NO PROMISES

96 2 0
                                    

Nasa isang virgin island ang mag-inang Milita at Dania sa probinsya ng Bicol, ang Caramoan. But, unlike the other tourists there they were not there to indulged themselves but to mend a broken heart. In the island Dania met a man. A no ordinary man. A ladies man. Kung ngumiti ito’y nakakawala ng problema. Ang kulay tsokolate nitong mga mata ay tila mainit na hangin na humahaplos sa kanyang balat tuwing naglalapat ang kanilang paningin. And for the first time in her life naramdaman niya ang paghahangad na makulong sa mga bisig ng isang lalaki. The charismatic man gave her an extreme effect that made her surrendered her innosence. Isang gabi na hindi na mawawala sa kanyang alaala. But, was her emotions ready for the consequences of having a one night stand?   

Chapter 1

SHE WAS DEAF, well almost. Yakap niya sa kanyang kaliwang kamay ang kanyang orange knapsock, laman kasi nito ang kanyang wallet and some of her other important stuff. At dahil siksikan ang mga tao sa entrance ng Naga City Coliseum, she secured her valuable . Halos matapon naman sa kanyang kabilang kamay ang kape na binili pa niya sa paborito niyang coffee shop. Nasa loob iyon ng SM City Naga na katapat lang ng coliseum. Bicol’s pride ang naturang coffee shop, iyon ang Beanbag Coffee Shop. It offers sweet cookies and cakes and of course great taste of hot and cold coffee mixtures. Magaan pa sa bulsa.

Napakaliwanag ng buong paligid sa loob o labas man ng coliseum. Hindi lamang dahil sa mga nagtataasang street lights kundi pati na ang liwanag mula sa bilog na buwan. The crowd was heavy on a Saturday night. Hindi nakapagtataka iyon, halos puno ang parking lot ng SM City, habang marami pang pasahero ang patuloy na dumadagsa sa Naga City Terminal na nasa kaliwang bahagi naman ng mall na iyon. Napakalaki na ng ipinagbago ng lugar na iyon, noon kasi pugad iyon ng mga squatters at nagtataasan rin ang mga damo roon. Pero ngayon, maihahalintulad na ito sa Cubao, Quezon City bus terminal kung saan napapaligiran ng mga naglalakihang malls at iba pang istablisyamento. Ikalawa nga raw ang Bicol sa mga naghihirap na rehiyon sa Pilipinas, pero kapag naroon ka sa lugar na iyon ay hindi mo mararamdaman ang paghihirap na sinasabi ng census. Isa pa, ang Naga City Coliseum ay ang ikalawa sa Araneta Coliseum kung ang kalakihan ng lugar ang pag-uusapan.

Halos naman matalo na niya sa pahabaan ng leeg ang mga giraffe. Hinahanap niya kasi sa paligid ang kanyang pinsan. Her cousin invited her to watch a basketball game. Mula pa kasi sa Maynila ang dalawang team na magpapakitang gilas. Two popular PBA teams. Hindi maikakaila ang excitement sa bawat mukha ng mga tao.  And the crowd’s noise with the coliseum’s music somehow irritated her. She sighed. Kung hindi lamang siya mabuting pinsan ay nungka siyang pupunta roon at makikipagsiksikan. Para kasing mall show ng mga sikat na artista ang itsura roon.  

Bigla namang nagsalubong ang kanyang mga kilay. A fat man behind her pissed her off. Why, the man kept on touching, no, holding her butt. Sa nanlilisik na mga mata, nilingon niya ito. There she saw a maliscious grin on the man’s lips at ang bastos ay nagawa pang kumindat sa kanya. Nakatikim tuloy ito ng isang malakas na sipa sa pagkalalaki nito. Napaungol ito sa sakit.

“Maniac!” sigaw niya rito.

Natawag niya ang atensyon ng ibang tao roon. Nakaluhod na ang manyakis sa kanyang harapan habang namimilipit sa sakit. He cursed her. Hindi na rin tuloy napigilan ng ibang babae roon na hampasin ang lalaki. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga security guard at agad na binitbit palabas ang bastos na lalaki. Paniguradong kalaboso ito. Malas lang nito na siya ang ginawan nito ng krimen, well, she’s an avid fan of action movies kaya kahit paano ay alam niya kung paano ipagtanggol ang kanyang sarili.

“Okey ka lang ba, hija?” A woman on her late forties asked her. A sympathetic smile was on her face. She was beautiful. And the woman’s eyes may kapareho ang mga iyon na kilalang kilala niya. Kulay tsokolate ang mga iyon at may kalaliman kung tumitig. Nakita niyang may finese kung kumilos ang babae, naisip niya na mula ito sa mayamang pamilya. Tinablan naman siya ng hiya hindi dahil sa mayaman ito kundi dahil kung ikukumpara siya rito’y mas magmumukha pa itong dalaga kaysa sa kanya. Bashfully she nodded and returned the woman’s smile. Nasa ganoon silang sitwasyon ng marinig na niya ang boses ng pinsan mula sa kanyang likuran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NO PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon