindi ko napansin na nahulog na pala ako sa kanya. Masakit man sabihin pero ayokong umasa sa mga ginagawa niya para sa akin . Iniisip kong na-aawa lang siya sa akin kaya niya ako nilalapitan . Natatakot akong masaktan .Natatakot akong umasa na mahalin niya din ako.


Sa Ibang Mundo (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon