Kinaumagahan nagising si Autumn dahil sa kasakitan ng kanyang ulo. Hindi nga niya namalayan na nakatulog pala siya sa balikat ng pinsan at umiiyak duon. She sighed.
Napansin niya din na nasa kama na pala siya, siguro si Sky ang naghatid sa kanya. Tumayo siya at agad na tumingin sa salamin. Namamaga ang kanyang mga mata at tilang lumaki yata ang eyebugs niya.
Naligo na muna siya bago bumaba. Sa ibaba naman ay anduon sina Sky at Sop na nagluluto ng almusal. Tulog pa kasi ang dalawa dahil sa kanila ipinabuhat si Autumn. Magaling na rin ang balakang ni Gian dahil sa tulong ng mga naimbentong gamot ni Sop pero ang promblema ay parang hindi yata gumagana kay Sop ang gamot.
"Masakit parin ba ang balakang mo ? " nag-aalalang tanong ni Sky sa kanya.
"Konti na lang. Kaya ko pa naman. " pagsisinungaling niya. Ang totoo ay parang gusto na niyang mamatay dahil sa sakit ng kanyang balakang para na nga rin siyang lola eh.
"You cant lie to me.. " nakangising sinabi ni Sky kay Sop. Napalabi naman kagad si Sop.
"Oo na lang. " napilitang sinabi niya.
Hindi nila napansin ang presensya ng kakababang babae sa hagdanan. Tumikhim ito para maagaw ang pansin ng dalawa. Agad naman silang napatingin sa likod at napangiti.
"Gising ka na pala. Sandali lang at maluluto na ang almusal. " sabi ni Sjy at ipinagpatuloy ang pagluluto.
Umupo naman si Autumn sa sofa at nanood ng palabas. Dahan dahang lumapit sa kanya si Sop pagkatapos ay umupo sa tabi niya ng dahn dahan. Napalabi siya ng hindi siya pansinin ni Autumn.
"Lyyn.. Hindi parin gumagaling. " nakalabing sabi niya. Saglit siyang tinignan ni Autumn at bumalik na lang util ang paningin sa pinanonood.
"It's not ny fault, bumili ka na lang ng gamot o kaya ipamasahe mo sa mga maids natin. " cold na sabi nito.
"Aish.. Sige na nga. " sabi nito at tumayo ng dahan dahan sapo ang balakang nito.
Tuwing umaga ay hindi nagluluto ang mga maid dahil na rin sa ipinag utos ni Autumn na kailangan sila ang magluluto at hindi ang mga kasambahay.
Bumaba naman sila Gian at Elo na halatang kakagising lamang. Ang lalaki ng mga eyebugs ng mga ito habang pababa.
Napatingin naman duon si Autumn at napalaki ang mga mata. "Anong nangyare sa inyo ? " takang tanong niya. Nagkatitigan naman ang dalawa at sabay na umiling.
Tila naconfuse naman si Autumn at hindi na lang pinansin ang dalawa. Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa at parang nabunutan na ng tinik.
Kaya sila nagkaganyan ay dahil sa pagbubuhat kay Autumn medyo mabigat kasi si Autumn dahil sa katangkaran na rin nito. Medo sumakit pa nga ang balakang ni Gian dahil sa kanya eh. Inabot na sila ng umaga nung mailipat na nila si Autumn sa kama kaya late na sila natulog.
"Aish.. May bibilhin lang pala ako. " sabi ni Sky at nagpaalam kay Autumn. Agad itong lumabas ng mansyon at naghanap ng mabibilhan ng coffee. Oo. Coffee ang kulang nila. Kailangan kasi nila iyun para na rin sa pag taas ng mga energy nila.
Walang lasa kasi siya magtimpla at parang hindi na kape ang itsura nito. Agad niyang nakita ang isang coffee shop kaya pumasok siya duon at nag order ng limang white coffee.
Umupo siya sa isang mesa at tumingin sa bintana. Pinagmamasdan niya ang paligid ni hindi nga niya alam na marami na pala ang nakatingin o nakatuon sa kanya ang pansin dahil na rin sa kagandahan nito at kakinisan. Nakalimutan niyang magpalit dahil short ang pangibaba niya.
Naramdaman niya na may isang kakaiba ang titig sa kanya kaya agad niya hinanap iyun at duon nakita niya ang isang mala adonis ang lalaki. Matangkad, Sobrang gwapo, Maputi at halata mong masculado yung tama lang. Ngumiti sa kanya ang lalaki pero inirapan niya lang ito.
Halatang playboy. Sa isip isip ni Sky.
Naramdaman niyang umupo ang lalaki sa harapan niya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Who told you na pwede kang umupo diyan ? " masungit na pahayag niya.
"Me. " tilang nang aasar na sabi ng lalaki.
Tinignan niya itong ng malamig. "Whatever. " wala na siyang nagawa dahil alam niyang walang mapupuntahan ang pagrereklamo niya.
"Im Kiefer Carlos Dela Vega, Single and ready to mingle. " sabay kindat sa kanya ng lalaki.
Lumaki naman ang butas ng ilong niya at inirapan niya ito. Kaazar.
"Binibini, maari ko bang malaman ang iyong panglan ? " tanong ng lalaki.
Hindi niya ito pinansin. Ang tagal naman yata ng kape.
"Binibing kay ganda, bakit mo ako'y iniiwasan ? Ako'y guwapo naman at higit sa lahat ay gentleman. " pagbubuhat ng sariling bangko ng lalaki.
"Ang hangin mo.. " tangin na sabi niya.
"Gwapo lang talaga ako. " nakangising sabi ng lalaki.
"Hindi. Mahangin ka to the point na kailangan ko mo ng umalis. " sabay irap dito.
"Alam mo Miss, para kang si kupido. " sabi ni Kiefer.
"Bakit ? Dahil pinana ko ang puso mo ? Lumang style na yan. " sabi niya sabay irap ulit.
"Eh.. Eto para kang tsinelas. " sabi ni Kiefer at ngumiti ng nakakaloko.
"Bakit ? Dahil ipananampal ko sa'yo ang tsinelas ? " nakataas na kilay na sabi niya.
"Hindi. Dahil parehas tayong bagay. " nakangising sabi ng lalaki.
Walang kwentang magpick up line. Sa isip isip ni Sky.
"Alam mo para kang unggoy.. " nakangiting sinabi ni Sky.
"Bakit ? " nakangising sabi ni Kiefer na akala mo ay nagtagumpay na.
"Kamuhka mo kasi. " sabi niya sabay alis.
Kinuha niya na ang kape at nagbayad agad siyang umalis sa coffee shop na iyun. Kaimbyerna at may nakausap pa siyang halimaw.
Napangiti rin naman kagad siya ng maalala ang muhka ng lalaki. Priceless.
Sa coffee shop naman ay hindi makapaniwala si Kiefer sa sinabi ng babae. Sa muhkang niyang niyan ? Sasabihan siya na unggoy ? Malabo yata ang mata ng babaeng iyun.
Napailing naman siya at inalala ang muhka ni Sky. Maganda siya, Maputi, Makinis at higit sa lahat Sexy. She's a beauty of a goddess na kailangang ng magmamahal sa kanya. I hope I see her next time. Sa isip isip nito habang paalis na sa coffee shop na iyun. Babalik siya duon para makita ulit ang babae. Sana.
Antipatiko ! Mayabang ! Hindi naman kgwapuhan ! Playboy at higit sa lahat makulit. Nasabi ko na rin ba ang MAYABANG ?! Kay pangeeet ng muhka ! Akala niya nagwagwapuhan ako sa kanya ! Eh mas gusto ko po nga yung damit niya kesa sa muhka niya.
Ang sarap niyang tirisiiin. Sana hindi na kami magkita muli. Nakakaasar. Sa isip isip naman ni Sky.Next Chapteeer...
BINABASA MO ANG
Heartless Monster
ActionShe's Fearless She's The Strongest of them all She's Heartless She's a Monster That's why they call her a Heartless Monster Cast: Hyuna-Autumn Jiyoon-Sky Ji Hyun-Elo Gayoon-Gian Sohyun-Sop