I am Baby Jane Caris Sy. My story will begin during my 4th year in college. So for you to know me more, ikukwento ko muna yung bago ako nag-4th year college. Here it is.
Nag-iisa akong anak nina Ricardo Pacis Sy at Genila Caris Sy. Sinungaling ako kung sasabihin kong mahirap lang kami. Pero hindi naman kami ganoon kayaman. Kumbaga mas nakakaangat lang kami. Ipinanganak ako na ang bahay namin ay isang gawa lamang sa kawayan. At dahil sa hirap ng buhay ay lumipat kami ng tinutuluyan sa mga magulang ng tatay ko.
Hindi mayaman ang pamilyang pinanggalingan ng tatay ko. Malapit sa kategoryang "isang kahig isang tuka". Di gaya ng pamilyang pinaggalingan ng nanay ko na may kaya. At dahil sa hirap ng buhay namin noon. Taong 1995 magtatatlong taong gulang palang ako ay nagpasyang mangibang bansa ang nanay ko.
Lumaki ako sa poder ng tatay ko, kasama ang isang kapatid niyang lalaki anak at asawa, mga pinsan ko sa kapatid niyang babae, at lolo at lola ko. Kumbaga extended family ang lagay namin doon sa bahay ng lolo at lola ko.
Ngunit dahil nga sa nangibang bansa ang nanay ko ay gumaan ang buhay namin. Hindi ako kinulang sa laruan, damit, o pagkain. Pero hindi rin naman sumobra, tama lang. At dahil nga nasa baryo kami teknolohiya ang matagal naming nakilala.
Kinder ako noon ay sinasamahan ako ng inang ko (lola) sa paaralan sa centro hanggang sa nagpatayo kami ng bahay sa centro noong nasa grade 1 na ako.
Grade 4 ako noong may ipakilala sakin ang tatay ko na babae. Ang pagpapakilala niya noon kaibigan niya yung babae. Bata pa ako noon para maintindihan ang mga bagay-bagay. Bigyan mo lang ako ng candy mapapaamo mona ako. Hanggang sa naging malapit ako sa babae. Si ate Tep-tep. Marami siyang inintroduce sakin na mga bagay isa na don ang paggamit ng cellphone. Matalino siya. At dahil nga nasa ibang bansa ang nanay ko siya ang nagturo sakin lalo na sa English.
Dumaan ang mga taon at napagtanto kong mali ang kanilang relasyon. Hanggat sa isang gabi noong grade 6 ako ay may pinag-awayan kami at sinumbong ko lahat sa nanay ko. Simula noon di na siya bumalik sa bahay.
High School naman ako noong may baging babae na naman ang tatay ko si ate Lei. Mabait din. At hanggang ngayon sila parin. May mga ugali lang siyang ayaw ko pero dahil sa tatay ko hinahayaan ko nalang.
1st year hihhschool ako noong una akong boyfriend. 1st year college naman si Toper. Masasabing wala lang yun kasi nga bata bata pa ako.
2nd year highschool ako noong nagkaboyfriend ako ulit. Fil-am pero dito siya lumaki. And siyempre pareho pa kaming bata kaya kilig na kilig ako. Siya kasi yung first love ko although hindi siya yung 1st boyfriend ko. Si Marky.
Pagkatapos niya marami pa akong naging boyfriend na hindi masasabing boyfriend mga FLING lang. Summer noon bago ako mag 4th year highschool nawala ang virginity ko. Diko pinagsisihan. Ewan siguro kasi masasabi kong modern na ang henerasyong kinabibilangan ko.
Hanggang sa noong 4th year highschool na ako naging kami ni Irvin. Marami kaming pinagdaanan. Mgamagulang ko na ayaw sakanya at kapatid niya na ayaw sakin. Pero nanatiling kami. Mahal na mahal namin ang isa't-isa kahit against all odds ang drama ng relasyon namin.
Noong magco-college na ako, biglang lumipat ng Manila si Irvin. May humahabol sakanyang babae na pinapa-ako sakanya ang pinagbubuntis nito. Nasaktan ako, oo. Hanggang sa naging malabo ang lahat. Nawalan kami ng communication. At dahil sa siyudad na ako nag-aral ng kolehiyo, natuto akong uminom at manigarilyo. Pero ang pag-aaral ko diko naman napabayaan.
Dumating ang 18th birthday ko kung saan naging okay ang lahat sa amin ni Irvin. Sa parents ko, sa pamilya niya. Pero kung kelan naman okay na ang lahat sa mga sides namin saka siya nagloko na naman. Nabuntis niy yung classmate ng kapatid niya.
I became so vulnerable, i slept with all the boys i want. Honestly from my 2ndyear in college up to my 3rd year, i slept with 26 different guys. Pero hindi naman sabaysabay. Thise 26 i never commit myself to them although some of them are so willing at kulang nalang ialay ang lahat para maging girlfriend nila ako. Pero wala. Ayaw ko.
3rd year college ako noong naglie-low ako sa night life gimiks at mga lalaki sa buhay ko. At sa kalagitnaan ng school year siya naman pgdating ni Saldi sa buhay ko. Kapitbahay namin siya sa hometown ko kaya kilala ko siya. Naging kami halos isang taon din pero hindi ko siya minahal ng ganoon. Dahil up to that moment, mayroon pa ring epekto sa puso ko si Irvin. Naghiwalay kami noong malaman kong may girlfriend pala siyang iba at mas nauna sakin.
Simula noong magcollege ako ay sa bahay na ako ng tita ko tumutuloy , asawa siya ng kapatid ng nanay ko. Si nanay nagbibigay ng allowance ko. At pag weekends umuuwi ako sa bahay. Malayo ang loob ko sa nanay ko. Siguro dahil nga di ako lumaki kasama siya. Pero hindi lang iyon, may ugali siyang ayaw ko. Mapanumbat, lahat ata ng ibibigay niya isusumbat niya maski piso. Materialistic, mahalaga para sakanya ang mga bagay at kung nasira mo, dibale ng kayo ang magkasira. Mabunganga, paulit-ulit na salita. Mapagbintang. Pero sa kabila ng lahat, mahal daw niya ako, pero sa totoo lang, alam ng Diyos hindi ko ramdam iyon. May pagkakataong gigipitin niya ako sa tuition para lang gawin ko ang gusto niya kahit labag sa loob ko. Ang gusto niya lahat ng ibibigay niya may kapalit at pabor iyon sakanya. Pati pagpapa-aral niya sa akin utang na loob ko sakanya. Oo naman utang ko sakanya lahat pati buhay ko pero sana nisip niyang responsibilidad niya bilang magulang ang pag-aralin ako. Pero hinahayaan ko lang dahil nga ina ko parin siya.
Yung tatay ko simula noong magcollege ako ay todo ang suporta, kahit hindi siya nakapagbibigay ng sapat na pera tulad ng nanay ko sa akin ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ako. Maliit lang ang sweldo niya kumpara sa nanay ko. Pero kahit ganoon, kakainin nalang niya, ibibigay pa niya sa akin. Ganoon siya. kaya mahal na mahal ko ang tatay ko. Noong lumalaki ako at nagdadalaga anjan siya para bumili ng napkin ko. Noong mga panahon na kalakasan kong mapariwara t umuuwi ng lasing anjan siya para kausapin, pagsabihan at intindihin ako. Noong mga panahong masaya ako, masaya din siya para sa akin. Hindi man niya ako mabigyan ng malaking pera tulad ng nanay ko, kaya naman niyang ibigay ang lahat niya maging masaya lang ako. Kaya siguro hindi nakakapagtakang mas malapit ang loob ko sakanya. At hindi ko masisisi ang tatay kong maghanao ng iba dahil nga sa ayaw nang tumigil ng nanay ko sa pangingibang-bansa. May pangangailangan ang tatay ko kaya naiintindihan ko kahit mali.
DISCLAIMER: Anything that are similar to the details (e.g. name, places, instituti coincidental. ons, etc.) are merely coincidental.
BINABASA MO ANG
Heart And Soul
RomanceThis is a real life story about a girl who fell in love with a married man. RATED SPG DISCLAIMER: All names and places were changed. Anything that are similar to the names and places here are merely coincidental.