Di ko na alam kung gaano na'ko katagal nakaupo sa sulok ng kwartong 'to. Sa tagal ng pagkaka-upo ko sa malamig na sahig, nakapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim. I lost track of time staring at the tiny, gaping holes in the window, where rays of gray light seeped-in and casted an eerie, dull light across the room.Ito na pala ang kinahinatnan ng kwartong 'to. Nagkalat sa sahig ang mga lumang music sheets na unti-unti nang natabunan ng alikabok. Sirang drums, mic stand, at mga wires naman ang iniwang nakatiwangwang sa kabilang dako ng silid. Napatingin ako sa sulok kung saan dati'y naroon ang aming drum set, keyboard, mga gitara, at iba pang instrumento. Ngunit mga sirang mesa at upuang pinagpatong-patong na ngayon ang pumalit sa pwesto. Tuluyan nang naglaho ang buhay sa dati'y masaya at puno ng siglang kwarto.
Garahe. Ito ang dating tawag namin dito. Garahe, kahit nasa second floor ito ng isang lumang building at kahit di naman sasakyan ang nakaparada dito, kundi ang aming mga pangarap. The walls can bear witness to all the stories that unfolded here. Ito ang naging pangalawa naming bahay at kung saan nabuo ang aming banda. Dito kami sabay-sabay nangarap, tumawa, umiyak, nabigo. Saksi din ang mga pader na 'to sa unti-unting pagka-buo ng mga lyrics at tugtog ng mga kantang ngayo'y napapakinggan niyo na sa radyo.
The wooden floor creaked beneath my feet when I finally stood up and lazily walked toward the window. Binuksan ko ang bintana at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at konting ambon na dumampi sa aking pisngi. Parang sinasabayan yata ng panahon ang kalungkutang nadarama ko.
I turned my back at the window and faced the barren room. This room was never this quiet. One glance was all it took to bring back all the memories we created within the walls of this place. Garahe. Namiss ko ang lugar na 'to.
This place now radiated an eerie feeling. The dusty scraps on the floor and the broken instruments seemed so haunting.
May multo ba dito o ako ang nag-mumulto sa kwartong 'to?
I didn't want to leave this place, but I had to. This place reminded me of all my impulsive decisions, lost dreams, broken promises, and a chance I didn't take.
There's no turning back now. I made my decision the moment I stepped out of this room. If only I wasn't that stupid. If only I kept an open mind. If only... *sigh
Tanggap ko na hindi ko na mababago ang mga naging desisyon ko. Inaamin ko na kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari ang lahat ng 'to sa akin. Di ko alam pero maayos naman akong pinalaki ng lolo't lola ko. Lumaki naman akong may takot sa Diyos at respeto sa kapwa. I had a bright future ahead of me. But I could have never known that one decision can change my life forever.
Ang lolo't lola ko ang nagpalaki sa akin dahil maaga akong naulila sa mga magulang. Kilala ang pamilya namin sa aming lugar dahil pagmamay-ari namin ang hekta-hektaryang lupaing taniman at sakahan. I was an active member of the student council when I was in college. Engineering ang kinuha kong kurso sa isang sikat na unibersidad at grumaduate ako with a latin honor. Day job ko ang pagiging Consultant Civil Engineer sa isang malaking construction company, at pag-babanda naman ang inaatupag ko kapag gabi at weekend.
Sa looks department, di ko na kailangang magmayabang pa sa dami ba naman ng admirers ko, at maging stalkers. Marami akong kaibigan, ngunit mabibilang ko lang sa mga daliri ko sa kamay ang masasabi kong tunay at mapagkakatiwalaan.
Elementary pa lang ay kinakitaan na ako ng talento sa pag-kanta at pag-gitara. Maaga rin akong natutong mag compose ng kanta. College na'ko nang nabuo namin ang formal na banda na kilala na ng marami sa kasalukuyan. Sigurado akong naging malaking parte din naman ako ng tinatamasang kasikatan ng banda ngayon.
BINABASA MO ANG
Garahe - One Shot [boyxboy]
Short StoryWhen you are given the chance of a lifetime, grab it without second thoughts, because tomorrow might be far too late. Lahat tayo ay nagkakamali, ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Lahat tayo ay natatakot sa hinaharap, pero...