Plok! Plok! Plok!
Umuulan na naman. Bakit sa tuwing pumupunta ako sa lugar na 'to, lagi nalang sumasabay ang panahon sa aking nararamdaman?
Parang kasing-bigat ng aking nararamdaman ang buhos ng ulan.
Yung ibang tao, nagsisitakbuhan na upang makahanap ng masisilungan. Yung iba naman, mahina lang na naglalakad dahil meron silang dalang payong bilang sukob sa umiiyak na kalangitan.
Wala akong dalang payong o kahit ano mang pwede kong gamitin bilang panangga sa ulan. Imbis na magmadali, ewan ko ba pero parang ayaw umalis ng sarili kong paa kung nasaan man ako ngayon.
Yung ibang tao, pinagtitinginan na ako. Siguro naisip nilang nababaliw na ata ako dahil sa ginagawa ko.
Ayaw kong umalis sa lugar na 'to..
Dahil dito lamang nabubuhay ang alaala na di ko pilit malimutan.
Naaalala ko pa kung paano nagkatagpo ang landas natin sa lugar na ito. Sa ilalim ng punong ito.
Galit na galit ka noon at walang humpay na sinusuntok ang katawan ng punong ito. Di pa tayo magkakilala noon. Siguro, nasasalubong na natin ang isa't isa pero di lang natin napapansin dahil sa dami ng taong araw-araw nating nakakasama. Tawa ako ng tawa habang pinagmamasdan kita sa malayo. Baliw ka kasi. Pilit mong sinusuntok ang puno, eh. Ikaw lang naman ang masasaktan.
Araw-araw kitang nakikita sa ilalim ng punong ito. Napansin kong lagi ka nalang mag-isa at laging malungkot ang iyong mga mata.
"Uy Joy, crush mo ba yang si Kevin?",minsang tanong saakin ng malapit kong kaibigan.
Marahil madalas nyang napapansin na nakatingin ako sa direksyon mo. Tawa at iling lang ang sagot ko sa kanya. Doon ko lamang nalaman na Kevin pala ang pangalan mo.
Isang araw, napadaan ako sa puno kung saan kita madalas makita.
Uwian na noon. Meron pa naman konting estudyante sa claasroom pero pauwi na din sila.
Nakita kitang nakaupo at hawak ang iyong gitara.
Naalala ko pa nga ang tinugtog mo noon.
"I won't give up on us" ni Jason Mraz.
Ang lungkot ng kanta.. kasing-lungkot ng 'yong mata.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote ko at nilapitan kita.
Wala lang. Para kasing..gusto kitang makilala.
Nagulat ka pa noon.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang, ang President ng Student Council ay siyang magkukusang lumapit sa isang ordinaryong estudyante.
Eh ano naman? Hindi ko rin naman alam kong bakit gusto kitang maging kaibigan. Nakipagkilala ako sa'yo. Ganoon ka rin..
Simula noong araw na 'yon. Ang lugar na madalas mong tambayan, naging tambayan ko na rin.
Ang madalas mong ginagawa, naging gawain ko na rin.
Ang mga hilig mo, naging hilig ko na rin.
Naging masaya tayo sa isa't isa. Ang mas ikinatuwa ko pa, yung makita kang nakatawa.
Ang cute. Parang anghel.
Tanda mo ba noong minsang nag-cutting classes tayo para lang magswiming? Hahaha.
Napagalitan ako noon kinabukasan.
Pero ayos lang.. ikaw naman ang kasama ko.
Naging malapit tayo sa isa't isa. Naging malapit na magkaibigan.
Sabi natin, forever bestfriends tayo.
Inukit pa nga natin ang pangalan natin sa punong ito.
At nagpromise na kahit anong mangyari, matalik na magkaibigan pa rin tayo.
Pero pasensya na. Hindi ko sinasadya..
Hindi ko naman inaasahan na magbabago pala ang nararamdaman ko sa'yo. Patawad.. hindi ko natupad yung pangako nating bestfriends forever.
Patawad. Nahulog ako.
Hindi ko sinasadya. Patawad talaga.
Kasalanan ko kung bakit ganito tayo.
Noong sinabi kong mahal kita,umiwas ka.
Lumayo ka.
Nasaktan ako. Oo.
Pero kasalanan ko naman di ba?
Sabi mo, hanggang kaibigan lang tayo.. sabi mo hindi pwedeng maging tayo..
Oo na. Alam ko kasi na may mahal kang iba.
Si Yna. Ang childhood friend ko..
Alam ko naman na sya talaga ang mahal mo di ba??
Noon, ako ang lagi mong kasama sa saya at lungkot..
Ngayon, nagbago na.
Napadaan ako sa punong madalas nating tambayan..
Nakita kita.. kasama mo sya.
Ang sakit.
Sobrang sakit na parang kumuha ako ng kutsilyo at isinaksak sa puso ko.
Dati, ako ang kasama mong tumawa.
Dati, kamay ko ang hawak mo.
Dati, sa akin mo sinasabi ang mga nangyari sa buong araw mo..
Dati, masaya tayong dalawa..
Kung sana hindi ko hinayaang mahulog ang sarili ko saiyo.
Kung sana hindi ikaw ang minahal ko.
Kung sana nilimitahan ko ang sarili ko..
Masaya pa rin sana tayo.
Kaso, nagbago na ang lahat eh.
Napakapasaway ng aking puso. Kung pwede lang diktahan ito na "wag nalang si Kevin." Kaso, wala eh. Kahit anong gawin ko, ikaw pa din ang tinitibok nito.
Ngayon, sapat na muna sa akin ang pagmasdan ka sa malayo..
Pero narito pa rin ang tanong ko kung kelan darating yung araw na ako naman ang mamahalin mo.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang kahilingan kong AKO NAMAN.