A/N: This is dedicated to CutiesPublishing :) I really appreciated the fact that she's reading my works. Thank you talaga.
**********************************************************************************
5 years...
Kaytagal na pala...
Ang daming nawala...
Ang daming nabago...
Pero bakit ang lintek kong puso ayaw pa ring tumigil sa pagtibok para sayo...
"Oh Rei, you're finally here...I've been waiting for you." sabi ng bestfriend kong si Angelica sakin saka nakipag-beso.
"Nahihiya nga ako sayo eh, di ako umabot sa simbahan. By the way, where's Jelina?" tanong ko naman sa kanya.
"Ayun, nasa daddy niya. Ahmm...wait! Kukunin ko lang siya." pagkasabi niya nun eh naglakad na siya patungo sa mag-ama niya.
Sana wala siya dito...
Hindi ko makakayang makita siya ulit...
He has caused me too much pain...too much loss...
Dahil sa iniisip ko ay di ko namalayang nakalapit na pala ulit sakin si Angelica karga karga ang anak niyang si Jelina.
"Rei, I know what you are thinking. Don't worry, he's not here. He said that he couldn't come. He's busy daw."
"What makes you think I'm thinking about him?"
"I know you, Reihina Florencio...matago mo man ang nararamdaman mo sa ibang tao pero hindi sa akin."
"I really don't want to see your cousin Angelica. I hate him."
"I totally understand Rei. O eto na pala ang inaanak mo, ang ganda-ganda...manang-mana talaga sa akin."
"Nahiya naman ako sa pagmumukha mo." biro ko naman sa kanya
Inabot niya sakin ang anak niyang si Jelina na inaanak ko. Yun nga ang rason kung bakit ako nandito dahil binyag niya ngayon.
Tiningnan ko ang bata, ang ganda nga niya...kamukhang-kamukha niya si Angelica. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang patuloy kong pinagmamasdan ang mukha ng bata...
Ang anak ko kaya? Kamukha niya rin kaya ako kung nabuhay siya? O baka si Matt ang magiging kamukha niya...Hay! Kada nakakakita kasi ako ng mga bata eh naaalala ko ang anak ko...bumabalik lahat ng sakit. Gustong-gusto kong magalit sa kanya, dahil iniwan niya ako...nagkaroon ako ng miscarriage at nawala ang anak ko. Pero bakit kahit anong sulsol ko sa utak kong magalit sa kanya eh hindi ko pa rin magawa. Dahil sinisigaw ng puso kong mahal na mahal ko pa rin siya.
Siya ang aking the one.
Ang nag-iisang lalaking minahal ko at patuloy pa ring mamahalin.
The one that got away...
Naramdaman kong umiinit na ang gilid ng mga mata ko kaya tinawag ko na si Angelica para kunin sa akin si Jelina.
"Gel, kunin mo muna si Jelina..."
"Friend, ok ka lang? Pasensiya na ha? Baka napilitan ka lang pumunta dito."
"Naku! Ikaw talaga! Hindi no, hinding hindi ako mapipilitan when it comes to you...mahal ko ang best friend ko eh."
"Asus! Nag-emote na si bestfriend, o siya punta muna kami ni Jelina dun ha? Kumain ka na."
"Sige."
BINABASA MO ANG
The One that Got Away [One-Shot]
Короткий рассказNahanap mo na ba ang iyong the one? Paano pag nakawala siya? Makakaya mo ba? The One that Got Away. Enjoy Reading. Thanks a lot:)