Copyrights © Agelious 2015
SEE YOU AGAIN
[Violet Marbell's POV]
"Tsk..ano ba naman yan. 20 minutes break." Bulyaw ng instructor ko. Sapakin kita dyan eh. Sya si Charles, sya yung nagtuturo sa akin mag violin. EH anong gagawin ko sa wala akong potensyal mag-violin eh.Lumabas na lang ako ng music room sa school namin at naglakad sa hallway.
Hi ako nga pala si Violin Ethy Marbell, Violet for short. 19 years old. Hindi dahil Violin ang pangalan ko eh kailangan ko ng tuparin ang pangarap ng parents ko. ANg parents ko hindi ko kasama. Nasa langit na sila. Kaya eto ako pakasikap tuparin ang gusto nila para sa akin. Si yaya na lang ang kasama ko sa bahay. Only child kasi ako.
"Yung babae tulungan nyo, bilis."
"Masasagasaan na yung babae."
"Magpapakamatay ka ba?"
Sino ba yang babaeng yan at masyadong pa-famous. Alangan namang ako pa ang tumulong dyan eh--
Napatigil ako ng biglang may tumulak sa akin kaya napahiga kami. Napadaing na lang ako sa sakit ng binti ko. Naka-short lang kaya ako.
Dahil mabigat sya sigurado akong lalaki sya. Pinaghahampas ko sya at sumigaw.
"Bakit ka ba nanunulak ha? Nakakasakit ka ha?""Ano ba? Masakit wag mo nga akong hampasin. Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa tong suplada." Sigaw nya pabalik.
"
"Kelan pa naging gulong ang pagtulak sa akin? Ha? Ipaliwanag mo nga." Sigaw ko rin. Bigla bigla bang manununulak. At wala talaga syang balak tumayo ha. Nabibigatan na ako sa kanya."Muntik ka na kayang masagasaan." Sigaw nya na nakapagpatigil sa akin. Ako? Muntik ng mamatay? Ako yung tinutukoy ng mga tao?
Naramdaman kong umalis sya sa ibabaw ko at tumayo na. "Hindi mo ba kakapitan ang kamay ko o forever ka nang hihiga dyan?" Tanong nya. Ilang beses kong hinanap ang kamay nya sabay nagpahila para makatayo. Kahit hindi ko alam ramdam kong nakatingin sya sa akin na nagtataka.
Inalalayan nya akong maka-upo sa bench at sumigaw sa mga tao. "Ahmm..okay na po. Ligtas na po sya. Ituloy nyo na po ang ginagawa nYo." Sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"Hindi mo ba nakita yung kotse." Bulong sa akin. *sigh*
*******
"Huhuhu..Mama, papa. Asan na kayo." Napa-upo na lang ako sa sobrang iyak. Naliligaw ako sa gubat na to. Nasa may park kasi kami kanina. Si papa may kausap sa telepono habang si mama naman may kausap na babae. Eh nakakakita ako ng paru-paro at sinundan ko sya. Hanggang sa eto naligaw ako. T_T waahhhh...tulong po.
"Hoy bata." Napatingin ako sa batang lalaki na nakatayo sa harapan ko.
"Kung maka-bata ka naman akala mo ang tanda mo na." Pagtataray ko.
Tumawa sya bigla. "10 years old na kaya ako,ikaw?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko. Fc pala to, feeling close.
"9--"
"Mas matanda pa rin ako. Oh, diba?" Sabi nya sabay siniko ang tagiliran ko. Napatawa na lang ako. ANg cute nya. Parehas kaming may apat na bungi sa unahan.
"Bakit ka ba umiiyak kanina?"
"Naliligaw kasi ako. Tulungan mo naman akong makalabas oh, please!" Nagpuppy eyes pa ako. Sana naman gumana.
Tumawa sya bigla. "Paano ba yan. Eh naliligaw din ako eh." Masaya pa sya nyan ha?
"Anong pangalan mo?" Tanong nya sa akin. "Violet ikaw?"