Prologue

22 2 0
                                    

Maraming nagkakasiyahan sa mansyon,maraming dalagang nagagandahan ang kasuotan,makikita dito ang mga bisitang babae na nakasuot ng maganda't mahahabang gown ,nagtataasan at makikinang na sapin sa paa,mga alahas na puro ginto/dyamante/perlas,mga nagiba't ibang palamuti ng sumbrero at sympre mga mukhang pang modelo. Ganun din sa mga maGiginoo. Iba't ibang pang pormal na kasuotan ang makikita mo sa kanila na nagpatingkad ng kanikanilang kakisigan.

Sa kabilang banda meron sasalubong sa kanilang nagkikislapang mga ilaw,engrandeng hagdan na napakataas at napakalaki na mistulang yari sa ginto at sa gitna ng mansyon ay ang tunay na gintong fountain meron ding mga sinaunang koleksyon tulad ng armoured military na kulay ginto rin at mga painting na gawa ng mga sikat na pintor sa buong bansa,mga bulaklak na nagpadagdag sa ganda ng mala gintong mansyon.

Maraming bisita ang dadalo dito sa gintong mansyon na ito mga hari't reyna,prinsesa't prinsepe,mga mayayamang businessman,mga sikat na artista sa iba't ibang bansa,mga presidente/bise/at mga katawan nito maging mga anak ay kasama mga magagaling sa larangan ng sports/medicina/at iba pa.basta may kaya at kilala sa lipunan ay dadalo dito.

Dito sa mansyon na kulay ginto magaganap ang pinaka-maganda at pinakakaabangang pagtitipon-tipon ng mga kilalang tao sa buong mundo. Isa itong selebrasyon ng isang "Royal family" magaganap dito ang pinakahihintay ng maraming tao,ang pagpapakilala sa madla kung ano at sino ang nakatalaga'ng susunod sa trono ng hari at tagapagmana ng lahat ng responsibilidad na ginagampanan ngayon ng hari.


"Geustavo,tignan mo naman ang ating mga bisita at kaibigan sa baba. Hindi maipagkakait ang kagalakan at kasabikan sa mga mukha nila."

"Ha..ha..ha..Oo nga,tama ka jan minamahal kong asawa hindi ko nga maitatanggi ang kanilang kasabikan dahil maski ako ay nanabik din at hindi na makapaghintay naipakilala sa kanila ang ating anak. Maghintay pa tayo ng ilang saglit at siguradong makikita na at masisilayan na rin sawakas ang ating anak, Halika na Alessandreah mahal ko bumaba na tayo ng makisalamuha na rin tayo sa ibang bisita."- Geustavo

Masaya'ng naguusap ang mag-asawa'ng DEVENCHE sa itaas ng kanilang mataas at mahabang hagdan. Makikita mo sakanila ang pananabik sa magaganap naselebrasyon.

Si Hari GEUSTAVO DEVIENCHE ay isang marangal,matulungin,mapagkumbaba,matalino,gwapong hari ng bansang fransya. Lingid sa kaalaman ng nakakarami sya ay dating punong heneral ng militar ng bansang america at marami ding mas mababa pang posisyon o trabaho syang naging nuong hindi pa sya hari ng fransya isa na nga dito ay ang pagiging alila ng mga kastila,naging tagapaggamot,manunulat,enhenyero,guro,at marami pang iba. Lahat ng hirap diranas nya,lahat ng masasalimuot na pangyayari pinagdaanan rin. At ito ay isa sa nakasanayan ng kanilang angkan na "lahat ng hirap dapat ranasin at ng sa huli ginhawa ang naghihintay" upang maging magaling na hari duon sya natutuo sa pamamalakad ng dating hari kaya ngayon sya na ang hari at sya na ang asawa ng napakaganda at mabuting anak ng dating hari ng ibang palasyo,kaya ang karapatdapat na hari ay gumaya rin sa kanya.

Si Reyna ALESSANDREA THEA DEVIENCHE ang reyna ngayon ng fransya. Asawa ng mabuting hari na si geustavo,sya ay dating bunsong anak ng hari din ng ibang palasyo. Mabuting dalaga,matulungin,mapagbigay,masiyahin,mapagmahal,masunurin, maganda at sympre ang magiisang babae na nagpatibok sa matapat na hari.


"Grabe! Nanliliit ako sa kagandahan ng mansyon na ito. Akala ko bay simpleng mansyon lamang ang dadalohan natin? Ngunit mukhang hindi basta basta ang bahay na ito. Puro ginto ang nakikita ko.iba na talaga ang hari isa lang to sa kanyang munting bahay" -panauhing lalake

"Oo tama ka jan! Pati yata kubyertos puro'ng puro'ng ginto! "-panauhing2

"Karangyaan ang namumukud tangi sa mansyon! Napakaganda!"-panauhin 3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Castle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon