Kenneth's POV
Haaaaaaay nako... Bakit ba ganito?
Gustong gusto ko siya yakapin lalo na pag umiiyak siya...
Gusto ko mahawakan ang kamay niya... Pag naglalakad kami...
Kaso ayun... Magkasama nanaman sila...
Kausap nanaman niya si Kiel...
At ayun... Nakapatong ang ulo niya sa lalakeng yon! Haist ang sarap itulak!!!
Hinihintay ko lang na magselos siya kay Janica ... Pinipikon ko lang naman siya...
Malay natin mapuno siya, lumapit, at sabihin na...
Mahal niya din ako...
Halos araw araw magkasama kami pero para lang naman kaming aso't pusa...
Asaran, Hanggang manahimik na lang ang isa...
Pero at least sa ganon, nakikita ko siya ngumiti at tumawa...
Pero mas gusto ko syempre lambingin siya...
Kagaya niyan... Nakasandal nanaman ulo niya kay Kiel...
Sa araw araw na magkasabay kami sa jeep, at nakita kong pagod sya di man lang nangyare na sumandal sya sa kin...
Kasi naman Edward!!! Paka-TORPE lang eh!!!
Haaaay...
Kung inamin ko naman ba kasi dito kay Angela ang lahat eh may pagasa ba naman maging kami...
Eh mukhang malaki tsansa na maging sila nung kiel na yun eh!
Siguro next week may dala na yang bulaklak na sasagutin na siya ni Angela ko!
Oo inaangkin ko siya hahahahah :))
Kasi naman eh... Lord, please po bigyan niyo po ako ng lakas ng loob na aminin kay Gela lahat...
Para naman hindi hanggang tingin na lang ako sa kanya!...
Ang dami kong kaagaw kay Angela ko!
Una yung Chris, tapos yung ex-boyfriend nya na si Mikee, tapos ngayon itong si Kiel...
Bakit ba naman lapitin ka Gelai!!!!
Bukod sa tatlo may mga nagkakagusto pa sayo kagaya ni jerome!
Pero yun lang... Lahat sila kayang ipakita sayo nararamdaman nila...
Nayakap ka na nila, naakbayan, nalambing...
Eh ako, kung di ka pa masasagasaan di ko mahaawakan yang balikat mo...
Kung di pa sasama pakiramdam mo di ko pa mapapakita concern ko sa'yo...
Haaaaaay Angela... Sana maamin ko na sa'yo... Nang di ako nagseselos ng ganito at nangangarap lang!
"Kuya Edward, ang sweet nila ate Gelai at Kuya Kiel no?" Janica
"Oo ansarap nila paghiwalayin" bulong ko
"Ano po? Pakiulit! Nagseselos po kayo no!" pangaasar ni Janica
"hindi ah!" depensa ko...
Tapos kiniliti nya ko sa tagiliran...
"ayieeeeeeeh! Kayo ah! " sabi niya
"tigilan mo yan! Isa!" haaaaay nako... Ganun ba kaobvious na nagseselos ako?
Eh bakit di nya pinapansin?!...
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
<3 torpe + seloso! What a nice guy!!!
BINABASA MO ANG
PAG NAGSELOS ANG TORPE
Short StoryPag nagmahal ka normal lang naman ang magselos dahil ayaw mong maagaw ng iba yung taong mahal mo... Pano kung selos ka ng selos eh sa kabilang banda nagseselos din ang mahal mo sayo :)) @-@-@-@ I am most hoping that you would enjoy this short story