Regret

474 9 2
                                    

At dahil sa nangyari....

Hindi na kami nag uusap ni Jayden, hindi na kami sabay kumain at hindi narin kami tabi matulog...

pati pag punta sa school hindi narin kami sabay....

Pag nagkita nga kami sa school hindi kami nag papansinan ... parang hindi kambal!

Iba na ang barkada nya at iba narin ang barkada ko....

Pero wala akong pakielam kahit anong gawin nya!

*FAST FORWARD*

Tumawag ang mahal ko at galit na galit sya sa akin....dahil nalaman nyang hindi ako ang naka date nya sa 1st anniversary namin...

Pinuntahan ko sya sa bahay nila para i.explain ang lahat at humingi ng sorry sa kanya....

Ginawa ko ang lahat mapatawad nya lang ako, lahat ng oras ko binigay ko sa kanya....

Para makabawi naman ako sa maling ginawa ko sa mahal ko....

Masaya ako dahil lahat ng ginawa ko sa kanya ay na.appreciate nya...at pinatawad nya ako...

Lumipas ang mga araw at buwan mag se.second anniversary na kami ng Mahal ko.

Isang araw na lang 2nd anniversary na namin,...

*FAST FORWARD*

Nung gabing yun  bago ang 2nd anniversary namin ay nag lakad kami ng mahal ko papunta sa bahay nila.....

Pero may biglang humarang sa aming mga lalaki at binastos ang Mahal ko.....

Kaya nakipag away ako sa mga gagong yun para ipag tanggol ang Mahal ko.... 

*FAST FORWARD*

*FEB 28, 2006*

(2nd Anniversary na namin ng Mahal ko)

Nagkita na kami ni Mahal sa lugar kung saan ang tagpuan namin...

10:25pm..... 

May na receive akong text galing sa unknown number   sabi....

"Humanda ka dahil ito na ang huling araw mo! .. Hindi pa tayo tapos..! .."

Pero hindi ko yun pinansin baka kasi masira pa ang date namin ng Mahal ko....

11:47pm....

 Tumawag yung twin bro ko sakin pero hindi ko sinagot dahil nakaka istorbo sya sa date namin ng mahal ko.....kaya pinatay ko ang cellphone ko....

12:15am.....

Umuwi ako sa bahay namin...pero nag taka ako dahil walang tao sa bahay....kaya binuksan ko ang cp ko para tawagan ang mama ko....

Sabi ng mama ko kailangan ko daw pumunta sa hospital dahil may masamang nangyari kay Jayden....

Kaya nag madali akong pumunta sa hospital para kamustahin ang Twin ko......

Pag dating ko sa hospital nakita ko agad ang mama at papa ko na umiiyak....at maraming dugo sa damit....

Tinanong ko sila kung anong nangyari kay Jayden....

Pero hindi nila ako sinagot kaya pumunta nalang ako kay Jayden para malaman ko kung ano ang lagay nya.....

Pero nung papasok palang ako sa Room ni Jayden sinalubong agad ako ng Doctor...

sabay sabi....

"Sir pasensya na po kayo.... ginawa na po namin lahat ng makakaya namin pero hindi na po kinaya ng pasyente ang limang saksak na natamo nya sa dibdib..."

Pagka rinig ko sa sinabi ng doctor bigla na lang akong nawalan ng lakas at tumigil ang mundo ko.....

..........................

Inisip ko nalang na isa itong masamang panaginip......    :'((

Hindi ko kinaya ang narinig ko....

kaya agad agad akong umuwi sa bahay namin....

pumunta agad ako sa kwarto namin ni Jayden....

Nagwala ako at humagulgol sa pag iyak....dahil hindi ko tanggap ang nangyari sa kambal ko.....

UMIYAK LANG AKO NG UMIYAK.....

Habang umiiyak ako may napansin akong sobre sa mesa.

kaya binuksan ko agad.....

Pagbukas ko ay may nahulog na Silver cross necklace na may kasamang sulat,,..

"Kapatid ko, sorry kung dinaan ko sa sulat ang pag hingi ko ng sorry sayo....kasi nahihiya ako sayo ehh....at baka hindi mo tanggapin ang sorry ko....alam ko kasing galit ka pa sa akin....kung alam mo lang kung gaano ko kamiss ang lahat ng kulitan, tawanan, at asaran nating dalawa. Sana mapatawad mo na ako Bro....

Sa katunayan nga nag iipon talaga ako ng pera para mabili ko ang gusto mong kwintas.... para narin mabawasan yung galit mo sakin....

Sana bukas pag gising ko bati na tayo.... :)

Sige Idol kong kambal... hehe."

Pagkatapos kong basahin ang sulat nya, mas nagalit ako sa sarili ko.... dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya yun....

Di ko rin napansin na hindi ko na pala nabigyan ng time ang kambal ko....

Galit ako sa sarili ko dahil hindi manlang ako nakapag sorry sa kanya....

At hindi ko nasabi sa kanya na miss na miss ko na rin sya....

Hindi ko manlang naisip na pag gising ko wala na akong kambal na alagi kong kakulitan ...

kasabay kumain.....

katabi matulog....

kasabay ko papuntang school....

katulong ko sa pag gawa ng mga assignment at project....

At kakampi ko pag may kaaway ako.   :'((

............................

Mahirap kalimutan si Jayden at ang masasayang alaala namin simula pagka bata.....

Parang gusto kong bumalik lahat sa dati.....

Para masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal at kung gaano sya kahalaga sa buhay ko.  :'((

Nasa huli talaga ang pag sisisi....

Kaya hanggat nandyan pa ang mga mahal nyo sa buhay dapat ipakita at iparamdam mo sa kanila na mahal na mahal mo sila.....

Wag kang mahihiya  sabihin kung ano ang gusto mong sabihin sa kanila.... Mahirap mag sisi sa huli....

Dahil hindi na pwedeng ibalik ang buhay ng tao pag kinuha na ito ng Diyos... 

.......................

THE END.

Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon