Chapter 16

17 2 0
                                    

Veronica's POV

~Esmae

Miss Cupid's assistant andaming nanliligaw sakin pero hindi ako makapili, parehas po silang lahat na deserving pero gusto ko po kasi si the one eh malay mo po kasi mabait lang sa ligawan pag kayo na after ilang araw at ilang araw pa iba na siya please advice po...

~

Natawa ako sa message ni miss Esmae akalain ko andami daw nanliligaw sa kanya tsaka ano naman mapapayo ko dito? Haha..

~Cupid's assistant

Ate pakiramdaman mo po kahit pogi, mabait, cool, at may dimples pa yan, kung ni tibok ng pulso mo ay hindi siya ang pinipitik nito wala paring kwenta, tsaka kung madami man ang manliligaw mo isipin mo nalang para kang pumipili ng magandang gulay sa palengke tignan mo yung pinaka maganda sa lahat pero minsan talaga kailangan mong pumunta pa sa ibang tindahan malay mo may mas maganda pa dun at yun na talaga, hindi porket sila ang nanliligaw isa na dun ang the one and only mo

~

Matapos ang napakahaba kung reply nagbuntong hininga naman ako nasa loob parin ako ng bahay hustisya naman kasi sa mga taong meron. Nag scroll muna ako sa account ko last na message ngayon si Esmae pang twenty siyang nag message yung nakakatawa pang message kanina kung bakit daw siya maganda akalain mo sobrang hangin rin. Insert mo dito yung maasim na mukha bilang reaksyon ko hehe, joke lang..

"Ate!!! Si Ezekiel oh ayaw kumain!!" Nagbuntong hininga naman ako sa sinigaw ni Alexia, Ezekiel na naman... Bumaba na ako papunta sa kusina at nakitang wala nga dun si Ezekiel

"Asan si Zi?" Tanong ko kay Vanessa at tinuro naman niya sa labas tumango naman ako at pumunta kung nasaan si Ezekiel malapit na pala birthday ng batang to December 23 na kasi ngayon ang birthday niya sa new year actually 31 siya 11:50 ng gabi pero para sakin new year's baby siya. Tsk ten minutes nalang nga ayaw pa
i-consider..

"Zi! Bilis kain na sa loob" tinawag ko siya, siya naman nakatingin parin sa fountain namin na may mga isda, gold fish mga ganun.

"Gusto ko ice cream ate" mahina niyang sagot yung kamay niya nasa tubig na hinahalo yung ibang tubig tapos yung baba niya nakasandal sa may palad niya at naka luhod naman siya.

"Anong flavor?" Tanong ko at nag hummed naman siya bilang response at ngumisi.

"Rocky road" sagot niya at ginulo ko naman yung buhok niya sabay buhay na sa kanya.

"I'll buy you alright, pero kumain ka muna" ng pout siya at ng whined pero nginitian ko lang naman bumaba na siya sabay takbo sa loob, kakain na siguro yun. Naglakad ako papuntang garahe nakita ko naman si Prince na naglilinis ng sasakyan.

"Yow Rince bilhan mo ko ice cream" bungad ko sa kanya tinignan niya lang ako sabay smirk.

"Ikaw kaya may gusto so ikaw bumili" nag pout naman ako pero wa-effect parin kaya ginamit ko nalang yung kotse ko at umalis ng bahay sira ulo yung lalaking yun nagpapa bili lang.. Wait,,teka.. Yung wallet ko. Bumalik muna ako sa bahay at dali daling kinuha yung wallet ko sa kwarto pero bigla akong huminto ng may nakita akong message sa computer ko.

Lumapit ako dun at may nakitang tatlong message inopen ko yung isa at may message na..

~heart

Thank you sa payo mo dun sa pangasinan remember me yung babaeng tinulungan mo about sa kasal kasal?

~

Nagtaka naman ako pano niya nalaman na ako si Cupid's assistant eh mysterious ako si Aoimine ang profile pic ko bakit ganun? Yung isang message naman pagbukas ko napaupo nalang ako sa upuan ko may nakalagay na picture ko kasama si Neyshalee tapos naka close up pa talaga at may big text, the real face of Cupid's assistant, dami talagang haters oh. Yung isang message naman may nakalagay na penge number.

The Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon