Byahe, Chapter 1: Lakad

101 0 0
                                    

Sabi nila marami na raw ang napagtripan habang naglalakad ng lasing lalo na't madaling araw. Wapakels na lamang kami rito. Ilang taon na din naming gawain 'to ni B. Holdap? Walang threat samin yan kasi hindi naman kami bigtime at madalas sakto pa pera namin. At nag aral rin ako ng self defense at si B naman ay mukhang kaya naman ako protektahan.


Kasama kami ni B sa isang malaking tropa ngunit bilang lamang ang masasabi naming tunay na kaibigan, ang hirap kaya maghanap nun. 
Mahilig kami manood ng banda ni B sa mga bar, kung ii-stereotype nyo kami eh kami ay rakista. Kasiyaha't libangang nakagawian namin. Masasabi kong si B ang partner in crime ko, kaso nga lang madalas kaming mapagkamalang magsyota dahil sa lagi kami magkasama at may kakaiba raw na bond samin. Hirit ko na lang tuwing may uzi na mang iintriga saming estado eh eto "sumapi ba ang kaluluwa ni boy abunda sayo? Bahala kayo ano gusto nyo isipin basta alam naman namin ni B kung ano nga ba kami."

Gusto naman namin ni B ang isa't isa ngunit ako lang ang may ayaw, ang dahilan ko: "napaka espesyal ni B at ayoko masakta't mabigo ko lang sya tulad ng ibang naging karelasyon nya", nasabi ko na rin yun sa kanya't naintindihan naman nya. Minsan ang hirap rin ng magbestfriend na babae't lalaki kasi pag nahulog ka madali lang pasukin ang relasyon ngunit mahirap tapusin dahil pagtapos nun eh ang pakiramdam ay ang awkward na ewan at di tulad dati eh baka hindi na rin kayo magkasundo at maging katapusan na rin ng pagkakaibigan nyo. Isang pangyayaring ayoko talaga mangyari samin ni B. Pero mahal ko si B, Hindi ko lang pinapakita. Kahit ilang ulit na nya sinabing mahal din nya ako. Takot ako, takot ako na mawala sya sa buhay ko.

Walang ligawan stage na nangyayari pero, gusto ng mga magulang ko si B na maging boypren ko. Kahit wala ding okasyon at ligawan hindi nawawala ang pagbibigay ni B sa akin ng mga regalo na kadalasan ay may kasamang mixtapes ng mga kantang paborito namin at kantang ginawa nya. Kung ihaharap mo sakin ang isang napakagwapong lalaki at si B at papipiliin mo ako sa kanila walang duda kay B pa din ako. Kahit hindi katangkaran, kagwapuhan, at minsan na pagkakamalang bading, si B para sakin ay ang aking dream boy. Oo maraming lalaki na pwede kong mahalin pero iba si B, dahil parehas kaming sawi sa pag ibig alam kong hindi nya ako isusuko't iiwan. 

Gustong gusto ko sulyapan sya ng hindi nya alam. Paano kaya pag naging kami ni B? Alam ko naman magiging iba ang lahat dahil hindi naman pareho ang magkaibigan at ang magka-ibigan. Kami kaya ang para sa isa't isa? Maraming tanong ang nasa isip ko pero tadhana't panahon lamang ang makakasagot. 

Eto kami ngayon naglalakad sa kasagsagan ng madaling araw sa isang highway... Hindi kami lasing, nakainom lang. Huminto sya't sinabing "A, may pabor sana akong hihingiin. Wag ka lang magagalit ha?" "sige, ano ba yun?" sabi ko. "eto" sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "okay lang ba?" tanong pa nya. "hawak mo na nga eh" sabi ko. "kala ko pa naman ano eh" dagdag ko pa. Nakangiti kami pareho, kinikilig. Huminto ako. Nagtanong sya kung bakit ako huminto sa paglakad. "para patas tayo may pabor din sana akong hihigiin, pramis hindi kalokohan to" sabi ko't tumango sya kahit hindi pa alam ang gagawin ko, napag isip isip ko panahon na para subukan namin maging mag-on. "eto" at sumunod ang mabilis na halik sa pisngi. Ngumiti sya't walang paalam na gumanti ng halik hindi nga lang sa pisngi kundi sa labi. Bumalik na kami sa paglalakad magkahawak kamay na sumasalubong sa pagsikat ng araw at sa bagong simula: ang pagtitinginan namin ni B. Parehas takot, ngunit matapang na proprotektahan ang isa't isa. Patuloy ang byahe ng buhay samin ni B, saan man kami dalhin ng relasyong ito. Hindi namin alam ang mga susunod na mangyayari, pero ngayon ang mahalaga lang samin ay kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Byahe, Chapter 1: LakadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon