Nahihiya pa si Barbie Forteza nang makita namin ang kanyang mamahaling tsinelas na Louis Vuitton sa taping ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa sa Tagaytay noong Miyerkules, January 16.
Ayaw pa nga nitong pag-usapan noong una dahil baka raw isipin naming masyado siyang maluho.
Pero ayon kay Barbie, mahilig daw talaga siya sa tsinelas kesa sa bag, na siyang hilig naman ng ibang babae.
Matagal din daw niyang pinag-isipan kung bibili nga siya ng LV na tsinelas na nagkakahalaga ng P25,000.
Kuwento ni Barbie, "Luna Blanca ko siya binili. Pero, pinagplanuhan ko talaga siya.
"Hindi siya yung love-at-first-sight na antimano, gusto ko na agad.
"Sabi ko, 'di ba Ma, parang deserve ko naman ang something?'
"Tapos sabi niya, 'sige, ano ba ang gusto mo?' Tapos, nagbigay lang siya ng limit."
Dose anyos pa lang si Barbie noong nagsimula siya sa showbiz.
Kinse anyos na siya ngayon. Pero sa edad niya, nakapagpundar na siya ng condo niya at sasakyan.
Pero para kay Barbie, pangatlo pa lang daw na biggest expense niya ang LV na tsinelas.
Sa isang banda, naka-outfit na tila Little Red Riding Hood si Barbie nang datnan namin sa set nila sa Tagyatay at hanggang sa ini-interview na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press din.
Buong akala ng lahat, costume ni Barbie sa Paroa ang red hood niya.
Yun pala, niregalo lang daw sa kanya yun ng designer niya sa show na si Steve Salvador.
Ngayon kasi, napapanood na siya bilang Prinsesa ng Gamoa.
Ayon kay Barbie, "Abangan po na magbabalik Paroa na si Prinsesa Ira.
"Abangan din po ninyo kung paano mangyayari yun at kung bakit. At kung magkikita ba si Iñigo at si Mariposa."
Si Iñigo naman ay gagampanan ni Derrick Monasterio.
New loveteam?
Sa ngayon, marami na ang nakakapansin sa closeness at sweetness nilang dalawa ni Derrick.
Nang makausap din ng PEP si Derrick, naikuwento nito na kapag wala silang taping, madalas ay nagpupunta sila sa bahay ng isa’t-isa.
Nagluluto o nagbi-bake raw sila.
Hindi naman ito itinanggi ni Barbie.
Ayon kay Barbie, "Nagluto kami ng lasagna kasi sa kanila, may oven. Sa amin, wala.
"At saka, gusto ko rin magluto ng lasagna. Yung huli, carbonara naman... sa bahay ko naman."
Sila na bang dalawa?
"No," mabilis na tanggi naman niya.
Pero siya na rin ang nagsabi na, "Siyempre kayo, iisipin niyo, kami na, di ba?"
Sinang-ayunan naman namin siya lalo na nga at sabi namin sa kanya, nakikita naman sa mga Twittter post at Instagram post niya na madalas sila ni Derrick ang nag-uusap.
Katuwiran naman ni Barbie, "Siyempre, kami kasi ang palaging magkasama kaya wala akong ibang mai-post," natatawa niyang sabi.
Kung titingnan silang magkasama ni Derrick, mukhang masaya sila sa isa't-isa.
Where's Joshua?
Kaya diretso namin siyang tinanong na mukhang wala na si Joshua Dionisio, ang orihinal na ka-loveteam niya, sa sistema niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5262146-288-kb9e37b.jpg)