Ch1

14 0 0
                                    


Naglalakad ako sa may hallway, galing akong canteen kasama ko mga tropa ko. Syempre, you know. Boys will be boys. Habang naglalakad ako nagulat ako ng may biglang sumigaw "Liam Perez crush ka ni Alex!" Nagulat naman ako, Sino si Alex? galing lower year? 


"Naks haba ng hair mo pre!" Sabi ng kasama ko saken na may halong pang aasar. Nangiti ngiti lang ako. Bahala kayo jan. Nung naka-akyat na kami sa room namin. Second floor kasi ung room namin, tas sa may balcony pasilip silip ako sa baba. Nandun kasi sa baba yung Alex, kasi second year lang yata sya or first year? Pero 2nd year at 3rd year ang magkalapit ang building so i guess, 2nd year siya.


Sino si Alex? Di ko siya kilala. Ano kayang apelido ni Alex? Ano kayang itsura niya at saakin pa nag kagusto?


Matatapos na ung break time, at katabi ko nanaman si Kyrstell. Hay ang madaldal na babae. Habang nagkaklase kami sa science dinadaldal niya ako. "Crush ka kamo ni Alex!" Dere-derecho niyang sabe. nakakapagtaka sino ba si Alex?


Dineadma ko nalang, nakakainis eh. Nakikinig ako tapos daldal ng daldal. Sabay pa sila ni Chris. Nakakainis lang kase sobrang daldal nilang dalawa. parang bakla din banaman tong si Chris.


Natapos ung klase, 7pm ang uwian namin. Halfday lang kami, afternoon shift. 12pm to 7pm. Meron kaming tinatambayan ng mga kaklase ko na tindahan. Siyempre nakakatamad kaya na umuwi agad. Kala mo talaga eh.


Nakita ko ung mga second year na star section, grabe ang iingay nila. Siguro kasama nila yung Alex? hindi ko padin kasi alam hanggang ngayon kung anong apelido niya. Nakakainis kase to. 


Pag uwi ko ng bahay, derecho comp shop ako para gumawa ng assignment, dejoke pinapasunod kasi ako ng kuya ko dito, laro daw. Edi ayun.


Habang di pa start ung game namen, sinearch ko muna sa fb "Alex" erghh daming lumabas. Edi ang ginawa ko sinearch ko ung pangalan ni Kyrstell at dun ako nag hanap baka may pictures sila nung Alex?


Hinanap ko ng hinanap at wala akong makitang clue. Hanggang sa pagbalik ko sa newsfeed ko. Nagulat ako at medyo nasiyahan. "Alex  Gabrielle changed her profile picture". Sobra talaga akong nagulat! Parang lumundag ung puso ko. Kung nababasa to ng mga kaibigan ko, tinatawanan na ako ng mga yun sa kakornihan ko.


Alex Gabrielle. Hmm. Ang ganda niya. Ang cute niya. Ang singkit ng mga mata niya. Grabe.


-


Papasok na ako ng school at ung mata ko kung saan saan nanaman nalipad. Hinahanap ko ung mukhang cute na singkit. Wala akong makita. Anong oras na 11:30 wala padin akong makitang babaeng cute na singkit na dumadaan dito. 12pm na wala padin!


Paakyat na kami nung may narinig ako na "Leeeeeeeeeeeeeeeeex!!! Dalian mo! Late ka nanaman! habulin mo si Carlos, ipapasa niya na kay maam ung assignment sa math dali dali!!!" Sigaw yata nung kaklase niya. Lex?  Paglingon ko. Medyo maitim pala sya sa personal pero ang cute niya padin. Napatingin siya saken at umiwas ng tingin tas sabay balibag ng bag sa kaklase niyang sumigaw at tumakbo paalis.


Dumating ang recess at dadaan nanaman ako sa room nung ateng cute. Hindi ko sya nakita sa labas ng room nila. Pero wala na silang klase at ang onti nalang ng tao sa room nila. Nasaan siya!?


Nung naglalakad na kami ng tropa ko pabalik ng room, nagkasalubong kame. Nagkatinginan kami. Mata sa mata. kinilig.ako.wahaha. Para akong hindi lalaki nakakainis, pero totoo. Hindi ako nakangiti nung nagkatinginan kami, medyo na-intimidate yata to.


Nandito ako ngayon sa balcony sa tapat ng room namin. Sinisilip silip ko si Alex. Tapos nagulat ako. MAy sumigaw nanaman na kaklase niya. "Perez!! Crush ka ni Alex!!" Hindi ko alam gagawin ko tapos pagtingin ko kay Alex tumakbo siya papasok ng room nila. Tapos ako eh umupo para di ako kita ng mga tao sa baba.


Pupunta na kami ngayon sa TLE Room, sa taas yun ng room nila. Edi madadaan namin sila. Sa may bintana pala ung upuan niya kaya medyo nakita ko siya. Ang cute niya tumawa, nakikipag daldalan hindi nakikinig sa teacher sa harapan.


Natapos nanaman ang klase sa araw na to. Inaya ako ng kaklase ko na bumili daw kami sa may 7-eleven. Oo naman ako.


Nandito na kami ngayon sa may tapat ng 7-eleven. Iniintay ung kaklase ko na nasa loob ng 7-eleven bago kami umuwi. Ah siya nga pala, walking distance lang ang bahay ko sa school. NAgulat ako nung biglang may tumawag sakin.


"Perez crush ka neto" sabi ni Kyrstell na nasa may gilid lang pala namin. KAsama niya pa ung isa naming kaklase na si Viana sabay turo kay Alex. "Lah, kuya di nga kita kilala eh" Sabi ni Alex. Ouchie. Hindi ako kilala? Hindi ko alam kung mahuhurt ako pero nahurt ako. Tapos inasar ako ng mga tropa ko "Naks! Alex Gabrielle pa ang may crush sakaniya!!!!"  sabi ni Judge saken, tropa ko din yan.


Wow kilala niya si Alex? "Kilala mo yung Alex?" tas sabi niya saken "Oo naman no, nakakatext ko yan eh" Uso kasi plug saamin. kaya siguro nakakatext niya gawa ng plug plug na yun. Tas naiba ung topic namin tas ayun na lumiko na ako.


Derecho compshop nanaman ako pag uwi, laro daw ulit eh. Ganon ulit ang nangyare. Tapos nagulat ako pagkauwi ko ng bahay, nag online ako sa phone ko tas biglang "Judge Uy tagged you in a post" edi tinignan ko tas sabe niya dun 'Pre Liam Louis Perez may secret admirer ka!' edi nagcomment ako sabi ko 'sino nanaman yan pre penge ako katext' tas ayun. Tas nakita ko 'Alex Gabrielle likes a post you are tagged in' aba online si cute.


Tas piniem ako ni Judge sabe 'pre, crush ka daw ni Alex yieee' edi nagulat ako. Aba ang gulo ah. 'wag mo sabihin na sinabi ko sayo pag nalaman niya na nalaman mo' tas sinend pa saken ung sinabi ni Alex 'Si Liam Perez crush ko. waaaaaaaaaaa angas kasi ng mata lalo na kanina nung nagkasalubong kame emegehddd ung mata parang wala na sa sobrang liit shemay makalaglag undies pag naka straight face' ang kulit! HAHAH kinikilig ako.


Tas sabi ko sakaniya 'SIno ba kasi si Alex' syempre, mapagpanggap ako. Pakipot kuno. Tapos piniem ko na si Alex sabi ko sakaniya 'Ikaw po ba ung 2nd yr naa taga star section' tas ang tagal mag reply. Tapos sineen ako. Tapos typing. Tapos seen. Aba medyo paasa to. 'Emegehd neng!!! piniem ako ni Liam!!! omg omg omg omg omg omg ang hirap gumulong gulong dito omg omg omg' nagulat ako sa piniem niya. Edi sabi ko sakaniya 'Huh?' tapos sineen na ako. HALA! Nahiya yata.


--

© all rights reserved 2015

 under notsobyotch account

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon