Prologue

91 4 1
                                    

Yui's POV

          "Manong, malapit na po ba tayo?" Tanong ko sa driver. "Malapit na po, Miss." Sagot naman nila habang naka-focus sila sa daan.

          Papunta ako ngayon sa mansion ng mga Sakamaki sa hindi ko alam na dahilan. Basta ang sabi lang ng Papa ko, kailangan ko pumunta doon at tumira doon mula ngayon. Kahit na ayaw ko man pumunta, wala na akong ibang magagawa pa kundi ang sumunod.

          Pero, sa totoo lang talaga, bakit ba kailangan ko pumunta doon? At tumira pa! Nakaka-curious di ba?

          Naputol ang mga iniisip ko ng tumigil na ang sasakyan. Humarap sa akin ang driver at sabi habang naka-ngiti. "Nandito na po tayo."

          Tumango lang ako at saka binuksan ang pinto ng sasakyan at saka bumababa, buhat na rin ang mga gamit ko. Binayaran ko na rin and driver at ngumiti.

          "Salamat po, manong. Mag-iingat po kayo lagi." Sabi ko. Tumango sila at sinabi, "Ikaw rin, hija. Mag-iingat ka rin." Pagkatapos noon, umalis na ang sasakyan at iniwan ako sa front gate ng mansion ng mga Sakamaki.

            Binuksan ko ang gate at saka pumasok sa teretoryo ng mga Sakamaki. Wow! Ang ganda ng labas ng mansion! At ang laki pa! Sobrang yaman siguro ng mga Sakamaki, noh? Sigurado ako, kung gaano kaganda ang labas ng mansion, mas maganda pa ang loob nito!

            Nang makarating ako sa front door kumatok ako ng dalawang beses. "Tao po!" Tawag ko habang kumakatok sa higanteng pinto.

            Bubuksan ko na sana yung pinto ng wala akong natangap na response, kaya laking gulat ko ng biglang bumukas ito ng sarili niya.

            Hindi na ako nag-dalawang isip pa at pumasok na ako sa loob ng mansion. Pagka-pasok ko, biglang sumara ang pinto kaya kinilabutan ako ng unti. My god! Para akong nasa haunted house! Ang laki kasi ng mansion.

             Naglakad ako papunta sa grand entrance kung saan nakita ko ang grand staircase. At idagdag mo pa ang napaka-gandang grand chandelier! Ang yaman talaga ng mga Sakamaki.

              Napatingin ako sa may sofa doon sa may living room. May nakita akong natutulog na lalaki. Hindi na ako nag-dalawang isip pa at lumapit ako doon sa natutulog na lalaki.

              Pinagmasdan ko yung itsura niya. Pale skin, red messy hair, nakatupi ang isang side ng pantalon niya na hangang sa tuhod, yung inner shirt niya naman ay nakabukas kaya exposed yung chest niya, at may nakatali sa leeg niya, which I assume that it is his necktie.

              Nagda-dalawang isip ako kung gigisingin ko siya o hindi. Hay naku! Bahala na nga si batman! Isip ko.

             "Excuse me?" Tanong ko at saka ko hinahawakan ang kamay niya pero agad ko rin ito nilayo. Ang lamig ng kamay niya!

             "Malamig ka! Okay ka lang?" Nagpa-panic na tanong ko at saka ko tinignan ang pulso niya. Laking gulat ko ng wala akong maramdaman na pulso.

             "Wala siyang pulso! Kailangan ko tumawag ng tulong!" Sabi ko sa sarili at saka ko hinanap ang cellphone ko sa bag ko.

             Nang mahanap ko na ang cellphone ko, agad kong dinayal ang number ng hospital. Pero bago ko pa man mapindot ang call botton, may biglang humablot ng cellphone ko.

             Napatingin ako sa humablot ng cellphone ko at laking gulat ko nang makita ang lalaking yun na hawak ang cellphone ko at saka umupo.

            "Damn.. you're noisy," sabi niya at tinignan niya ako. Halatado ang inis sa mukha niya at unting galit sa kaniyang mga mata.

           "Hindi mo rin naman to bahay, so try to keep it down." Cold na sabi nito.

           "B-Buhay ka!" Sigaw ko. Talagang na-gulat ako sa biglaang pagbangon niya.

           "Why wouldn't I be alive? Seriously, what do you think I am anyway?" Tanong niya.

            "P-Pero yung puso mo! It wasn't beating at all!" Sabi ko at unti-unting lumalayo sa kaniya. Pero, bago pa man ako makalayo sa kaniya, bigla na lang niya ako hinila sa beywang at saka niya ako hiniga doon sa sofa.

            "A-Anong ginagawa mo?!" Nagpa-panic na tanong ko. Please lang, Lord! Wala siyang gawing masama sa akin! Bata pa ako!

            "Anong ginagawa ko?" Naka-ngising tanong niya at saka niya nilapit ang mukha niya sa akin. "I think you already know. I'm about to take you of course." He said and licked my neck.

            I let out a small whimper. God, please! Wag niyo po siyang hayaan na gumawa ng hindi maganda!

            Hinintay ko kung ano ang gagawin niya, pero, hindi niya yun natuloy ng biglang may nagsalita.

            "Ayato, what is going on here?"

            "Damn... not you, Reiji." Sabi naman ni 'Ayato'.

            Agad ko siyang tinulak palayo sa akin at tumakbo papunta kay 'Reiji'.

            "Tulungan mo ako! Pakiusap!"

            Napatingin siya sa akin. "And who might you be?" Tanong niya.

            "I-I'm Yui Komori." Pagpapakilala ko sa sarili. "Sabi ng Papa ko na titira ako rito, pero hindi ko alam kung bakit.." Paliwanag ko.

            "Why wasn't I informed by this? Ayato, explain this to me at once." Sabi ni Reiji habang napatingin kay Ayato.

             "Huh? Bakit ako? This thing is new to me too." Sabi niya at napatingin sa akin. "Nobody told me that you'll be living in with us, Pancake."

             "Dahil bigla mo nalang ako inatake! Kaya hindi ako nakapag-paliwanag!" Depensa ko naman. Umiwas siya ng tingin. "Hold on, you said pancake. Tinutukoy mo ba ako?" Tanong ko.

            Bored niya akong tinignan at sinabi, "Of course I was, stupid. Kung hindi mo pa napapansin, you're flat as a pancake. Psh!"

            Grabe naman tong lalaking to!

            "Ayato, ayusin mo ang sarili mo, baka nakakalimutan mo na ang position mo sa loob at labas ng bahay na ito." Suway ni Reiji.

            Huh? Anong position? Ano ba si Ayato? Anak ng presidente or what?

           Nakita kong umiwas ng tingin ulit si Ayato.

           "Back to this matter, I need to know why I wasn't informed by this." Sabi ni Reiji.

           "Excuse me, pero ano ba ang kinalaman ko dito?" Tanong ko.

           "I don't think this is a perfect place to talk about this matter." Sabi niya at saka naglakad patungo sa living room. "Please follow me. Pakilagay na rin ang bagahe niya sa isang guest room." Dagdag niya.

           Napatingin ako sa likod ko at laking gulat ko ng makita ang isang matanda, which I think ang butler nila, na buhat ang bag ko at saka umalis.

           Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Ayato at tinignan ko rin siya pabalik bago ako tumalikod at sinundan si Reiji.

           There is one thing for sure about the Sakamaki Household...

            This place is full of mysteries...

__________________________________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Ayan na po ang prologue! ( ^__^ ) Sana po nagustuhan niyo po. =)

-A.J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire Prince [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon