-----------
LLOYD'S POV
grumaduate na kami ni Josh. Si shara at nicole naman ay incoming 4th year na. hayyss, sana masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. sana kung malaman man nyang ako ang lalaking nag talksh*t sa kanya ay mapatawad at matanggap nya sana ko. :(
wala na kong paraan na naisip pa kundi magpanggap na ibang tao, maging misteryoso, at maging sinungaling para sa kanya. sinabi ko ang aking plano kay josh.. ang sabi naman niya ay tutulungan niya ko, eh syempre hindi yun pwede mag lihim kay shara, sinabi nya rin. hindi na naman galit sakin si shara at sumang ayon din sya sa plano ko.. hindi naman namin ito papatagalin.
noong una ay inadd ko naman si nicole sa fb. mabilis naman niya itong inaccept at ito ang nagpasaya sa akin. hindi ako autoliker pero lahat ng ipopost, picture niya ay nililike ko. wala eh, maganda kasi sya. natural na maganda :) kinabukasan ay sinubukan kong ichat siya.. sumagot naman siya. napakasaya ko ng araw na yon. yun din kase yung time na ibinigay niya sakin ang number niya.. tuwing tinatanong niya kung taga saan ako, hindi ko masabi, hanggang ngaun natatakot padin ako -___- hindi ko na siya tinetext at chinachat.
nakaisip nanaman ako ng ibang paraan upang makasama siya. yun ay ang yayain sya mag resort, pero syempre kasama si josh at shara kasama narin dun ang pagpapalit ko ng pangalan (lloyd) .. alam ko ang magiging reaksyon niya, inaasahan ko na yun, pero gusto ko tlaga syang makasama. nung pagkakita niya sakin ay gulat na gulat siya. tanong siya ng tanong kung wala daw ba kong kakambal o hindi daw ba ako yung angelo. tinulunan naman ako ng dalawa, tinanong nila kung nakita na daw ba ni shara si "angelo/ako" ang sagot niya hindii. edi ang alibay nlang ng bestfriend niya ay baka poser lang si "angelo/ako"... nakahinga na ako ng malalim.. nakarating nadin kami sa resort. maayos na ee.. ng biglang dumating si mama -___-
biglang pumasok si mama sa resort, sumigaw ng ANGGEE. laking gulat ko ng nandun na siya.. hala, paano na to. >< mabilis kong nilapitan si mama at nagets naman niya ko sa nandito-siya-look. nakekwento ko kasi sa kanya sila shara, josh at syempre si niks. alam niya din ang pagpapanggap ko, alam niya lahat, and she said that this was a bad idea. pero no choice. naumpisahan ko na ee. hindi ko nga lang siya nainform na pupunta kami dito sa resort with her kaya si papa na siguro ang nagsabi..
naramdaman naman siguro ni mama na hindi siya welcome sa outing kaya naman nagpasyang uuwi nlng sya, pero hindi ko sya pinayagan. syempre baka may mangyari pang masama sa kanya. nanay ko siya kaya dapat hindi ko siya pinapabayaan. sumang ayon naman si mama doon. siya na din ang nagkusa na maging tahimik sa mga nalalaman niya. matutulog na sana ko ng biglang nagtext si shara.
SHARA: oyyy! tinatanong ni niks kung bakit daw angee(anj) ang tawag sayo ng mama mo... anong sasabihin ko! arghh -_____-
AKO: halaka.. umm mag alibay kna muna, kaya mo na yan, pasensya shara wala rin akong naiisip na dahilan tsk..
SHARA: osige sige, sabi ko nalang Lloyd Angee Gerso pangalan mo. mukhang naniwala naman siya kase nanahimik na siya.
AKO: osige sige, thank you shara!
nakahinga nanaman ako ng maluwag. nakalusot nanaman ako sa kasinungalingan ko. dinadalaw na ko ng konsensya ko -___- ang sabi ko naman sandali nalang.. sandali nalang at aamin nko.. naisipn ko namang itext si niks para mag goodnyt. at ayunn the next day na....
(1st day)
sila shara talaga ang may pakana na picturan si niks. siya kase ang huling nagising samin. ako ang humawak ng camera *FLASH* at ayuun nagising siya, at unexpected na nahulog siya.. gusto ko sana siyang tulungan kaso galit na galit siya. epic fail pa ang pagkalaglag niya kaya naman natatawa kaming tatlo.. nung bandang hapon naman ay nakita kong pinapansin na niya yung dalawa kaso ako hinde___<
(2nd day)
hindi parin ako pinapansin ni nikss. kahit anong papansin ko waepek parin sa kanya.. kinagabihan ay naisipan namin ni josh uminom at mag videoke. hindi na namin inabala pa yung dalawang babae dahil mmukha namang nag eenjoy silaa. nang medyo lasing nako hindi ko na alam ang nangyayare sa paligid ko, nakita ko nalang si nicole at shara na nakatayo sa pinto. busy lang ako sa pagkanta.. nag sesenti ako dito ee. walang pakialamanan! hahaha. nararamdaman ko nalang na kinakalabit ako ng kinakalabit ni josh. aaa bahala siya busy nga ako dba. nang biglang.....
"FIIIIIRRRREEEEE"
nagulantang ako sa pagsigaw ni nicole. bigla nila kaming pinagbabato ng mga lobong may tubig sa loob. tumakbo si shara palabas at hinabol naman siya ni josh. si nicole naman ay nakatalikod. nilapitan ko siya. nagulat siya ng pagtalikod niya ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. tinignan ko siya ng seryosoo. hindi ko na napigilan ang sarili ko ng sinabi ko sa kanyang "mahal na mahal kita nicole" alam kong hindi siya mniniwala, lasing ako ee. pero yun ang totoo. naMAHAL KO SIYA. MAHAL KO SI NICOLEE. eto na yata ang simula ng pagamin ko sa kanya. ng lahat lahat.....
---------
witwiw. XD napabilis ang UD ko. oha oha! hahahaha. vote and comment po. thanks <3
BINABASA MO ANG
When a man is Jealous
Romance"ang lalaking SELOSO malamang SERYOSO" nakakakilig naman kasi talaga once na mag selos ang lalaki. :'> Oopss.. wag naman masyado, kasi nga minsan nakakairita na. ;) thiis is an ongoing series. vote if gusto nyo pong ipagpatuloy ko. :) syempre alanga...