Chapter I

9 0 0
                                    

"Zoella, baka may nakakalimutan ka pang gamit hah, itext mo agad sa'kin," tanong ni Dad habang binababa ang mga gamit ko galing sa likod ng aming minivan.

Tinitigan ko ang ancestral house na nasa tapat namin. "Opo Dad, I'll call you."

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng aming minivan.

"Sigurado ka bang kaya mong tumira sa bahay ng mama mo mag-isa?" Ramdam ko sa boses ni Dad ang pag-aalala. Hindi siya sanay na malayo ako sa kanya. But because of my work, kailangan kong maging independent. Pinatawag kasi ako ng isang university para maging speaker at observer sa bayan nila. Isa kasi akong biologist sa isang research facility sa California, USA.

So travelling the whole world is not new to me.

Maliban na lang kay Dad. Lagi siyang nag – aalala tuwing paalis ako.

Gustuhin man n'ya na sumama sa'kin, wala namang magbabantay ng business at bahay namin sa Manila.

"Yes, Dad. Don't worry, I'm going to be fine." I replied calmly. "Great, actually."

Tumaas ang kabilang kilay ni Dad, "Oh? Great talaga? Anak sinasabi ko sa iyo, hindi ibig sabihin na solo ka lagi at walang magbabantay sa iyo, makakapagparty ka na magdamag ha. Wag ka pati makikipagdate kung kani-kanino..."

"No! Of course not Dad! It's not what you think!"

Napahinga naman ng maluwag si Dad.

I can't help but giggle. I'm twenty-one years old but my father still treats me like I'm just a twelve years old kid, "Dad, kahit magiging independent na ako, syempre hinding hindi ko makakalimutan yung mga pangaral mo sa'kin. In fact, I'll miss you so much Dad."

I hugged him tightly. I noticed that he's holding back his tears.

"Kauuwi mo lang galing US tapos paalis ka kaagad para mag-observe sa Quezon, anak baka naiiistress ka na sa trabaho mo?"

"Nope, I love my job Dad."

Napansin kong pareho naming tinititigan ang bahay.

"Anak, sigurado ka bang sa ancestral house ka ng mama mo tutuloy?" pagtatakang tanong ni Dad.

Kumunot naman ang noo ko, "Yes Dad, What's wrong?"

"Wala naman. Baka kasi wala pang isang gabi magrereklamo ka na puro multo diyan hah!" We laughed.

"Ayos lang Dad."

"Ang alam ko bata ka pa lang takot na takot ka na sa multo eh."

"Basta si Mama ang magmumulto sa'kin."

Silence. I miss my Mom so much. Too much.

Nabasag ang katahimikan ng biglang bumukas ang ancestral house at lumabas ang isang matandang babae na nasa 60 – 65 na ang edad. Nakaduster na brown at nakapuyod ang mahaba niyang buhok. Napansin ko naman na sa direksyon namin s'ya papunta. Siya ata ang caretaker ng bahay ni Mama.

"Magandang umaga po lola!" pagbati ni Dad sa matandang babae.

Tumayo s'ya sa harap namin at ngumiti habang kinikilala ang aming mukha, "Magandang umaga rin naman sa inyo. Hija, ikaw ba si Zoella?"

Ngumiti ako, "Opo Lola."

"Ako nga pala si Lola Maxima. Ako ang tagapag-alaga ng bahay na ito. Isang linggo na noong malaman ko na ikaw ang magmamana ng bahay at lupa. Ako rin ang nag-alaga sa Mama mo noong bata pa siya." Nahalata ko sa kilos ni Lola ang pagiging mabait at mahinahon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Undead Memories of Zoella BertramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon